Hakbang 1/3

Maligayang pagdating

Hakbang 1/3

Hakbang 2/3

Hakbang 3/3

Ang Orb ay isang open source device na binuo ng Tools for Humanity, at ibiniberipika nito kung isa kang bukod-tanging tao nang hindi kinukuha ang iba mo pang impormasyon.
Kukunan ka ng Orb ng mga larawan at ipoproseso ang mga ito para maberipika kung isa kang bukod-tanging tao nang hindi na kailangan pang itabi ang mga larawan mo at mangolekta ng iba pang impormasyon.
Mapa-Tinder man o Zoom, ang beripikado mong World ID ang siyang magpapatunay na tao ka sa anumang partner app namin. Maging isa sa mahigit 18M beripikadong tao.
Kapag nagpapaberipika ka ng World ID sa Orb, paminsan-minsan ay may lalabas na
error message sa World ID App mo. Kapag nangyari ito, pakisundan lang ang mga hakbang na nakalagay sa artikulong ito.
Hindi, isang beses mo lang kailangang ipaberipika ang World ID mo sa Orb.
Para magamit ang beripikado mong World ID, buksan lang ang World App sa telepono mo kapag kailangan mong patunayang tao ka sa isang app o website:
May mga app na puwedeng humingi sa'yo ng Face Auth. Isa itong dagdag na hakbang panseguridad na isinasagawa lang sa telepono mo para matiyak na ang taong nagpaberipika sa Orb lang ang makaa-access sa World ID sa device na 'yon.
Madali mong maba-backup ang account mo sa pamamagitan ng pagpili ng iCloud (iOS) o Google Drive (Android) backup sa World App.
Ikaw ang may buong kontrol sa datos mo. Pagkatapos mong mapatunayang tao ka, ang datos mo ay i-eencrypt, ipadadala sa telepono mo at tuluyan nang buburahin mula sa Orb.
Tanging ang telepono mo lang ang may hawak ng datos at ng World ID mo. Puwede mong burahin ang datos mo anumang oras sa World ID App. Pindutin lang ang Pribasiya at Seguridad sa ilalim ng profile mo.
Makikita ang karagdagang impormasyon sa world.org/privacy.