Ginawa para malinaw na magabayan ang Worldcoin community.
Ang Patakarang ito ay nagbibigay-daan sa'yong magamit ang mga trademark namin nang hindi kinakailangang humingi ng espesipikong pahintulot sa bawat pagkakataon, at para sagutin ang pinakamadalas na mga itinatanong tungkol sa paggamit ng mga trademark at logo ng WORLDCOIN, WORLD ID at ORB, at tungkol sa paggamit ng anumang mga compatibility mark na maaari naming ilabas kalaunan (na kapag pinagsama-sama ay tinatawag na mga “Worldcoin Trademark”).
Kung pinag-iisipan mong gamitin ang isa o higit pa sa mga Worldcoin Trademark, pakibasa nang maigi ang Patakarang ito. Ang anumang paggamit ng trademark na hindi hayagang pinapayagan ng Patakarang ito ay nangangailangan ng paunang sulat ng pahintulot. Kung nais mong pag-usapan ang tungkol sa pahintulot na ito, o kung mayroon kang mga katanungan tungkol sa Patakarang ito, mangyaring makipag-ugnayan sa [email protected].
Maaari mong sabihin ang totoo tungkol sa ugnayan mo sa Worldcoin protocol ("Worldcoin") at ang World Foundation ("Foundation," "kami," o "amin"). Gayunpaman, huwag kailanman gamitin ang isang Worldcoin Trademark sa paraang:
- Maaaring magbigay ng kalituhan sa mga tao tungkol sa kung ano ang matatanggap nila, kung ano ang ginagawa nito o kung mula kanino nila ito matatanggap;
- Maling ipinalalabas na ang produkto, serbisyo o kaganapan mo ay isang opisyal na produkto, serbisyo o kaganapan ng Worldcoin, o na ito ay sinusuportahan o ineendorso ng Foundation, maliban kung ikaw ay nabigyan na namin ng sulat ng pahintulot.

Ang Worldcoin ay isang desentralisado at open-source na protocol na binuo sa diwa ng tiwala at pagtutulungan, kung saan ang Foundation ang unang tagapamahala nito. Layunin ng Patakarang itong hikayatin at pasimulan ang angkop na paggamit ng mga Worldcoin Trademark habang nagtutulungan ang community para magkaroon ng access ang lahat sa pandaigdigang ekonomiya. Mahalagang mapagkakatiwalaan ng mga miyembro ng community ang awtentisidad ng mga serbisyong Worldcoin na inaasahan nila, at ginagampanan ng mga brand ng protocol ang mahalagang layuning ito ng pagbeberipika ng pinagmulan.
Ang Patakarang ito ay isang hakbang para magkaroon ng makatarungang balanse sa pagitan ng partisipasyon ng community sa pamamagitan ng malaya at bukas na paggamit ng mga brand ng Worldcoin, at pagprotekta sa community at pagpapanatili ng integridad ng network sa kabuuan.
Kabilang sa saklaw na mga Worldcoin Trademark ng Patakarang ito ang
- Ang WORLDCOIN trademark
- Ang WORLD ID trademark
- Ang WORLD CHAIN trademark
- Ang ORB trademark
- Ang Disenyo ng Logo ng Worldcoin
Tapat na Pagtukoy sa mga Produkto at Serbisyo ng Worldcoin
Hindi kinakailangan ng paunang sulat ng pahintulot para tapat at tama mong matukoy ang Worldcoin protocol, ang World Foundation o mga produkto o serbisyo ng Worldcoin gamit ang wasto nitong mga pangalan, sa kundisyong hindi ka magdudulot ng kalituhan o magmumungkahi o magpapahiwatig ng anumang sponsorship, pag-eendorso, o pag-anib sa pagitan mo at ng Worldcoin protocol o Foundation. Halimbawa ay ang paggamit ng mga logo namin kaugnay ng paggamit mo.
Ang mga halimbawa ng paggamit na pinapayagan at hinihikayat namin ay kinabibilangan ng: (1) technical support na tapat na nagsasabing “Hindi ito Opisyal na Support para sa mga produkto ng Worldcoin,” (2) software na tapat na nagsasabing ito ay “compatible sa Worldcoin,” at (3) aklat na pinamagatang “Pagsisimula sa Worldcoin.”
Maaari kang maglathala ng mga impormasyon ukol sa Worldcoin, sa kundisyong hindi mo ipinalalabas na ang naturang impormasyon ay awtorisado, sinusuportahan, ineendorso, o ibinibigay mismo ng Worldcoin o ng Foundation.
Paggamit ng Mga Compatibility Mark Namin Para Tapat na Tukuyin ang mga Compatible Software
Maaari naming ipagamit ang ilang partikular na marka para magamit ng community namin, para matulungan kang malagyan ng label ang mga produkto at serbisyo na compatible sa Worldcoin platform at sa World ID product (ang “Mga Compatibility Mark”).
Maaari mong ilagay ang mga Compatibility Mark kung saan makikita ng mga konsumer ang mga produkto at serbisyo mo. Maaari mo itong ilagay sa website mo katabi ng mga compatible na produkto o serbisyo, at sa compatible na produkto o serbisyo mo, basta't mas kapansin-pansin ang sarili mong branding kaysa sa mga Compatibility Mark, at ginagamit mo ito sa paraang hindi malilito ang mga konsumer tungkol sa pinanggalingan, pinagmulan, sponsorship, pag-endorso, o pagkakaugnay ng mga ito sa Worldcoin o sa Foundation.
Personal at Hindi Komersyal na Paggamit ng mga Affinity Product
Maaari mong gamitin ang mga Worldcoin Trademark kahit walang pahintulot para sa mga produktong ginastusan mo, tulad ng mga t-shirt at sticker na nagpapakita ng pagsuporta mo sa protocol at community, basta't: (1) ang paggamit mo ay hindi pang-komersyal at ibinibigay mo ang mga produkto nang libre; (2) ang paggamit mo ay hindi mapanlinlang at hindi nagdudulot ng kalituhan kung sinusuportahan, ineendorso, o may kinalaman ang Worldcoin sa paggawa o pag-aalok ng mga produkto mo; at (3) kung nag-aalok ka ng higit sa 50 piraso ng mga ito, hindi mo ito i-aadvertise o iaalok online.
Bilang opisyal na aprubadong Operator Partner (ibig sabihin, Worldcoin Operator, Community Specialist o ibang katulad na pormal na kinontratang partner), maaari kang, sa panahon ng pakikipag-ugnayan nila, mamigay ng hanggang tatlo (3) piraso ng affinity product nang libre sa bawat taong inirehistro mo para sa World ID gamit ang opisyal naming Orb imaging device. Hindi ka pwedeng maningil para sa naturang mga produkto, at ang anumang produktong pinili mong gawin ay dapat mong gastusan gamit ang sarili mong pera.
Kung gusto mong magbenta ng mga affinity product (kahit pa naniningil ka lang ng maliit na halaga para mabawi ang ginastos mo), mamigay ng mahigit 50 piraso nito online, o gamitin ito para ibang layuning hindi hayagang pinapayagan dito, kailangan mo munang makakuha ng sulat ng pahintulot mula sa Foundation.
Mga Event at Meetup
Maaari mong gamitin ang WORLDCOIN word trademark sa pamagat ng isang event, camp, o meet-up na tungkol sa Worldcoin, pero hindi sa anumang paraan na maaaring magpahiwatig ng pormal na sponsorship, pagkakaugnay, o pag-eendorso ng Worldcoin o ng Foundation, maliban kung nakakuha ka na ng sulat ng pahintulot mula sa Foundation. Halimbawa, ang kaganapang pinamagatang “Worldcoin Conference” ay nagpapahiwatig na kaakibat mo ang Worldcoin sa conference mo. Ang event na pinamagatang "[Pangalan ng Lugar Mo] Worldcoin Users Meetup" ay mas malamang na hindi magdudulot ng kalituhan.
Kailangan mong maglagay ng angkop na pagtatanggi sa anumang materyal para sa advertising at marketing na may kaugnayan sa isang event o meetup, gaya ng “Ang event na ito ito ay hindi konektado sa World Foundation, at hindi nila ini-sponsor, inendorso o inaprubahan.”
Kapag nag-oorganisa ng isang event, camp o meetup, mangyaring tiyaking ito ay ligtas, madaling mapuntahan, may mataas na kalidad, at sumasalamin sa mga pinahahalagahan ng World Foundation at ng Worldcoin project sa kabuuan.
Narito ang ilang halimbawa ng mga paggamit ng mga Worldcoin Trademark na hindi pinapayagan nang walang sulat ng pahintulot. Ang listahang ito ay hindi kumpleto, at kung hindi ka sigurado kung ang balak mong paggamit ay nangangailangan ng pahintulot, mangyaring makipag-ugnayan sa [email protected].
Anumang paggamit na ipinalalabas na ang Worldcoin o ang Foundation ay ang mismong pinagmulan, o nag-sponsor, nag-endorso o nag-apruba ng produkto o serbisyo mo.
Anumang paggamit na malaki ang tsansang magdulot ng kalituhan tungkol sa pinagmulan o pag-sponsor/pag-eendorso/pagkakaugnay nito ay kinakailangang mabigyan muna ng pahintulot sa pamamagitan ng sulat.
Paggamit ng anumang Worldcoin Trademark o ng anumang nakalilitong kahawig na trademark sa isang domain name, pangalan ng account sa internet, pangalan ng produkto o serbisyo, o sa pangalan ng kumpanya mo, maliban kung pinahihintulutan ng Patakarang ito.
Napakahalagang maaasahan ng publiko ang mga Worldcoin Trademark para eksaktong matukoy kung aling mga produkto at serbisyo ang ibinibigay ng Worldcoin, kung alin ang may kaugnayan at/o opisyal na sinusuportahan o ineendorso ng Worldcoin, at kung alin ang hiwalay na iniaalok ng mga miyembro ng community na walang opisyal na kaugnayan dito. Kaya, maliban kung ito ay pinahihintulutan namin o ng Patakarang ito nang hayagan, hindi mo magagamit ang mga Worldcoin Trademark, o anumang halos kahawig nito, sa iyong:
- Domain name
- Internet account name (tulad ng X (dating Twitter) handle)
- Pangalan ng kumpanya
- Mga produkto o serbisyo (kabilang ang software title)
Kasama rito ang mga halatang pagbabago ng mga marka namin, mga katunog nito, mga salin sa ibang wika, mga abbreviation o pinaigsing bersyon, at iba pang katulad nito. Mangyaring gamitin ang sarili at natatanging pangalan ng brand mo para sa mga layuning ito.
Kung ang produkto mo ay gumagana o compatible sa mga produkto o serbisyo ng Worldcoin, nagbibigay ang Patakarang ito ng mga paraan para maipaalam iyon sa mga user mo sa paraang hindi nakalilito, kabilang na ang ang paggamit ng anumang compatibility mark na maaari naming ipagamit.
Paggamit sa advertising
Hindi mo maaaring gamitin ang anumang Worldcoin Trademark o anumang halos kahawig na trademark sa mga advertisement mo, kabilang na ang mga banner ad, mga Facebook promoted post, Google Adwords/Adsense, mga YouTube/television advertisement, at katulad nito, nang walang sulat ng pahintulot namin.
Mapanira at ilegal na mga paggamit
Hindi mo maaaring gamitin ang anumang Worldcoin Trademark o anumang halos kahawig na trademark sa anumang paraang mapanlinlang, nakalilito, mapanira, o ilegal, kabilang na ang walang limitasyong paggamit sa anumang paraang lumalabag sa mga karapatan sa yamang isip (o intellectual property) ng sinumang partido, kumakatawan ng hindi patas o mapanlinlang na kasanayan sa negosyo o maling advertisement, o na mapanlinlang, mapang-abuso, nakakasakit, mapanirang-puri, o nakakalito.
Pagpapamahagi ng anumang binagong bersyon ng software namin
Marami sa mga Worldcoin software ay inilabas para magamit sa ilalim ng mga open-source license, at hinihikayat ang community na makilahok sa lahat ng gamit na pinapayagan sa ilalim ng mga lisensyang iyon, ngunit pakitandaan na ang mga open-source software copyright license ay walang kasamang lisensya para gamitin ang mga karapatan sa mga brand at trademark ng Worldcoin.
Bagama't maaari mong banggitin nang totoo na ang hindi binagong Worldcoin software ay nagmula sa Worldcoin, hindi mo maaaring iugnay ang mga Worldcoin brand sa software na binago – kahit pa bahagya lang itong binago. Kung magfo-fork o ka o may babaguhin sa alinmang bahagi ng open-source software namin, mangyaring gumamit ng naiibang brand, para malinaw sa community na ikaw, hindi ang Worldcoin, ang pinagmulan ng binagong software.
Hinihikayat kang sabihin ang totoo tungkol sa partisipasyon mo community at ecosystem ng Worldcoin, kabilang na ang responsable paggamit ng mga Worldcoin Trademark, alinsunod sa Patakarang ito.
Ang “packaging” ng software, o paglikha ng bagong software package, ay tumutukoy sa proseso ng pagbabago ng orihinal na source code ng software para lamang paganahin ito sa ibang operating system environment (halimbawa, pagbabago ng mga library nito, mga dependency, atbp.), nang hindi binabago ang functionality at/o ang mga layunin ng orihinal na software product. Tulad ng nabanggit sa itaas, karaniwang hindi pinapayagan ang paggamit ng mga Worldcoin Trademark kaugnay ng software na hinango mula sa mga open-source product namin. Ngunit, kung ikaw ay lilikha lamang ng bagong package ng isang open-source na produkto, maaari mong gamitin ang mga Worldcoin Trademark kung gagawin mo ang lahat ng sumusunod:
- Maaari mo lamang gamitin ang marka kapag ipa-package mo ang partikular na open source na produkto na tinutukoy nito. Halimbawa, kung lumilikha ka ng World ID package para sa bagong operating system, maaari mo lamang gamitin ang World ID trademark kaugnay ng package na iyon; walang bahagi ng seksyong ito ang layuning bigyan ka ng karagdagang karapatan o lisensya para gamitin ang World ID word mark o iba pang Worldcoin Trademark.
- Maaari mo lamang gamitin ang word mark (hal., World ID) at hindi ang anumang design mark, logo, o kahalintulad nito, na maaaring konektado sa software product na ipina-package mo.
- Maaari mo lamang gamitin ang marka kaugnay ng packaging ng software na gagamitin sa partikular na operating system na nakalagay sa request mo (gaya ng ipinaliliwanag sa ibaba), at kung wala ka lamang gagawing mahalaga o functional na pagbabago sa software. Kung nais mong gumawa ng mahalaga o functional na pagbabago sa software, at nais mong i-alok ang software mo sa ilalim ng Worldcoin Trademark, mangyaring makipag-ugnayan sa amin, gaya ng ipinaliliwanag sa Patakarang ito. Ang prosesong ito ay nagbibigay-daan sa aming makipagtulungan sa mga developer na nagpaplanong magdagdag ng mga bagong feature at tinitiyak naming matutukoy kaagad namin ang anumang isyu ng kalidad, seguridad o compatibility na maaaring lumitaw sa mga nakaplanong functional na pagbabago.
- Ang anumang package na gagawin mo gamit ang Worldcoin Trademark ay dapat may mataas na kalidad, at dapat ay matugunan ang anumang pamantayan ng kalidad na aming itatakda, at na maaari naming baguhin paminsan-minsan. May karapatan kaming humingi ng pagbabago kung ang software mo ay lumihis sa pamantayan ng kalidad namin, at ang tuloy-tuloy mong paggamit ng lahat ng Worldcoin Trademark ay hayagang nakabatay sa mabilisan mong pagpapatupad ng mga naturang pagbabago.
- May karapatan kaming magsagawa ng awdit sa anumang software na ang trademark ay ginagamit mo alinsunod pahintulot na ipinagkaloob sa seksyong ito. At kailangan, kapag hiningi namin ito, dapat mong ibigay sa amin ang link sa project source code hal., sa GitHub, at/o anumang advertising na konektado sa produkto, para maaari namin itong ma-awdit paminsan-minsan para matiyak ang kalidad, compatibility sa upstream version, atbp. Kung pinili mong ihinto ang aktibong pag-develop ng package mo, sumasang-ayon kang ipaalam din iyon sa amin. Mangyaring ipagbigay-alam sa amin ang status ng package mo mula ngayon, at ipaalam din kung papalitan mo ang taong nangangasiwa sa proyekto.
- Alinsunod sa iba pang aspeto ng patakarang ito, mangyaring huwag gumawa ng anumang bagay na nagpapalabas na mayroon itong mas malaking sponsorship o pagkakaugnay sa Worldcoin o Foundation kaysa sa aktwal na mayroon ito.
- Bago gumamit ng anumang Worldcoin Trademark kaugnay ng anumang package, kailangan mo munang makipag-ugnayan sa Worldcoin sa [email protected] para ibigay ang (1) pangalan ng software na ipina-package mo, at ang (mga) operating system(s) na paggagamitan mo ng package mo; (2) ang contact information mo; (3) isang link sa source code ng proyekto mo at, kung mayroon ka, ang website ng proyekto; at (4) paglalarawan kung paano mo balak gamitin ang mga Worldcoin Trademark kaugnay ng package mo.
Salamat sa suporta mo!
Kung nais mong gamitin ang alinman sa mga Worldcoin Trademark sa paraang hindi hayagang pinahihintulutan ng Patakarang ito o ng mga eksepsyon sa batas ng trademark gaya ng nominative fair use, mangyaring magsumite ng request na may subject line na "Trademark Use Request ([mark name])" sa [email protected].
Para sa mas mabilis na pagproseso ng request mo, ang email mo ay dapat:
- Magbigay ng kumpleto at detalyadong contact information mo at ng kumpanya mo
- Magbigay ng maraming detalye tungkol sa hinihiling na paggamit
- Maglaman ng halimbawa (mockup) ng hinihiling na paggamit at
- Maging malinaw tungkol sa oras at kailan mo kinakailangan ang pag-apruba
Kung ikaw ay hihingi ng pahintulot para sa mga affinity item, pakisabi rin kung paano mo balak presyuhan ang mga ito. Kung maniningil ka ng higit pa sa halaga ng paggawa ng mga affinity item, asahan mong ipabibigay sa'yo bilang donasyon sa World Foundation ang anumang tutubuin mo. Paki-sumite ang lahat ng paghingi ng pahintulot nang hindi bababa sa apat (4) na linggo bago mo kailanganin ang pag-apruba namin.
Paki-report ang anumang maling paggamit ng mga Worldcoin Trademark sa [email protected]. Magbigay ng maraming impormasyon hangga't maaari tungkol sa paggamit na sa palagay mo ay may paglabag. Iimbestigahan ang report na ito, at gagawin namin ang naaangkop na hakbang kung kinakailangan.
May karapatan kaming bawiin ang pahintulot namin, baguhin ang Patakarang ito, at kwestyunin o limitahan ang anumang paggamit ng mga trademark namin kung naniniwala kaming nilalabag ng naturang paggamit ang Patakarang ito o kung nakasasama ito sa Worldcoin community, o sa mga produkto o serbisyong nauugnay sa Worldcoin.