Ang World Network ay idinisenyo para maging pribado.
Hindi namin gustong malaman kung sino ka. Gusto lang naming malaman kung tao ka.
Ang datos mo ay i-eencrypt at itatago sa storage ng device mo.
Ang ibig sabihin ng "Personal Custody" ay ang impormasyong nabuo sa Orb kapag nagpaberipika ka ng World ID mo (mga larawan, metadata at nabuong datos, kabilang na ang mga iris code share) ay itatago sa device mo. Maliban na lamang kung pinili mong ibahagi ito, wala nang iba pang makakukuha ng datos ng Orb mo kundi ikaw lang. Sa pamamagitan ng Personal Custody ng datos mo, magagamit mo ang Face Auth para sa mga application na may mahigpit na seguridad. Sa Face Auth, magagamit mo ang camera ng telepono mo para maberipikang ikaw at ang taong nakatanggap ng World ID mo ay iisa. Isinasagawa ito sa mismong device mo, at walang anumang personal na datos ang makalalabas sa telepono mo. At kasing-halaga nito, ang buong Personal Custody system ay idinisenyo para mapanatiling protektado ang datos mo kahit pa makompromiso ang telepono mo.
Matutukoy ka nang tiyak ng Orb mula sa ibang tao nang hindi kinakailangang magtabi ng anumang personal na impormasyon tungkol sa'yo—kahit pa ang pangalan mo.
Susuriin ng Orb kung isa kang bukod-tanging tao at na hindi ka pa nakakapag-sign up noon. Dahil walang dalawang tao ang may magkaparehong pattern ng iris, nasusuri ito ng Orb sa pamamagitan ng pagkuha at pagproseso ng mga larawan ng natatanging pattern ng iris mo para makabuo ng iris code.
Kapag nabuo na ito, masusuri ng protocol kung hindi ka pa nakalilikha ng isang beripikadong World ID noon. Dahil isa lamang itong mahabang numero (isang string), wala itong sinasabi tungkol sa'yo, kundi na isa kang bukod-tanging tao.
Bukod pa rito, ang iris code ay hindi itatago o itatabi ng network. Sa halip, ang iris code ay ipoproseso pa sa pamamagitan ng isang advanced anonymizing technology (basahin ang tungkol sa Anonymized Multi-Party Computation) para matiyak na wala kaming maitatabing personal na datos.
Ang World App ay mayroong isang self-custodial wallet na kagaya ng isang pisikal na pitaka. Sa isang self-custodial wallet, walang ibang makagagalaw ng pera mo o makapagsasagawa ng transaksyon para sa'yo, dahil ikaw lang ang may buong kontrol nito.

Patunayang isa kang tunay at bukod-tanging tao nang hindi inilalantad kung sino ka.
Ang World ID ay idinisenyo para maging pribado na magbibigay sa iyo ng hindi matatawarang kontrol sa impormasyon mo. Kapag naipaberipika mo na ang World ID mo, magagamit mo ito para mapatunayang isa kang tunay at bukod-tanging tao nang hindi nagpapakilala.
Ito ay binibigyang-daan ng isang cryptographic technology na tinatawag na Zero-Knowledge Proofs (ZKPs), na makapagpapatunay na tunay ang World ID mo at hindi mo pa nagagawa ang hakbang na sinusubukan mong gawin noon – ang lahat ng ito nang hindi kailanman inilalantad kung sino ka.
Sa pamamagitan ng World ID, binabago namin ang konsepto ng pagkakakilanlan sa internet. Hindi mahalaga kung sino ka. Ang mahalaga ay isa kang bukod-tanging tao (patunay ng pagkatao). Mas lalo itong magiging mahalaga sa paglaganap ng artificial intelligence at mas sopistikadong mga bot na kumikilos na parang mga tao.
