Ang Orb ay isang device na nagbeberipika kung isa kang bukod-tanging tao

Binuo ng Tools for Humanity, ang Orb ay isang open source device na nagbeberipika kung isa kang bukod-tanging tao nang hindi nalalaman ang iba pang impormasyon tungkol sa'yo.

Paano ito gumagana

Kukuha at ipoproseso ng Orb ang mga larawan mo para maberipika ang pagkabukod-tangi mo nang hindi nangangailangang itabi ang mga larawan mo at mangolekta ng iba pang impormasyon tungkol sa'yo.

Kukunan nito ng larawan ang mukha at mga mata mo, pagkatapos ay i-eencrypt at itatago ang mga ito sa telepono mo para ikaw lang ang may kontrol sa mga ito.

Ang mga permanenteng naka-encrypt na code na nabuo mula sa mga larawan mo ay itatago sa mga protektadong database para maiwasan ang pagdodoble ng mga beripikasyon.

Ang lahat ng ito ay simple lang at magagawa mo sa loob lang ng ilang segundo, at pwede mong burahin ang datos mo kahit kailan.

Ano'ng ibig sabihin nito para sa'yo

Kailangan mong pumunta sa isang Orb para ganap mong maberipika ang World ID mo. Simple, ligtas at matatapos mo ito sa loob lang ng ilang segundo.

Checkmark