Maligayang pagdating

Ang World ay ang bagong mukha ng tiwala para sa mas ligtas na internet

Ano ang World ID?

Sa World ID, mapatutunayan mong tao ka nang hindi nagbibigay ng iba pang impormasyon tungkol sa'yo.
Inuuna nito ang kapakanan nating mga tao sa internet, mapa-negosyo man o mga live event, social media, dating, gaming at marami pang iba.
educational-pamphlet-inside-step

Magsimula na, magpaberipika na

Hakbang 1/3

orb

I-download ang World ID App at i-set up ang profile mo.

Hakbang 2/3

magpaberipika

Buksan ang World ID App at simulan ang beripikasyon. Tatagal lang ito ng 3 minuto.

Hakbang 3/3

Tanggapin ang World ID mo

Tanggapin ang World ID mo at patunayang isa kang bukod-tanging tao online.

Tungkol sa Orb

Ang Orb ay isang open source device na binuo ng Tools for Humanity, at ibiniberipika nito kung isa kang bukod-tanging tao nang hindi kinukuha ang iba mo pang impormasyon.

Kukunan ka ng Orb ng mga larawan at ipoproseso ang mga ito para maberipika kung isa kang bukod-tanging tao nang hindi na kailangan pang itabi ang mga larawan mo at mangolekta ng iba pang impormasyon.

Alamin pa

Naka-built in na sa paborito mong mga app

Mapa-Tinder man o Zoom, ang beripikado mong World ID ang siyang magpapatunay na tao ka sa anumang partner app namin. Maging isa sa mahigit 18M beripikadong tao.

Ang iyong Pribasiya

Ikaw ang nagmamay-ari at may kontrol ng iyong data. Walang personal na impormasyon, kahit ang iyong pangalan, ang naka-imbak.

Alamin pa ang tungkol sa World

Basahin ang Mga Madalas Itanong.

Mga Madalas Itanong

Kapag nagpapaberipika ka ng World ID sa Orb, paminsan-minsan ay may lalabas na
error message sa World ID App mo. Kapag nangyari ito, pakisundan lang ang mga hakbang na nakalagay sa artikulong ito.

Tulong sa beripikasyon

Hindi, isang beses mo lang kailangang ipaberipika ang World ID mo sa Orb.

Para magamit ang beripikado mong World ID, buksan lang ang World App sa telepono mo kapag kailangan mong patunayang tao ka sa isang app o website:

  1. Kung mayroon nito, makikita mo ang opsyong “Mag-sign in gamit ang World ID”
  2. Pindutin ito, at kusang bubukas ang World App sa mobile device mo; o, kung desktop ang ginagamit mo, ipapa-scan sa'yo ang isang QR code gamit ang World App
  3. Tingnan ang request at aprubahan ito sa pamamagitan lang ng isang pindot

May mga app na puwedeng humingi sa'yo ng Face Auth. Isa itong dagdag na hakbang panseguridad na isinasagawa lang sa telepono mo para matiyak na ang taong nagpaberipika sa Orb lang ang makaa-access sa World ID sa device na 'yon.

Madali mong maba-backup ang account mo sa pamamagitan ng pagpili ng iCloud (iOS) o Google Drive (Android) backup sa World App.

Basahin ang pag-iisa-isang gabay

Ikaw ang may buong kontrol sa datos mo. Pagkatapos mong mapatunayang tao ka, ang datos mo ay i-eencrypt, ipadadala sa telepono mo at tuluyan nang buburahin mula sa Orb.

Tanging ang telepono mo lang ang may hawak ng datos at ng World ID mo. Puwede mong burahin ang datos mo anumang oras sa World ID App. Pindutin lang ang Pribasiya at Seguridad sa ilalim ng profile mo.

Makikita ang karagdagang impormasyon sa world.org/privacy.