Alamin pa ang tungkol sa World
Basahin ang Mga Madalas Itanong




Binuo para matiyak na ang bawat tao ay makikinabang mula sa panahon ng AI.
Napakahalaga na ngayong matukoy ang mga tao mula sa mga bot online, at pantay-pantay na maipamahagi ang mga benepisyo ng AI. Ang World ay nilikha para sa parehong layunin na ito, at idinisenyo ito para magbuklod-buklod, magbigay-kapangyarihan at mapagmay-ari ng lahat.
Mayroon nang mga World Space sa iba't ibang panig ng bansa. Bisitahin ang pinakamalapit sa'yo para ipaberipika ang libre mong World ID at alamin pa ang tungkol sa World.
Ang Worldcoin ay ang tanging perang tunay na idinisenyo para sa sangkatauhan. Kapag mas maaga mong ipinaberipika ang World ID mo, mas marami kang makukuhang Worldcoin.
Loading...
Magpaberipika na para makuha ang halagang ito ng Worldcoin.*
Mag-invite ng hanggang 5 kaibigan para makakuha ng hanggang $200 USD (sa WLD).
Makakukuha ang bawat kaibigan mo ng $50 USD (sa WLD).
Pribadong patunay ng pagkatao para sa panahon ng AI
Lumilikha ang World ID ng isang priority lane para sa mga tao sa internet. Sa World ID, madali at pribado mong mapapatunayang isa kang tao at hindi isang bot online, at magkakaroon ka ng access sa mga bagay na para lamang dapat sa mga tao, tulad ng mga event ticket, mga dating app, mga sistemang pinansyal at mga video game.

Pinoprotektahan ka ng Deep Face laban sa mapanlinlang na mga deepfake online.
Dahil binuo ito para sa real-time na komunikasyon, ang Deep Face ay gumagamit ng World ID authentication para makumpirmang ang taong kausap mo ay isang tunay na tao, at hindi isang deepfake. Madaling mapatutunayan ng taong nasa kabilang bandang hindi sila isang deepfake at makatutulong ito para magkaroon ang mga tao ng pagtitiwala sa isa't isa online.
Ang gaming kasama ang tunay na mga tao ay posible na sa pamamagitan ng Razer ID na Ibineripika gamit ang World ID.
World Card, ang unang debit card na nagbibigay ng reward para sa mga pagbiling ginamitan ng AI.
Maging isang World Operator
Ang mga Operator at ang mga team nila ay nagtuturo, nagbibigay ng mahalagang impormasyon at tumutulong sa mga tao para ligtas na maiberipika ang World ID nila gamit ang Orb.

I-follow kami sa social media