
World ID
Patunay ng pagkatao, para sa lahat
Sa tulong ng World ID, magiging prayoridad na ang kapakanan nating mga tao sa internet, mapa-dating man, mga live event, gaming, social media o iba pa.
Gamitin ang World ID para mapatunayang isa kang bukod-tanging tao nang hindi inilalantad ang anumang impormasyon tungkol sa'yo.
Mga World ID Tool
Patunay ng Pagkatao
Isang account lang ang payagan kada tao para maiwasan ang doble-dobleng account at magkaroon ng bigat ang ipapataw na mga ban.
sa pamamagitan ng OrbFace Auth
Pribadong pagtutugma ng mukha para matiyak na tanging ang taong nagpaberipika ng World ID nila gamit ang Orb lang ang makagagamit nito.
Alamin paMga Credential
Patunayan sa iba (mga third party) kung ano lang ang kailangan nilang malaman nang hindi nagbibigay ng anumang personal na impormasyon.
Alamin pa
Ipaberipika ang World ID mo
Nagaganap ang beripikasyon ng World ID sa isang Orb, isang device na nagbeberipika kung tunay at bukod-tangi kang tao. Pagkatapos mong magpaberipika gamit ang Orb, ilalagay ang pribado mong patunay ng pagkatao (beripikadong “World ID”) sa World App na naka-install sa telepono mo, at magagamit mo na ito para makapag-sign in sa iba't ibang online app at serbisyo.
Alamin pa ang tungkol sa OrbIkaw ang may kontrol sa datos mo
Pagkatapos mong mapatunayang tao ka, ang datos mo ay i-eencrypt, ipadadala sa telepono mo at tuluyan nang buburahin mula sa Orb. Tanging ang telepono mo lang ang may hawak ng datos mo at ng World ID mo.
Basahin ang Mga Madalas ItanongWorld Solutions
Sa World, ligtas at pribado mong mapatutunayang tunay at bukod-tanging tao ang bawat user sa internet.
Mag-build gamit ang World ID: Mga Developer Resource
Sa tulong ng World ID, ligtas at pribado mong mapatutunayang tunay at bukod-tanging tao ang bawat user sa internet.
Mga Update sa World


Ipinakikilala ang bagong World ID: patunay na tao ka, mula simula hanggang dulo

Bagong World ID at mga partner: Magpapatunay na tao ang kausap mo online

World ID para sa negosyo: Zoom at Docusign, kaisa na sa pagpapatunay na tao ang kausap mo online
Mga Madalas Itanong
Habang pagaling nang pagaling ng AI, kailangan na nating magkaroon ng simple at inklusibong paraan para matukoy kung tao ba talaga o bot lang ang kausap natin. Ang World ID ay isang simple at ligtas na paraan para mapatunayang isa kang bukod-tanging tao nang hindi kailangang ibigay ang personal mong impormasyon.
Magagamit mo ang beripikado mong World ID bilang pribadong “patunay ng pagkatao” na pwede mong gamitin nang paulit-ulit sa mga bagay na para lang dapat sa mga tao, tulad ng mga dating app, mga video game o mga social media community. Ginawa ang World ID para hindi ka makilala. Ibig sabihin, hindi mo na kailangan pang ilagay ang pangalan mo, kaarawan, address o iba mo pang personal na impormasyon para magamit ito.
Ang World ID ay gawa sa isang open source, desentralisado at permissionless na protocol. Ibig sabihin, walang iisang nagmamay-ari nito at kahit sino ay puwedeng gumawa ng paraan para makakonekta at magamit ito. Layunin ng World ID na maging susi para magkaroon ng tiwala sa Internet, nang sa gayon ay mabigyan ang mga tao ng kakayahang umasenso sa panahon ng AI.
Para maberipika ang World ID mo, sundin ang tatlong hakbang na ito:
Hakbang 1: I-download ang World App mula sa App Store o Google Play sa mga bansa kung saan ito mayroon.
Hakbang 2: Sundan ang mga prompt para makahanap ka ng isang World Space o lokasyong may Orb kung saan mo mabeberipikang isa kang tunay at bukod-tanging tao.
Hakbang 3: I-access ang beripikado mong World ID sa World App mo at gamitin ito sa iba't ibang app na ginagamit mo araw-araw nang hindi inilalantad ang pagkakakilanlan mo.
Mas marami pang Orb ang inilalabas sa buong mundo. Pakitingnan palagi ang World App para sa mga update kung saan ka makahahanap ng Orb sa paligid mo.
Iisang uri lang ng datos ang kailangan ng Orb para maberipika nito kung tao ka: ang mga larawan ng mga mata at mukha mo. Hindi nito kailangan ang pangalan mo, email, kasarian o kahit ano pa.
Ginagamit ang mga larawan ng iris mo para maberipika kung bukod-tangi kang tao, habang ang mga larawan ng mukha mo naman ay ginagamit para sa Face Auth, isang security feature na tinitiyak na tanging ang taong nagpaberipika ng World ID nila sa Orb lamang ang makagagamit nito.
Ganito ang sunud-sunod na mangyayari pagkatapos mong mag-sign up sa World App:
1. Kukuha ang Orb ng mga high-resolution na larawan ng mga iris (o mata) at mukha mo.
2. Gagamitin ng Orb ang mga larawang ito para makumpirma kung tao ka at iko-convert nito ang larawan ng iris mo sa isang bukod-tanging code, at pagkatapos ay hahatiin ito sa mga randomized multi-party compute (MPC) fragment.
3. Ipadadala ng Orb ang mga larawan at mga MPC fragment sa device mo (ang personal custody package mo), bago tuluyang burahin ang mga ito.
4. Ipadadala ng device mo ang mga fragment sa AMPC service para makumpirmang hindi ka pa nakakapagpaberipika noon.
5. Beripikado na ang World ID mo.
Karamihan sa proseso at code na may kaugnayan sa pagbeberipika ng bukod-tanging pagkatao, kabilang ang AMPC at ang mga nangyayari sa Orb, ay open source na makikita at masusuri ng lahat dito.
Hindi, isang beses mo lang kailangang ipaberipika ang World ID mo sa Orb.
Para magamit ang beripikado mong World ID, buksan lang ang World App sa telepono mo kapag kailangan mong patunayang tao ka sa isang app o website:
1. Kapag may nakita kang "Mag-sign in gamit ang World ID" na opsyon
2. Pindutin ito, at kusa nang bubukas ang World App sa mobile device mo. Kung desktop naman ang ginagamit mo, ipapa-scan sa'yo ang isang QR code gamit ang World App
3. Tingnan ang request at aprubahan ito sa pamamagitan lang ng isang pindot
May mga app na puwedeng humingi sa'yo ng Face Auth. Isa itong dagdag na hakbang panseguridad na isinasagawa lang sa telepono mo para matiyak na ang taong nagpaberipika sa Orb lang ang makaa-access sa World ID sa device na 'yon.
Wala. Binuo ang World ID para hindi ka makilala. Halimbawa, kapag ginamit mo ang World ID mo para mapatunayang isa kang bukod-tanging tao sa isang third-party service, hindi ipapakita ang World ID mo sa third-party na 'yon. Sa pamamagitan ng cryptographic technology na tinatawag na zero-knowledge proofs (ZKPs), pinatutunayan mo lang na may valid kang World ID. Bukod pa rito, hindi rin konektado ang World ID mo sa self-custodial World Wallet mo. Magkakaibang cryptographic key ang gamit ng mga ito para sa magkakaibang layunin.
Kapag naberipika na ito, magagamit mo ang World ID mo sa daan-daang application at serbisyong naka-integrate sa World protocol. Kung gusto mong:
- Makipaglaro sa tunay na mga tao
- Makipag-date sa tunay na mga tao
- Mamili kasama ang tunay na mga tao
- Sumali sa mga poll na tunay na tao lang ang nakaboboto
Simple lang ang proseso dahil isang beses lang kailangang mag-generate ng patunay sa telepono mo.
Ang World ID ay nagbibigay-daan sa'yong makapag-sign-in at makapag-authenticate sa mga web at mobile application para pribadong mapatunayang isa kang bukod-tanging tao at hindi isang bot o AI system. Kapag nag-sign in ka sa mga app at serbisyo gamit ang World ID, hindi mo kailangang magbigay ng kahit anong personal na impormasyon gaya ng numero ng telepono mo o email address. Malalaman lang ng application o serbisyo kung isa kang bukod-tanging tao. Bukod pa rito, hindi masusubaybayan ng mga ito kung ano'ng ginagawa mo sa pamamagitan ng World ID mo. Ngayon, magagamit mo na ang World ID sa mga integration tulad ng Razer, Match Group, Okta Auth0 at iba pa.
Pwede ka ring mag-avail ng ilang produkto at serbisyo gamit ang World ID, lalo na kung gustong makatiyak ng isang third party na isang beses lang makakukuha ang bawat tao ng produkto o serbisyo nito. Kapag gumamit ka ng World ID, ipinararating mong isang beses ka lang mag-aavail nito at hindi na makauulit pa.
Mga posibleng pakibanang sa hinaharap: Open source ang World SDK, kaya kahit sino ay puwedeng mag-develop gamit ang World. Kapag mas maraming developer ang gumagamit ng World ID bilang paraan para mapatunayang tao ang isang user, mas dadami rin ang mga produkto at serbisyong ilalabas sa hinaharap.
Sa pamamagitan ng Mga World ID Credential, makakapaglagay ka ng isang protektadong kopya ng impormasyon mula sa valid ID mo (gaya ng pasaporteng may NFC at National ID) bilang credential sa World ID. Sa ganitong paraan, mapatutunayan mo sa iba kung ano lang ang kailangan nilang malaman tungkol sa sarili mo nang hindi ibinibigay ang mismong ID na iyon.
Kapag may World ID credential ka na sa device mo, mapatutunayan mo ang ilang bagay tungkol sa sarili mo, bukod pa sa tunay at bukod-tangi kang tao, nang hindi kailangang ipakita ang mismong ID mo o magbigay ng labis na impormasyon. Halimbawa, mapatutunayan ng isang indibidwal na may World ID na pasok siya sa kinakailangang edad ng isang dating app nang hindi kailangang ibigay ang kaarawan o ang pagkakakilanlan nila.
Wala. Kapag ginamit mo ang World ID mo, hinding-hindi ipapakita sa iba ang mga larawan o datos na ipinroseso sa Orb. Ginawa ang World ID para makagalaw ka online nang hindi ka makikilala. Hindi maiuugnay ng mga third party ang iba't ibang hakbang na ginawa mo gamit ang World ID mo mula sa datos ng World ID mo. Hindi ito konektado sa self-custodial World Wallet mo. Magagamit ng kahit sino ang beripikado nilang World ID bilang "patunay ng pagkatao" nila nang hindi nagbibigay ng impormasyon tulad ng pangalan nila, email address, numero ng telepono o social media profile.
Sa pamamagitan ng World ID, magkakaroon ka ng walang kapantay na kontrol sa impormasyon mo, kabilang na ang Personal Custody.
Ang ibig sabihin ng "Personal Custody" ay ang lahat ng impormasyong nalikha sa Orb noong nagpaberipika ka ng World ID mo (mga larawan, metadata at nabuong datos, kabilang na ang bukod-tanging code) ay itatago lang sa device mo. At wala sa World Foundation, Tools For Humanity o anumang third-party na kumpanya ang makakapag-decrypt ng mga encrypted file habang inililipat ito papunta sa telepono mo gamit ang mga server nila. Ginawa ang system para maprotektahan ang datos mo kahit pa makompromiso ang telepono mo.
Kapag gumamit ang isang tao ng World ID nila, may ipinatutupad kaming mga hakbang para tiyaking hindi sila makikilala.
Una, pinatutunayan ng zero-knowledge proofs (ZKP) na bukod-tangi ang isang tao nang hindi ibinabahagi ang personal nilang impormasyon sa third party na humihingi ng nasabing patunay. Pinoprotektahan din ng ZKPs ang paggamit ng World ID para hindi ito ma-track sa iba't ibang application o maiugnay sa anumang datos ng biometrics ng isang tao.
Gumagamit ang World ID ng open source protocol na kilala bilang Semaphore para masigurong hindi maiuugnay ang datos mismo ng World ID sa pagkakakilanlan ng isang tao, pati na rin kapag ibinahagi nila ang “patunay ng pagkatao” sa iba pang application.
Hindi na gumagamit ang World App ng mga backup mula sa iCloud o Google Drive. Ngayon, pinoprotektahan na namin ang account mo gamit ang mga naka-encrypt na backup na nakakonekta sa mga paraan mo ng pag-login gaya ng passkey, Google o Apple.
Kung hindi mo nahanap ang mga kasagutan sa mga katanungan mo at nahihirapan ka pa rin sa isang problema, puwede mong kontakin ang Support Team namin sa pamamagitan ng World App > Mga Setting > Support > Kontakin ang Support. Magbigay ng mas maraming detalye hangga't maaari at magbigay ng mga screenshot para makatulong na mailarawan ang isyu mo.
Ang World ID ay binuo sa isang open source at permissionless protocol na puwedeng gamitin ng kahit sino sa pag-build o pag-integrate nito sa mga bago o ginagamit nang mga application at online na serbisyo. Ang lahat ng developer docs ay bukas sa publiko. Mahalaga ring tandaan na pinipigilan ng zero-knowledge proofs (ZKPs), na ginagamit kapag ipinapakita ang World ID, ang anumang third-party developer, kabilang na ang mga government application, na malaman kung aling World ID ang sa'yo o masubaybayan ang isang indibidwal sa iba’t ibang application.


