World Chain
Pangkalahatang imprastraktura para mas pantaong internet
Ang World Chain ay permissionless at open source at binuo para sa komunidad ng tunay na mga tao. Pinoprotektahan ito ng Ethereum bilang isang L2 at binuo para maging handa sa mas maraming user.
Kayang suportahan ang lahat ng tao
Binuo para masuportahan ang bilyon-bilyong user at mataas na dagsa ng mga transaksyon nang mabilisan (hal., mababang fees, mabilis na proseso).
Sybil resistance (proteksyon laban sa mga pekeng account)
Gumagamit ng World ID na inuuna ang tao sa blockspace nito para mapigilan ang mga bot sa pang-aabala ng tunay na mga user.
Open source at permissionless
Kahit sino, puwedeng gumamit, mag-build o tumulong sa ecosystem nang hindi na kinakailangan pang magpaalam, dahil bukas sa publiko ang code nito.
Protektado ng Ethereum
Bilang Ethereum Layer 2, kapareho nito ang seguridad ng Ethereum para protektahan ang mga transaksyon at datos mo.
World Chain Ecosystem
Sa World Chain, prayoridad ang tunay na mga tao online. Mas makabuluhan ang mga app, mas makakatipid ka sa gas fees at makasisiguro kang tao ang nasa likod ng bawat hakbang, hindi mga bot.
Alchemy
Mag-build, mag-maintain at mag-host ng mga blockchain solution
Superchain
Blockchain stack para sa pagpapatakbo ng network at security council role para pagbabantay ng seguridad nito
Safe
Protektadong multi-signature wallet para sa pamamahala ng mga asset
Uniswap
Ang pinakamalaking decentralized exchange para sa pakikipagpalitan ng mga crypto token
Chainlink CCIP
Isang protektadong cross-chain interoperability protocol para sa pagpapadala ng mga token at datos
Etherscan
Tingnan ang mga transaksyon at smart contract sa Ethereum
ENS
Desentralisadong domain name system na nagbibigay ng madaling matandaang pangalan kapalit ng mahahabang mga Ethereum ID
Spark
Mag-build at magpatakbo ng DeFi infrastructure sa mas madaling paraan
Dune
Suriin at i-visualize ang blockchain data gamit ang sarili mong mga query
Reth
Modular full-node implementation ng Ethereum
Flashbots
Grupo ng mga mananaliksik na binabawasan ang mga panganib sa Maximal Extractable Value (MEV)
Fireblocks
Mga application para sa pamamahala ng mga digital asset
Pimlico
Paymaster para sa pagbabayad ng gas gamit ang mga ERC-20 token
Superbridge
Mag-bridge ng mga ETH at ERC20 token papasok at palabas ng Superchain
Across
High-speed transfer sa pagitan ng mga blockchain
Synapse
Cross-chain bridge
Cortex
Isang protocol na pinadadali ang paggamit ng iba't ibang blockchain (chain abstraction) at pagsasaayos ng mga transaksyon sa pagitan nito (cross-chain settlement)
Hyperlane
Pagpapadala ng kahit anong datos sa pagitan ng mga blockchain
Alongside
Pinadadali ng Alongside ang pagpasok sa mundo ng pag-iinvest sa crypto sa tulong ng mga index product nito
Tenderly
Full-stack development at production infrastructure na may mga built-in tool
Dora
Kakayahang mabusisi ang mga transaksyon sa blockchain (advanced block exploration) at paglalagay ng login system (login integration)
Blockscout
Isang block explorer para makita ang mga transaksyon sa loob ng blockchain
Blast
Magbasa ng chain data gamit ang mga secondary endpoint
Zerion
Real-time wallet data para sa mga korporasyon
Goldsky
Index na may mga subgraph at mirroring
Zapper
Tingnan kung ano'ng nangyayari loob ng chain. I-track ang portfolio at aktibidad mo
Thirdweb
Full-stack at open-source Web3 development platform
Manteca
Mga tool para sa pag-build ng mga dApp na kayang humawak ng mas maraming user
Alfred Pay
Agarang pagpapadala ng pagbabayad kahit saan Latin America gamit ang iisang API
Unlimit
Madaling mapamahalaan ang mga investment at serbisyo sa DeFi
Ramp Network
Tuloy-tuloy na pagpapapalit ng fiat (tradisyonal na pera) para sa crypto
Moonpay
Isang mabilis at simpleng paraan para bumili at magbenta ng mga cryptocurrency
Mga Update sa World Chain
World View
World Chain update: WLD, available na sa Chainlink; Mga DeFi market, lalong lalakas sa tulong ng Data Streams
World View
Pribadong Patunay ng Pagkatao: Ang Proteksyon Natin sa Mundong Laganap na ang AI
World View
Priority blockspace para sa 13 milyong katao, inilunsad na sa World Chain mainnet
Mga Madalas Itanong
Ang WLD token contract ay naka-deploy sa Ethereum mainnet, at ang token naman ay naka-bridge o nakakonekta sa World Chain “layer 2” network. Gayunpaman, inaasahan ng World Foundation magaganap pa rin sa World Chain ang karamihan ng mga transaksyon sa WLD token, dahil dito natatanggap ng mga beripikadong user ang mga token nila. Bukod pa rito, ang World Chain network na talaga ang pangunahing network na ginagamit ng World App. Napili ang World Chain kaysa sa Ethereum bilang pangunahing platform dahil kaya nito ang mas maraming transaksyon at mas mura ang bayad (gas fees). Ang lumang naka-bridge na bersyon ng WLD ay nasa Optimism pa rin.
Sa ngayon, hindi pa sinisingil ng gas fees ang mga user ng World App. Ang bayad para sa pagkuha ng mga WLD token, pakikipagpalitan at iba pang transaksyon ay sagot muna ng TFH. Sa susunod, posibleng kailanganin na ng World App na magbayad ang mga user ng gas fees para sa ilang partikular na hakbang, gaya ng mga transfer sa ibang wallet. Kapag naman ipinaberipika ng user ng pagkakakilanlan nila sa ibang application gamit ang World ID, wala silang babayarang gas fees para sa protocol. Gayunpaman, maaari pa ring maningil ng gas fees o iba pang bayad ang mga third-party application mula sa user kapag nagpaberipika sila depende sa system ng mga ito. Halimbawa, kapag ginamit ng user ang swap feature sa World App, kailangan nilang bayaran ang anumang singil ng mga third-party platform. Maaaring singilin ang mga user ng gas fees para sa mga transaksyong hindi dumaan sa World App, depende sa platform at chain na ginagamit nila para sa transaksyon.
Ang karamihan ng mga token ng World Community ay nakalagay sa isang cold wallet, o wallet na hindi konektado sa internet. Maliban pa rito, gumagamit din ang World Foundation at World Assets, Ltd. ng ilan pang hot wallet para sa pang-araw-araw na operasyon. Karaniwang panandalian lang inilalagay ang mga token sa mga hot wallet na ito, at kung ilan lang ang kailangan, iyon lang ang itinitira roon.
Hindi na puwedeng i-upgrade ang WLD token contract. Walang sinuman ang may kontrol sa kontratang ito, maliban na lang sa pagtatakda ng “minter” address sakaling magdesisyon ang community na dagdagan ang supply. Sa loob ng 15 taon mula nang ilabas ito, walang address ang makakapag-mint ng bagong token. Pagkalipas ng 15 taon, puwede nang mag-mint ang "minter address" (na kontrolado ng protocol governance) ng hanggang 1.5% bagong WLD token kada taon. Ang governance din ang magdedesisyon kung paano ipamamahagi ang mga ito.
Ang World Foundation ay isang exempted limited guarantee foundation company na nakarehistro sa Cayman Islands. Ito ay “memberless.” Ibig sabihin, wala itong shareholder o beneficial owner. Nakarehistro ang opisina nito sa Suite 3119, 9 Forum Lane, Camana Bay, George Town, Grand Cayman KY1-9006, Cayman Islands. Ayon sa Articles of Association o Kasunduan sa Pagtatatag ng Korporasyon nito, ang pangunahing layunin ng World Foundation ay suportahan at hubugin ang kakayahan ng mga bumubuo para World ecosystem. Isinusulong din nito ang ang desentralisasyon ng mga teknolohiya at pamamahala ng World. Ito ang may hawak ng mga intellectual property o yamang isip ng World Network, at ito rin ang tumatanggap, nagbebenta, nagtatabi, nagpapahiram at gumagamit ng mga asset para maisakatuparan ang mga layuning ito.
Ang World Assets, Ltd. ay isang kumpanyang inirehistro sa British Virgin Islands noong Disyembre 7, 2022 at may BVI Company Number na 2113558. Ang World Foundation ang kaisa-isang miyembro/direktor ng World Assets, Ltd. Ang World Assets, Ltd. ang nasa likod ng paglalabas ng 7.5B Worldcoin token (WLD) na inilaan para sa World community.
Ang World Chain LLC ay isang limited liability company na itinatag sa Cayman Islands. Ang World Foundation ang kaisa-isang miyembro at tagapamahala nito. Ang World Chain LLC ang may hawak sa imprastraktura ng World Chain at siya ring nagpapatakbo nito.
Matatagpuan ang higit pang impormasyon tungkol sa mga entidad na ito, kabilang na ang dokumentasyon ng pagkakatatag at komposisyon ng pagmamay-ari sa foundation.world.org/about.
Ang Tools for Humanity (TFH) ay isang korporasyon mula sa Delaware na may punong-tanggapan sa San Francisco, California (US). Mayroon din itong sangay na pag-aari nito nang buo, ang Tools for Humanity GmbH na nakabase naman sa Germany. Nakarehistro ang opisina nito sa CSC 251 Little Falls Drive, Wilmington, Delaware 19808. Nagparehistro ito noong Hunyo 26, 2019 at ang legal entity number nito ay 7487684. Sinuportahan ng TFH ang World sa loob ng ilang taon bago ito opisyal na inilunsad. Sa panahong ito, binuo nito ang Orb, ang unang bersyon ng protocol, at ang World App, ang unang wallet para sa World na pinatatakbo pa rin nito hanggang ngayon. Ganap itong pinamamahalaan nang hiwalay sa World Foundation. Itinatag ang TFH noong 2019 at mayroon nang humigit-kumulang 500 katao sa team nito. Gayunpaman, ang World ay isang open protocol. Kahit sino ay puwedeng tumulong at mag-build dito.
