Ang World App ay nagbibigay ng simple at madaling access sa World Network.

Idinisenyo at binuo ito ng Tools for Humanity. Magagamit mo ito para ligtas na maitago ang World ID mo, makipagpalitan ng mga digital asset at magkaroon ng access sa Mga Mini App.

Paano ito gumagana

I-download lang ang World App mula sa app store papunta sa telepono mo. Sinadya itong maging simple para sa lahat.

Ano'ng ibig sabihin nito para sa'yo

Sa pamamagitan ng World App, ligtas at pribado mong mapatutunayang isa kang bukod-tanging tao online gamit ang World ID, magagamit mo ang mga digital asset mo, maa-access ang Mga Mini App at makakukuha ka ng mga Worldcoin token (kung saan ito available).

badge-checkMagpaberipika
TransaksyonMakipagpalitan
Decorative image 3Kumuha

Mga Tampok na App

World Chat

Ligtas at pribadong chat na walang bot, at wala ring kailangang bayaran kapag nagpapadala ka ng pera. Available lang 'yan sa World App.

Alamin pa ang tungkol sa World Chat

World Wallet

Mag-ipon ng digital dollars, tulad ng USDC ng Circle. Madali ka lang makakapagdeposito o makakapag-withdraw gamit ang bank account mo o mga paraan ng pagbabayad sa lugar mo, sa tulong ng mga lisensyado naming partner sa buong mundo.

Pwede ka ring magpadala ng digital dollars nang instant sa mga kaibigan o kapamilya mo saanman sila sa mundo, nang walang bayad.

Sulitin ang mga transaksyong walang gas fee gamit ang beripikado mong World ID, ma-track kaagad ang istatus nito at magkaroon ng 24/7 chat support.

Mga Feature

  • Kumita ng hanggang 16% APY sa USDC, WLD at iba pa.
  • Makipagpalitan ng currency nang walang bayad.
  • World Card (sumali sa waitlist).
  • 8 lokal na stablecoin.
  • Higit sa 100 token
  • Mga virtual account sa US dollars at Argentine Pesos (paparating na ang sa Euros).

Available sa World App.

Mga Mini App

Tingnan ang Mga Mini App sa World App

Tingnan ang iba’t ibang Mini App na mada-download mo na mula sa World App. Idinisenyo ang mga ito para mapagaan ang pang-araw-araw mong mga gawain at mas maging produktibo ka.