Imprastrakturang inuuna ang pribasiya, pagtitiwala at seguridad sa panahon ng AI
Ang World ay bumubuo ng isang network ng mga beripikadong bukod-tanging tao sa isang pandaigdigang network ng pagkakakilanlan at pinansya.
Ang pakikipag-ugnayan ng World Network sa mga mambabatas at mga regulator ay ginagabayan ng isang paninidigang matiyak na ang proyekto ay bukas at walang itinatago mula sa komunidad at sa publiko.
Patunay ng pagkatao para sa panahon ng AI
Dahil sa AI, mas mahirap nang matukoy ang mga tao mula sa mga bot online. Sa pamamagitan ng digital na pagkakakilanlan ng World (World ID), mapatutunayan ng mga indibidwal online na sila ay tao at bukod-tangi nang hindi nagpapakilala.
Ang World ID ay isang ligtas na paraan para makapagbigay ng "patunay ng pagkatao" ang mga tao habang pinananatili ang kontrol at pribasiya ng datos nila.
Hindi kailangang malaman ng World kung sino ka, kundi na isa kang bukod-tanging tao.

Idinisenyo para maging Pribado
Ang bawat antas ng World ID network ay binuo nang mayroong world-class na seguridad, pribasiya ng datos at mga pamantayan ng transparensiya. Kabilang dito ang mga desentralisadong operasyon ng World, open-sourced orb software, at kontrol ng user sa datos nila.
Ipinatatakbo ang World sa pamamaraang nakabase sa mga prinsipyo sa pribasiya. Ang apat na magkakaugnay na Mga Prinsipyo ng Pribasiya ay:
- Seguridad: Pinoprotektahan ng matematika
- Hindi Makikilala: Malayang makagalaw online
- Pagpapasya at Kontrol: Ikaw ang bahala sa datos mo
- Transparensiya: Ginawa nang bukas sa publiko

Responsableng inobasyon
Ang World ay nakikipagtulungan sa mga mambabatas at mga lider ng industriya para maibahagi ang teknolohiya, mga kasanayan at pananaliksik na pinangangalagaan ang pribasiya sa panahon ng AI.
Mga Highlight:
Nasa pilot testing na: Deep Trust, isang bagong hakbang panseguridad na nagbibigay-daan sa pribadong 1:1 na paghahambing ng mukha para matiyak na tanging ang taong nagpaberipika ng World ID nila sa isang Orb ang makagagamit nito.
Sa pamamagitan ng Personal Custody, ang lahat ng larawang ginamit para maberipika ang World ID ng isang indibidwal ay awtomatikong buburahin.
Ang mga private-enhancing technology (PETs), kabilang na ang encryption at cryptographic mechanism ng AMPC at ZKPs, ay ginagamit para maprotektahan ang datos ng user habang inililipat at itinatago ito.
Partnership Spotlight: Malaysia
Isasama ng Malaysia ang World Network sa pampubliko nilang digital infrastructure.