Mga Madalas Itanong

Pangkalahatan

Ang World ang network ng tunay na mga tao. Patunay ng pagkatao, sistemang pinansyal at komunidad na abot ng sangkatauhan.

Matukoy ang mga tao mula sa AI online. Magkaroon ng access sa sistemang pinansyal na abot ng lahat. At makisalamuha sa kapwa mong tunay na mga tao. Libre lang sumali dito at binuo ito para mapagmay-ari ng lahat.

Ang teknolohiya ay mabilis na umaangat kaya't ang mga benepisyo nito ay dapat maging abot-kamay at mag-aangat sa lahat.

Ang World ay binuo para makinabang ang bawat tao mula sa panahon ng AI.

World ID

Sa pag-angat ng AI, kailangan nating magkaroon isang scalable at inklusibong paraan para matukoy ang pagkakaiba ng mga tao mula sa mga bot. Ang World ID ay isang simple at protektadong paraan para mapatunayang isa kang bukod-tanging tao nang hindi ibinabahagi ang personal mong impormasyon.

Magagamit mo ang beripikado mong World ID bilang “patunay ng pagkatao” na pribado at pwedeng gamitin nang paulit-ulit sa mga bagay na para lamang dapat sa mga tao, tulad ng mga dating app, mga video game, o mga social media community. Idinisenyo ang World ID para hindi ka makilala. Ibig sabihin, hindi mo na kailangan pang ilagay ang pangalan mo, kaarawan, address o iba mo pang personal na impormasyon para magamit ito.

Ang World ID ay binuo sa isang open source, desentralisado at permissionless na protocol. Ibig sabihin, walang nagmamay-ari nito at pwedeng gumawa ang lahat ng paraan para kumonekta at gumamit nito. Layunin ng World ID na maging susi para magkaroon ng pagtitiwala sa Internet, nang sa gayon ay mabigyan ang mga tao ng kakayahang umasenso sa panahon ng AI.

Para maberipika ang World ID mo, sundin ang tatlong hakbang na ito:

  • Hakbang 1: I-download ang World App mula sa App Store o Google Play sa mga bansa kung saan ito mayroon.
  • Hakbang 2: Sundan ang mga prompt para makahanap ka ng isang World Space o lokasyong may Orb kung saan mo mabeberipikang isa kang tunay at bukod-tanging tao.
  • Hakbang 3: I-access ang beripikado mong World ID sa World App mo at gamitin ito sa iba't ibang uri ng pang-araw-araw na mga application nang hindi inilalantad ang pagkakakilanlan mo.

Mas marami pang Orb ang inilalabas sa buong mundo. Pakitingnan palagi ang World App para sa mga update kung saan ka makahahanap ng Orb sa paligid mo.

Iisang uri lang ng datos ang kailangan ng Orb para maberipika nito kung tao ka: ang mga larawan ng mga mata at mukha mo. Hindi nito kailangan ang pangalan mo, email, kasarian o kahit ano pa.

Ginagamit ang mga larawan ng iris mo para maberipika kung bukod-tangi kang tao, habang ang mga larawan ng mukha mo naman ay ginagamit para sa Face Auth, isang security feature na tinitiyak na tanging ang taong nagpaberipika ng World ID nila sa Orb lamang ang makagagamit nito.

Ito ang mangyayari, hakbang-hakbang, pagkatapos mong mag-sign up sa World App:

  1. Kukuha ang Orb ng mga high-resolution na larawan ng mga iris at mukha mo.
  2. Gagamitin ng Orb ang mga larawang ito para makumpirma kung tao ka at iko-convert nito ang larawan ng iris mo sa isang bukod-tanging code, at pagkatapos ay hahatiin ito sa mga randomized multi-party compute (MPC) fragment.
  3. Ipapadala ng Orb ang mga larawan at mga MPC fragment sa device mo (ang Personal Custody Package mo), bago tuluyang burahin ang mga ito.
  4. Ipapadala ng device mo ang mga fragment sa AMPC service para makumpirmang hindi ka pa nakakapagpaberipika noon.
  5. Beripikado na ang World ID mo.

Karamihan sa proseso at code na may kaugnayan sa pagbeberipika ng bukod-tanging pagkatao, kabilang ang AMPC at ang mga nangyayari sa Orb, ay open source na makikita at masusuri ng lahat dito.

Hindi, isang beses mo lang kailangang beripikahin ang World ID mo sa Orb.

Para magamit ang beripikado mong World ID, buksan lang ang World App sa telepono mo kapag may app o website na hinihiling na patunayan mong ikaw ay tao:

  1. Kung mayroon nito, makikita mo ang opsyong “Mag-sign in gamit ang World ID”
  2. Pindutin ito, at kusang bubukas ang World App sa mobile device mo; o, kung desktop ang ginagamit mo, ipapa-scan sa'yo ang isang QR code gamit ang World App
  3. Tingnan ang request at aprubahan ito sa pamamagitan lang ng isang pindot

Maaaring may mga app na magpapasagawa sa'yo ng Face Auth; ito ay dagdag na hakbang panseguridad na isinasagawa lang telepono mo para matiyak na ang nagpaberipika sa Orb lang ang makaa-access sa World ID sa device na 'yon.

Hindi. Idinisenyo ang World ID para hindi ka makilala. Halimbawa, kapag ginamit mo ang World ID mo para mapatunayang isa kang bukod-tanging tao sa isang third-party service, hindi ipapakita ang World ID mo sa third-party na 'yon. Sa pamamagitan ng cryptographic technology na tinatawag na zero-knowledge proofs (ZKPs), pinatutunayan mo lang na may valid kang World ID. Bukod pa rito, hindi rin konektado ang World ID mo sa self-custodial World Wallet mo. Magkakaibang mga cryptographic key ang gamit ng mga ito para sa magkakaibang mga layunin.

Kapag naberipika na ito, magagamit mo ang World ID mo sa daan-daang application at serbisyo na naka-integrate sa World protocol. Kung gusto mong:

  • Makipaglaro sa tunay na mga tao
  • Makipag-date sa tunay na mga tao
  • Mamili kasama ang tunay na mga tao
  • Bumoto sa mga botohang isinagawa ng mga tunay na tao, kasama ang kapwa tunay na mga tao

Sa bawat pagkakataon, pareho lang ang magiging proseso: Bubuo ng isang simple at instant na patunay sa pamamagitan ng telepono mo.

Ang World ID ay nagbibigay-daan sa'yong makapag-sign-in at makapag-authenticate sa mga web at mobile application para pribadong mapatunayang isa kang bukod-tanging tao at hindi isang bot o AI system. Kapag nag-sign in ka sa mga app at serbisyo gamit ang World ID, hindi mo kailangang ilantad ang anumang personal mong impormasyon gaya ng numero ng telepono mo o email address. Malalaman lang ng application or serbisyong isa kang bukod-tanging tao. Maliban pa riyan, ang mga aktibidad mo ay hindi masusubaybayan sa pamamagitan ng World ID mo. Ngayon, ang pag-sign-in gamit ang World ID ay available sa pamamagitan ng mga integration sa mga third party tulad ng Razer, Match Group, Okta Auth0 at iba pa.

Pwede ka ring mag-avail ng ilang partikular na mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng World ID, lalo na kung saan gustong matiyak ng isang third-party na isang beses lang makakukuha ang bawat tao ng produkto o serbisyo. Kapag gumamit ka ng World ID, ipinararating mong isang beses ka lang mag-aavail nito at hindi na makauulit pa.

Mga gamit sa hinaharap: Ang World SDK ay open source at magagamit ng sinuman sa pag-build ng mga app sa World. Patuloy itong magkakaroon ng mga pakinabang sa hinaharap habang dumarami ang mga developer na gumagamit World ID para sa beripikasyon ng patunay ng pagkatao.

Sa pamamagitan ng Mga World ID na Kredensyal, makapagdaragdag ka ng isang naka-encrypt na kopya ng impormasyon mula sa government-issued ID mo (gaya ng mga pasaporteng may NFC at National ID) bilang kredensyal sa ilalim ng World ID para mapatunayan ang ilang detalye tungkol sa sarili mo nang hindi ibinabahagi ang pinagmulan ng impormasyong iyon sa anumang third party.

Kapag may nakalagay kang World ID na kredensyal sa device mo, mapatutunayan mo ang ilang bagay tungkol sa sarili mo, higit pa sa pagiging tunay at bukod-tanging tao mo, nang hindi kinakailangang ibahagi ang impormasyon mula sa ID mo o labis na impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan mo. Halimbawa, mapatutunayan ng isang indibidwal na may World ID na siya ay pasok sa kinakailangang edad ng isang dating app nang hindi kailangang ibahagi ang kaarawan o ang pagkakakilanlan nila.

Hindi. Kapag ginamit mo ang World ID mo, hinding-hindi mo kailangang ibahagi ang mga larawan o datos na ipinroseso sa Orb. Idinisenyo ang World ID para makagalaw ka online nang hindi ka makikilala. Hindi maiuugnay ng mga third party ang iba't ibang hakbang na ginawa mo gamit ang World ID mo mula sa datos ng World ID mo. Hindi ito konektado sa self-custodial World Wallet mo. Pwedeng gamitin ng kahit sino ang beripikado nilang World ID bilang "patunay ng pagkatao" nila nang hindi nagbibigay ng impormasyon tulad ng pangalan nila, email address, numero ng telepono o social media profile.

Sa pamamagitan ng World ID, magkakaroon ka ng walang kapantay na kontrol sa impormasyon mo, kabilang na ang Personal Custody.

Ang ibig sabihin ng "Personal Custody" ay ang lahat ng impormasyong nalikha sa Orb noong nagpaberipika ka ng World ID mo (mga larawan, metadata at nabuong datos, kabilang na ang bukod-tanging code) ay itatago lang sa device mo. At wala sa World Foundation, Tools For Humanity o anumang third-party na kumpanya ang makakapag-decrypt ng mga encrypted file habang inililipat ito papunta sa telepono mo gamit ang mga server nila. Idinisenyo ang system para maprotektahan ang datos mo kahit pa makompromiso ang telepono mo.

Kapag gumamit ang isang tao ng World ID nila, may ipinatutupad kaming mga hakbang para tiyaking hindi sila makikilala.

Una, pinatutunayan ng zero-knowledge proofs (ZKP) na bukod-tangi ang isang tao nang hindi ibinabahagi ang personal nilang impormasyon sa third party na humihingi ng nasabing patunay. Pinoprotektahan rin ng ZKPs ang paggamit ng World ID para hindi ito ma-track sa iba't ibang application o maiugnay sa anumang datos ng biometrics ng isang tao.

Gumagamit ang World ID ng isang open source protocol na kilala bilang Semaphore para matiyak na hindi maiuugnay ang datos mismo ng World ID sa pagkakakilanlan ng isang tao, maging kapag ibinahagi nila ang “patunay ng pagkatao” nila sa iba pang application.

Alamin pa ang tungkol sa ZKPs

Basahin ang whitepaper na Idinisenyo para maging Pribado

Basahin ang teknikal na malalimang pagtalakay sa pribasiya

Madali mong maba-backup ang account mo sa pamamagitan ng pagpili ng iCloud (iOS) o Google Drive (Android) backup sa World App.

Basahin ang pag-iisa-isang gabay

Kung hindi mo nahanap ang mga kasagutan sa mga katanungan mo at nagkakaproblema pa rin sa isang partikular na isyu, maaari kang makipag-ugnayan sa Support Team namin sa pamamagitan ng World App > Mga Setting > Support > Kontakin ang Support. Magbigay ng maraming detalye hangga't maaari at magbigay ng mga screenshot para makatulong na mailarawan ang isyu mo.

Basahin ang pag-iisa-isang gabay

Ang World ID ay binuo sa isang open source at permissionless protocol na pwedeng gamitin ng kahit sino sa pag-build o pag-integrate nito sa mga bago o ginagamit nang mga application at online na serbisyo. Ang lahat ng developer docs ay malayang makikita ng publiko. Mahalaga ring tandaan na pinipigilan ng zero-knowledge proofs (ZKPs), na ginagamit kapag ipinapakita ang World ID, ang anumang third-party developer, kabilang na ang mga government application, na malaman kung aling World ID ang sa'yo o ma-track ang isang indibidwal sa iba’t ibang application.

World App

Ang World App ay isang super app para sa mga tao sa panahon ng AI. Naglalaman ito ng unang wallet na ginawa para sa World at nagbibigay-daan sa mga taong magkaroon ng pribado at desentralisadong patunay ng pagkatao sa pamamagitan ng World ID at magkaroon ng access sa desentralisadong pananalapi sa pamamagitan ng mga cryptocurrency.

Sa World App, kahit sino ay pwedeng mag-sign up para magkaroon ng isang beripikadong World ID sa isang Orb. Pagkatapos, magagamit nila ito para beripikahin ang mga hakbang nila gamit ang World ID nila (tulad ng pag-sign in sa mga website, app at serbisyo) nang hindi kailangang magbahagi ng personal nilang datos gaya ng pangalan o email address. Magkakaroon ka rin ng access sa network ng Mga Mini App na madalas gamitan ng World ID, tulad ng gaming, pananalapi at community.

Nagbibigay din ang self-custodial cryptocurrency wallet ng World App ng access sa desentralisadong pananalapi. Maaari itong gamitin ng mga indibidwal para mag-ipon, magpadala, magdeposito at mag-withdraw ng mga cryptocurrency. Binibigyang-daan ito ng mapagkakatiwalaang mga service provider, tulad ng mga sentralisadong palitan at mga crypto payment processor na nakikipag-partner sa World App para gawin itong available sa mga platform nila.

Idinisenyo ang World App para magamit ng lahat.

Ang mga mayroong World ID ay hindi kailangang magbayad ng gas fees para sa mga transaksyon sa World App, kung saan ang user experience nito ay nakatuon sa pagiging simple at madaling gamitin para sa mga taong hindi pa pamilyar sa crypto. Sa halip na isama ang bawat advanced crypto functionality, ang World App ay mayroong UX na madaling gamitin para sa lahat ng tao sa pamamagitan ng pagpapakita lamang sa mga user ng mga bahagi ng Ethereum at World Network ecosystem na pinakamakatutulong para sa pang-araw-araw nilang buhay.

Magkakaroon ka rin ng access sa network ng Mga Mini App na madalas gamitan ng World ID, tulad ng gaming, pinansya at community.

Sa humigit-kumulang 18MB na size nito, ang mga native iOS at Android app ay higit na mas maliit kaysa sa karaniwan sa industriya. Para matiyak na magiging inklusibo ito, isinalin ito sa iba't ibang wika at tinatanggap ang karamihan ng mga aktibong smartphone sa mundo (98.2% ng mga Android at 94.5% ng mga iPhone), kabilang na ang ilan na higit 10 taon na.

Ginagamit ng World App ang composability ng Ethereum sa pamamagitan ng Optimism mainnet, para pagsama-samahin ang pinakamaiinam at pinakapinagkakatiwalaang mga open protocol at API sa iisang app na madaling gamitin.

Halimbawa, gumagamit ang mga World wallet ng account abstraction sa pamamagitan ng mga Safe contract para paigtingin ang seguridad at bigyang-daan ang mga transaksyong walang gas fees. Nagbibigay-daan naman ang mga ENS username sa mga peer-to-peer payment na madaling gawin. Sa mga lugar na available ito, ang pagpapapalit ng WBTC at WETH para sa bridged version ng USDC ng Circle sa pamamagitan ng Uniswap protocol ay nagbibigay-daan sa mga user sa buong mundo na palaging magkaroon ng access sa isang digital dollar na may tunay na halaga sa likod nito. Ang Frictionless fiat-to-crypto at crypto-to-fiat exchange sa maraming bansa ay ibinibigay ng mga lisensyado o rehistradong partner sa buong mundo, kabilang na ang Ramp Network at Stripe.

I-download ang World App at maghanap ng World Space na malapit sa'yo. Available ang World App ngayon sa mahigit 150 bansa sa buong mundo.

Available ang live support sa Mga Setting > Support ng World App. Kung sakaling nahihirapan kang makita ang tab ng Mga Setting, alugin lamang ang device mo nang ilang beses at piliin ang I-report ang Problema. Pwede mo ring bisitahin ang World App Help Center kahit kailan para makahanap ng mga kasagutan sa mga madalas itanong tungkol dito.

Walang datos tulad ng pangalan, e-mail address o numero ng telepono ang kailangan mong ibahagi para ma-download mo ang World App at makalikha ka ng isang account. Pwede kang magbigay ng karagdagang impormasyon sa TFH, pero hindi ito kinakailangan.

Alamin pa ang tungkol sa World App at World ID.

Ang Orb

Ang Orb ay isang protektado at open-source na device na nagbeberipika kung isa kang bukod-tanging tao nang hindi nanghihingi ng personal mong impormasyon. Kinukumpirma ng Orb kung isa kang bukod-tanging tao sa pamamagitan ng pagkuha ng mga larawan ng mukha at mga mata mo (awtomatikong buburahin ang mga ito kapag naipadala na ng Orb ang mga ito sa device ng mo). Isa itong kinakailangan at mahalagang bahagi ng proseso para matiyak na walang makakapag-sign up para sa World ID na beripikado Orb nang higit sa isang beses.

Ang karagdagang impormasyon tungkol sa Orb ay makikita sa blog na ito.

Ginagamit ang Orb para beripikahin ang pagkatao at pagkabukod-tangi ng isang tao bilang bahagi ng World protocol. Tinitiyak muna nitong tao ang nasa harapan nito. Pagkatapos, ang mga larawan ng mata ay gagawing abstrakto at permanenteng i-eencrypt sa hindi matutukoy na mga pirasong ipinoproseso ng mga independiyenteng partido para matukoy kung ang tao ay bukod-tangi. Kasunod nito, ang lahat ng larawan at nabuo mula rito ay isasama, i-eencrypt at “pipirmahan” ng Orb para matiyak ang awtentisidad at seguridad ng mga ito, at pagkatapos ay ipadadala sa telepono ng user sa pamamagitan ng Orb backend server (mahalagang hindi made-decrypt ng backend ang datos). Pagkatapos, ang lahat ng larawan ay buburahin mula sa Orb. Para maprotektahan ang pribasiya ng indibidwal, ang lahat ng beripikasyon ng pagkatao ay magaganap mismo sa Orb nang hindi nagpapadala ng datos sa backend ng Orb.

Kahit sino ay pwedeng magpaberipika ng pagkatao nila sa isang Orb nang hindi nagbibigay ng impormasyon tulad ng mga pangalan, email address, mga numero ng telepono, mga social profile, atbp.

Alamin pa ang tungkol sa patunay ng pagkatao

Alamin pa ang tungkol sa Orb

Hindi lahat ng palatandaan ng pagkatao ay magkakapareho, at at ang gamit ng mga ito ay maaaring mag-iba-iba batay sa mga bagay tulad ng entropy at reliability at scale. Ang iris biometrics ay partikular ding angkop para sa network dahil likas nitong pinangangalagaan ang pribasiya. Dahil ang mga iris ay mayroong mas maraming random na natatanging mga detalye kaysa sa mga fingerprint at mukha, at mas mababa ang posibilidad na magbago batay sa mga panlabas na salik, ang iris biometrics ay ang pinakaepektibong paraaan sa pagbeberipika ng pagkatao at pagkabukod-tangi na pinoprotektahan ang pribasiya at pinipigilan ang pandaraya. Bukod dito, mas madaling manakaw at mapeke ang fingerprint ng isang tao kaysa sa pagnanakaw ng iris pattern ng isang tao.

Hindi. Ang Orb ay kumukuha lamang ng larawan ng mukha at mga mata ng isang user. Bukod dito, sumusunod ang Orb sa mga espesipikasyong itinakda sa mga pandaigdigang pamantayan kung saan kasama rin ang kaligtasan ng mata (IEC-62741).

Ang teknolohiya na ginagamit ng Orb para magberipika ng pagkabukod-tangi at pagkatao ay bukas sa publiko para masuri nila ito at makapagbigay ng tugon. Ang World Network (kabilang ang World Foundation) ay patuloy na ginagawa ang lahat para matiyak na ang kaligtasan at pribasiya ay nasa sentro ng lahat ng mga pagsulong na ito.

Available ang mga Orb sa buong mundo. I-download ang World App o hanapin ang pinakamalapit na Orb sa'yo dito.

Walang datos mula sa beripikasyon ng World ID mo ang itatabi ng Orb.

Idinisenyo ang World para maging pribado, at binuo ito sa ilalim ng isang matatag at mahigpit na programa ng pribasiya para mabigyan ang mga beripikadong tao ng access sa mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng paggamit ng mga patunay ng pagkatao na pinoprotektahan ang pribasiya. Ang lahat ng larawan at ang nabuo mula rito ay ipa-package, i-eencrypt at pipirmahan ng Orb para matiyak ang awtentisidad at seguridad ng mga ito, at pagkatapos ay ipadadala sa telepono ng user sa pamamagitan ng Orb backend server (mahalagang hindi made-decrypt ng backend ang datos). Pagkatapos, ang lahat ng larawan ay buburahin mula sa Orb.

Hindi. Kumukuha ang Orb ng mga larawan ng mukha at mga mata ng isang tao para matiyak ang pagkatao at pagkabukod-tangi nila. Ang mga larawang ito ay hindi itatabi ng Orb kundi ipadadala sa device ng user.

Ang matitira na lamang ay isang tuluy-tuloy na ine-encrypt at pinipira-pirasong abstraksyon ng mga larawan ng mga mata, at hindi maiuugnay ang mga ito sa wallet o World App account ng isang indibidwal (basahin ang higit pa tungkol sa AMPC sa blog post na ito).

Komprehensibong teknikal na gabay sa pribasiya

Ang Orb ay nilagyan ng isang makapangyarihang computing unit na kayang magpatakbo ng mga neural network nang sabay-sabay real-time. Ito ay nagbibigay-daan para maberipika ang pagkatao ng isang indibidwal sa device mismo nila nang hindi kinakailangang iproseso ang hindi naka-encrypt na mga larawan sa backend ng Orb.

Pagkatapos, ang lahat ng larawan at nabuo mula rito ay ipa-package, i-eencrypt at pipirmahan ng Orb para matiyak ang awtentisidad at seguridad nito, at tsaka ipadadala ang mga ito sa telepono ng user gamit ang Orb backend server (mahalagang hindi made-decrypt ng backend ang datos). Pagkatapos, buburahin ang lahat ng larawan sa Orb.

Wala ring itinatabing impormasyon tungkol sa iris mo ang World Foundation o Tools For Humanity. Sa halip, ang larawan ng iris ay ginagawang abstraktong numerical code (basahin pa ang tungkol dito sa dokumentasyon ng teknikal na implementasyon), at pagkatapos ay gagawing mga randomized fragment sa pamamagitan ng cryptography (basahin pa ang tungkol dito sa blog post tungkol sa AMPC namin). Kapag sinabing randomized, kahit iisang iris lang ang ginamit bilang input, iba pa rin ang magiging output na mga fragment sa bawat pagkakataon. Dahil dito, hindi maiuugnay ang mga fragment na ito sa personal na datos ng isang user dahil wala ito mismong inilalantad na impormasyon. Pero hindi lang doon natatapos ang lahat. Ang iba't ibang bahagi ng mga fragment ay itatago ng magkakaiba at independyenteng mga partidong pinakakatiwalaan ng publiko (hal. mga pampublikong unibersidad). Tinitiyak nitong hindi mapagsasama-samang muli ang mga fragment.

Alamin pa ang tungkol sa Orb

Alinsunod sa paninindigan ng World sa proteksyon ng pribasiya, ang Orb ay may mga advanced security feature para mapigilan ang spoofing (panggagaya), pagmamanipula o pang-hahack.

Ang bawat Orb ay may private key na nakatago sa protektadong hardware na nag-o-authenticate sa Orb at pumipirma ng mahahalagang mga mensahe. Ang mga algorithm na pumipigil sa pandaraya na nakabase sa mga multispectral sensor ay tumatakbo sa mismong device para matiyak ang pribasiya. Maliban pa rito, isang whitehat hacker team na sumusuporta sa World ay patuloy na sinusubok ang device at may ilang team na nagsusumikap para higit pang paigtingin ang seguridad ng Orb araw-araw.

Oo. Nakatuon ang World sa pag-oopen source ng mga teknolohiya nito hangga't maaari at sa ganap na desentralisasyon ng network. Ginagawa ito hindi lang para sa transparensiya at seguridad, kundi para magbigay-daan sa iba pang team na gustong bumuo ng mga device para sa World sa hinaharap.

Bilang isang mahalagang hakbang, ang lahat ng kaugnay na engineering file para sa kasalukuyang bersyon ng Orb ay inilabas na sa isang GitHub repository. Pwede mong i-download ang Eagle (PCBs) para makita makita ang mga file at gamitin ang Mga CAD viewer ng Autodesk nang libre.

Ang lahat ng file ay inilalathala sa ilalim ng Lisensya sa Responsableng Paggamit ng World Network, batay sa MIT Open Source License at hango mula sa BSL ng Uniswap at BOSL ng Electric Coin Co. Binabalanse ng lisensya ang transparensiya at desentralisasyon habang pinipigilan ang pang-aangkin at binabawasan ang panganib na magamit ang teknolohiya ng World Network sa paraang maaaring makapaminsala. Ang firmware ay magiging open source din o ilalabas sa ilalim ng Lisensya sa Responsableng Paggamit sa hinaharap nang hindi nakokompromiso ang seguridad hangga't maaari.

Hindi. Sa mga bansa kung saan available ang World App, magagamit ito nang libre at hindi kailangan ng beripikadong World ID.

Oo. Ang mga World Operator ay nagsusumikap sa pagbeberipika sa app maging sa personal para matiyak na tanging ang mga indibidwal na nasa hustong gulang na ang magkakaroon ng access sa World. Ibig sabihin, kailangan ay nasa 18 taong gulang na o higit pa ang mga indibidwal para pumasa sa kinakailangang edad sa bansa nila.

Mga Operasyon ng World

Parami na nang parami ang mga bansang may Orb. I-download ang World App at hanapin ang pinakamalapit na Orb sa'yo.

Ang mga World Operator ay ang mga taong nagpapatakbo ng mga Orb sa kani-kanilang mga komunidad, at pwede silang makakuha ng mga WLD token sa pamamagitan ng pagpapakilala ng World sa mga komunidad nila at pagtulong sa mga taong maipaberipika ang World ID nila gamit ang Orb. Ang mga Operator ay hindi mga empleyado ng World Foundation o Tools for Humanity at may sarili silang mga operasyon. Gayunpaman, kailangan nilang sumunod sa isang mahigpit na Kodigo ng Tamang Pag-aasal na nakatuon sa pagsunod sa mga batas at proteksyon ng publiko.

Alamin pa ang tungkol sa mga World Operator
Makikita mo ang mga World Operator team sa mga lugar na madalas mong pinupuntahan. Pinadadali ng mga indibidwal na ito ang beripikasyon ng World ID sa pamamagitan ng pagtulong sa mga user na ma-download ang World App, pagtulong sa pag-setup ng account, pagbeberipika ng pagkabukod-tangi ng mga indibidwal sa pamamagitan ng Orb at nagbibigay ng mga materyales para sa edukasyon. Nagbibigay din ang World ng 24/7 support para sa mga user sa pamamagitan ng online help center at mga live customer support agent sa pamamagitan ng World App (Mga Setting > Support > Kontakin ang Support).

Ang mga Community Operator ay ang mga namamahala sa mga self-serve Orb sa mga komunidad nila para makinabang ang lahat mula sa World Network. Isa-isang nagpapatakbo ng mga operasyon ang mga Community Operator nang walang pormal na lokasyon, samantalang ang mga World Operator ay maaaring mayroong ilang lokasyon at team.

Alamin pa ang tungkol sa mga Community Operator

Ang World ay para sa sangkatauhan. Binuo ang network para mabigyan ang lahat ng access sa pandaigdigang ekonomiya at may operasyon ito sa isang malawak na hanay ng mga bansa sa limang kontinente. Mahalaga ang pagkakaiba-ibang ito dahil, para mabigyan nang pantay-pantay na serbisyo ang maraming tao, kailangang gumana ang teknolohiya kahit sa liblib at kulang sa serbisyong mga lugar.

Pribasiya ng Datos at Pagsunod sa Batas

Ang World Foundation o Tools for Humanity ay parehong hindi nagtatabi ng anumang personal na datos mula sa beripikasyon ng Orb ng mga indibidwal. Ang mga larawang kinunan ng Orb ay i-eencrypt, ipadadala sa device ng indibidwal at kaagad na buburahin mula sa Orb.

Hindi. Ang World Foundation at ang Tools for Humanity ay hindi at hindi kailanman magbabahagi ng datos na ginamit sa pagbeberipika ng Orb (kabilang na ang datos ng iris) kahit kanino. Magbasa pa tungkol sa mga paninindigan ng World sa pribasiya sa Paunawa sa Pribasiya.

Hindi. Ang World Foundation at ang Tools for Humanity ay hindi kailanman magbebenta ng anumang personal na datos (kabilang na ang datos ng biometrics). Magbasa pa tungkol sa pamamaraan ng World sa pangongolekta, pangangasiwa at pribasiya ng datos sa Pabatid sa Pribasiya.

Pwede mong burahin ang datos ng profile mo at ang World App account mo kahit kailan. Para magawa ito, pumunta sa Mga Setting > Seguridad at Pribasiya. Tandaan na ang pagbura ng account mo ay isang permanenteng hakbang at hindi mo na maibabalik ang naburang impormasyon.

Basahin ang pag-iisa-isang gabay

Oo. Anumang personal na datos na ibinahagi mo sa World ay i-eencrypt habang inililipat at itinatago ito. Magbasa pa tungkol sa pamamaraan ng World sa pangongolekta, pangangasiwa at pribasiya ng datos sa Pabatid sa Pribasiya.

Mananatili lang sa device mo ang personal na datos na ginamit sa pagbeberipika kung tao ka. Nasa sa'yo kung gusto mong ibahagi ang impormasyong ito sa Tools for Humanity para mapabuti ang teknolohiya ng patunay ng pagkatao ng World para gumana ito nang maayos para sa lahat. Gayunpaman, hindi ito kinakailangan at pwede mong bawiin ang pahintulot mo.

Para sa karagdagang impormasyon kung papaano mag-opt-in para sa data training, tingnan ang pag-iisa-isang gabay sa kung papaano i-on ang feature na ito sa World App.

Bago magsagawa ng mga beripikasyon ng Orb sa anumang bansa, kinokonsulta muna ang lokal na legal na tagapayo para suriin ang World at magbigay ng payo. Komprehensibo ang pagsusuri at sumasaklaw sa proteksyon ng datos at mga regulasyon ng cryptocurrency, pati na rin ang iba pang paksa tulad ng labor, mga sertipikasyon ng hardware, marketing at proteksyon para sa konsumer. Ginagamit ang impormasyong ito para iakma ang mga operasyon ng pagbeberipika sa lokal na mga batas.

Ang World Foundation at Tools for Humanity (TFH) ay nakatuon sa pakikipagtulungan sa mga nangangasiwa ng batas sa buong mundo para matiyak na patuloy na natutugunan ng World ang mga kinakailangan ng regulsayon at na ang publiko ay nabibigyan ng ligtas, protektado at tapat na serbisyo.

Bilang bahagi ng paninidigang ito, ang TFH ay lubos na tumutugon sa mga lokal na batas bago pa man dumating ang unang Orb sa isang bansa, at nakikipagtulungan nang malapitan sa mga halal na opisyal, mga third party at mga kaugnay na asosasyon para matiyak ang buong kamalayan tungkol sa World, World Foundation at TFH.

Hindi nagtatabi ang World maging ang Tools For Humanity ng anumang personal na datos mula sa beripikasyon ng Orb. Awtomatikong itatago ang datos sa device ng user.

Ang World ay ganap na sumusunod sa General Data Protection Regulation (GDPR) ng Europa at idinisenyo ito para sa pagsunod sa lahat ng batas at regulasyong namamahala sa koleksyon ng datos ng biometrics at paglilipat ng datos sa mga bansa kung saan ito ay available. Ang datos ng biometrics ay hindi kailanman kokolektahin mula sa sinumang user nang walang malinaw na pahintulot mula sa user na iyon. Ang Form ng Pahintulot sa Datos ng Biometrics ng World ay malinaw na naglalarawan sa mga layunin nito sa aspetong ito. Dagdag pa rito, hindi pinapayagang sumali ang mga menor de edad sa network. Ang higit pang detalye ay makikita sa Mga Tuntunin sa Paggamit ng World.

Sa European Union, ang Tools for Humanity at ang World Foundation ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Bavarian State Office for Data Protection Supervision (Bayerisches Landesamt für Datenschutz). Basahin pa ang tungkol sa paraan ng pangongolekta, pangangasiwa at pribasya ng datos sa Pabatid sa Pribasiya at sa blog.

Ang World ay hindi isang Virtual Asset Service Provider ("VASP") o kabilang sa isa pang katulad na klasipikasyon. Kapag nag-download ang isang user ng World App at lumikha ng account, bibigyan sila ng self-custodial cryptocurrency wallet. Bilang tagapagbigay ng self-custodial wallet, hindi humahawak ang Tools for Humanity ng anumang crypto asset o pondo at hindi nagbibigay ng mga serbisyo ng palitan.

Ang karagdagang materyal tungkol sa pribasiya ay matatagpuan sa sumusunod na mga link:

Ang mas komprehensibong pag-unawa sa lahat ng aspeto ng World ay makikita sa Whitepaper.

Iba pa

Oo. Available ang World App sa Estados Unidos. Ang mga taong nasa Estados Unidos (maliban sa Estado ng New York) ay pwedeng magpaberipika ng World ID nila, magamit nang buo ang World App at makakuha ng WLD.

Ang World ay isang desentralisadong open source protocol na sinusuportahan ng isang komunidad ng mga developer, ekonomista at teknolohista sa buong mundo na nagtataguyod sa network ng tunay na mga tao. Nagbibigay ang World ng patunay ng pagkatao, sistemang pinansyal at komunidad na abot ng sangkatauhan.

Ang World Foundation (Foundation) ay ang unang tagapangalaga ng protocol. Layunin nitong suportahan at palaguin ang World para maging independyente ito. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagsusulong ng desentralisasyon, alinsunod sa misyon at mga paninindigan ng World. Sa madaling salita, ang Foundation ay makapag-aambag sa pamamagitan ng pagbibigay-depinisyon sa pangangasiwa ng protocol, mga token mechanism, mga Grant program, pakikipag-ugnayan sa komunidad at marami pang iba. Nagbibigay ang Foundation ng direksyon sa mga serbisyong isinasagawa ng Tools for Humanity ukol sa protocol.

Ang Tools for Humanity (TFH) ay isang kumpanya ng teknolohiya na bumubuo para sa mga tao sa panahon ng AI. Ang punong-tanggapan nito ay nasa San Francisco at Munich, at ganap na nagmamay-ari ng subsidiyaryo nito sa Bavaria, Germany. Ang TFH ang unang gumawa ng mga hakbang tungo sa pagbuo ng protocol at sinuportahan ang ilang taong beta testing phase nito. Pagkatapos, inilipat nito ang protocol sa independyenteng World Foundation bago ang paglulunsad ng protocol sa huling bahagi ng Hulyo 2023. Patuloy na bubuo ang TFH ng mahahalagang mga tool para sa World Network at iba pa.

Sa kasalukuyan, ang TFH ay nagbibigay ng mga serbisyo sa World Foundation. Kabilang sa mga serbisyong iyon, halimbawa, ang software development, hardware manufacturing at market operations logistical support. Ang TFH ay pinamamahalaan nang hiwalay sa World Foundation.

Binuo ang World sa Ethereum blockchain, gamit ang parehong layer 1 at layer 2 na teknolohiya para maging episyente ito. Noong ika-15 ng Setyembre, 2022, sumailalim ang Ethereum blockchain sa “the merge,” isang transisyong binawasan ang enerhiyang ginagamit sa pagpapatakbo ng Ethereum blockchain nang higit 99.95% magdamag. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa the merge, pakitingnan ang Ethereum blog.

Para makatanggap ka ng pinakabagong balita tungkol sa World, i-download ang World App, mag-subscribe sa mga email update o i-follow ang World sa X o Discord. Makakukuha ka rin ng mga update mula sa blog.

Dahil open source protocol ang World, sinusuportahan ito ng isang community ng mga developer, ekonomista at teknolohista sa buong mundo. Kahit sino, pwedeng mag-ambag gamit ang kasanayan nila sa pamamagitan ng World GitHub, pag-build ng Mini App, pagiging isang World Operator o Community Operator, o pag-aapply para sa grant mula World Foundation. Para sa mga gustong magtrabaho sa World Foundation o sumali sa Tools for Humanity, pumunta lang sa pahina ng mga trabaho para sa impormasyon tungkol sa mga bukas na posisyon.