Maging isang World Operator
Mga taong ipinakikilala ang World sa kapwa nila mga tao.
Ang mga Operator at ang mga team nila ay nagtuturo, nagbibigay ng mahalagang impormasyon at tumutulong sa mga tao para ligtas na maberipika ang World ID nila gamit ang Orb.
Ang mga Operator at ang mga team nila ay may mahalagang papel para tulungang mapabuti ang edukasyon ng mga user at magkaroon sila ng access sa digital na pagkakakilanlan at digital na pananalapi sa mga lokal nilang komunidad. Ang mga World Operator ay mga independiyenteng lokal na may-ari ng negosyo o negosyanteng tumutulong para dalhin ang World sa mga lokal nilang komunidad.
Maliban pa sa pagiging masigasig tungkol sa misyon ng World, ang pinakamatatagumpay na mga World Operator ay mayroong malakas na paniniwala sa pagnenegosyo at kayang bumuo, sumuporta at magpasigla ng mga team.

Punan ang application form. I-interviewhin ka namin at kapag natanggap ka, padadalhan ka ng Orb at bibigyan ka ng pagsasanay para masimulan mo ang mga operasyon mo.
1
Aplikasyon
Magbigay ng ilang pangunahing impormasyon (wala pang 1 minuto).
2
Interview
Isang interview ang itatakda para talakayin ang mga bagay tungkol sa'yo at sa interes mo.
3
Kumuha ng Orb
Kung maaaprubahan, makatatanggap ka ng Orb at malawakang pagsasanay.
4
Simulan ang operasyon
Kapag natanggap mo na ang Orb mo, handa ka nang simulan ang mga operasyon mo.