World Design Protocol

Mga Prinsipyo, Tuntunin at Asset

Mga Prinsipyo ng Disenyo

  • Tao

    Isang paniniwala na ang pagiging natural at hindi makokontrol na mga katangian ng pagiging tao ay mahalaga para sa inobasyon.

  • Pangkalahatan

    Isang biswal na wika na nagiging tulay sa lahat ng bansa, kultura at kasaysayan. Inklusibo, madaling maabot at pinagbubuklod-buklod ang lahat sa buong mundo.

  • Optimistiko

    Isang paniniwala na ang sangkatauhan at ang papel ng teknolohiya ang mag-aangat sa lahat.

Pangkalahatang-ideya ng Brand

Ang lahat ng tool ay nasa ilalim ng pangunahing brand na World.

Biswal na Pagkakakilanlan

Ang World logo ay nagsisilbing biswal na representasyon ng brand namin: simple, malinaw at para sa lahat. Sumisimbolo ito sa paninindigan namin sa aksesibilidad at inobasyon sa isang konektadong mundo.

Ang logomark ay ang pangunahing representasyon ng pagkakakilanlan ng brand namin. Laging gamitin ang logo sa orihinal nitong anyo at laging maglagay ng malinaw na espasyo sa paligid nito para matiyak na madali itong makikita at magiging kapansin-pansin. Ang anumang pagbabago, pagbabaluktot o paggamit ng hindi awtorisadong kulay ay maaaring makasira sa integridad nito.

Ang wordmark ay isang mahalagang bahagi ng biswal na pagkakakilanlan ng brand namin, kasama ang logo symbol para malinaw at maganda naming maipahayag ang pangalan namin. Hindi pinapayagan ang pagbabago, pag-uunat o paglalagay ng hindi aprubadong effects sa wordmark.

Ang logo lockup ay ang pinagsamang logo symbol at wordmark na kumakatawan sa kabuuan ng brand namin. Dapat palaging gamitin ang lockup ayon sa tamang proporsyon, espasyo at pagkakahanay ng mga bahagi nito. Huwag paghiwalayin, baguhin ang ayos, o palakihin o paliitin ang mga bahagi nito. Laging sumangguni sa mga tuntunin para sa sukat, espasyo at paglalagay nito para mapanatili ang integridad nito.

Ang clearspace ay ang pinakamaliit na puwang sa pagitan ng logo at iba pang bahagi sa isang layout. Nakadepende sa lapad ng “o” sa world ang clearspace sa paligid ng logo.

Kapag ipinapakita ang partnership o pakikipagtulungan, maaaring pagsamahin ang World logo at ang logo ng ibang brand sa sumusunod na mga format.

Mga Kulay at Gradient

Neutral
Banayad, Sopistikado, Mahinahon, Hindi Kapansin-pansin, Nakapagpapakalma
Pangunahing kulay
Kapanatagan, Integridad, Kapayapaan, Pagninilay, Karunungan, Tiwala
Mga alternatibong kulay
Kasiglahan, Kaligayahan, Optimismo, Lakas, Inklusibidad

Lumikha ng Gradient (PDF Tutorial)

  • Ang World gradient ay isang mahalagang elemento sa brand system. Nagpapahayag ito ng pag-asa at optimismo at maaaring gamitin bilang natatanging brand asset kapag ginamit bilang backdrop.
  • Gamitin lamang ito sa ibinigay na mga kulay.
  • Dapat gumawa ng gradient na naka-bitmap at pagkatapos ay lagyan ng kulay, para matiyak na ang bitmap resolution ay sumusunod sa mga tuntuning makikita sa susunod na mga pahina.
Gradient - Resolution
Masyadong mababa
Tamang-tama lang
Masyadong mataas

Ginagamit ang mga alternatibong kulay para sa World brand para sa pagpapahayag, maging sa praktikal na paggamit. Kabilang sa mga halimbawa nito ay ang color coding ng iba't ibang clearance level para sa mga event badge, iniangkop na gradient sa kulay ng mga watawat ng iba't ibang bansa para sa mga materyal para sa paglulunsad, kahulugan ng mga kulay para sa user interface at mga biswal na materyal na nagpapahayag ng suporta.

Typography

Ang Lausanne ay isang sopistikado at makabagong sans-serif font na madaling ibagay para sa teksto at display. Kaya nitong makipagsabayan sa tradisyonal na mga sans-serif, at may mga katangian rin itong natatangi sa digital typography. Ito lang ang font na ginagamit para sa World brand.

Mga Kakapalan

Narito ang tatlong kakapalan ng Lausanne na ginagamit sa buong World brand. Ito ang pundasyon ng lahat ng nilalaman at kinakailangang maaprubahan muna namin ang anumang eksepsyon at pagdaragdag dito.

Sa pangkalahatan, ang mga sumusunod na alituntunin ay maaaring ilapat sa halos lahat ng paggamit ng typography sa brand messaging.

Ang body copy at mahahabang seksyon ng mga teksto ay nakatakda sa 300 na kakapalan. Ang mga headline at malalaking display type ay nakatakda sa 400 na kakapalan, habang ang mas maliliit na mga subhead at pamagat ay nakatakda sa 450 para mapanatili ang kakapalan nito habang bahagyang mas maliit kaysa sa mga pangunahing headline.

Leading at Tracking
Pagkakahanay

Ang Tiempos Collection ay isang modern serif family para sa editorial typography. Ang Tiempos Headline ay idinisenyo para sa mas malalaking sukat ng headline, at binabalanse nito ang praktikalidad at kagandahan.

Mga Kakapalan

Narito ang dalawang kakapalan ng Tiempos Headline na ginagamit sa buong World brand. Kailangan muna naming maaprubahan ang anumang eksepsyon o pagdaragdag dito.

Ang Tiempos Headline ay ang alternatibo naming typeface na ginagamit lang sa piling mga pagkakataon, kadalasan kapag ang brand ay direkta at parang personal na nakikipag-usap sa user.

Maaari itong gamitin para sa advertising, pagbebenta at sa ilang screen sa UX. Kailangan muna naming maaprubahan ang lahat ng nilalaman at anumang eksepsyon o pagdaragdag dito.

Gamit ng Font

Mga Post sa Social Media, Kampanya, Eksklusibidad

Ang Tiempos ay may personal at direktang boses sa biswal na wika ng brand. Mainam ito para makalikha ng tonong madaling lapitan para sa partikular na mga sitwasyon kung saan ang layunin ay makipag-usap nang mas direkta sa mga user.

Ginagamit namin ang Noto font kasama ang pangunahin naming Latin typeface para matiyak na magagamit ito sa mga sulat na hindi Latin. Pinili namin ang Noto dahil maaari itong gamitin sa napakaraming wika sa buong mundo, at nagbibigay ng pare-pareho at maayos na typography sa iba't ibang sulat, kabilang na ang Chinese, Arabic, Cyrillic at Japanese.

Sa pamamagitan ng pamamaraang ito, mapapanatili namin ang pagkakapare-pareho at inklusibidad ng brand, nang sa gayon ay ipaaabot namin ang mensahe namin sa mga user sa buong mundo sa sarili nilang wika, nang hindi nakokompromiso ang readability o ang estetika ng disenyo nito.

Mandarin: Noto Sans HKn
Japanese: Noto Sans JP
Arabic: Noto Sans Arabic
Bengali: Noto Sans Bengali
Hebrew: Noto Sans Hebrew
Cyrillic: Noto Sans

Sa iilang sitwasyon kung saan hindi magagamit ang Lausanne, halimbawa sa Google Slides, maaaring gumamit ng alternatibong typeface mula sa Google Fonts library: Para sa body copy, gamitin ang font na Inter; para sa headline, gamitin ang font na Inter Tight. Ang mga font na ito lamang mula sa Google Fonts library ang maaaring gamitin at tanging kapag hindi magagamit ang Lausanne.

Komposisyon

Ang grid ay isa sa pinakamahahalagang mga tool sa design system. Mahalaga ito sa lahat ng layout at komposisyon at dapat gamitin sa lahat ng pagkakataon. Maaari itong maging 2, 4, 6, o 8 column grid depende sa laki ng artboard at dami ng mga elemento. Gayunpaman, dapat laging nakahanay ang lahat ng elemento nito sa grid at proporsyonal ang pagitan sa mga margin.

Panloob na materyales

Para sa lahat ng internal materials at branded collateral kung saan kasama ang logo sa iba pang asset at nilalaman, dapat ilagay ang logo sa kaliwang-itaas na bahagi ng layout para matiyak ang consistency nito.

Solo na logo

Sa mga layout kung saan ang logo lang ang elemento, gaya ng mga video card o ilang kampanya o anunsyo, ang logo ay inilalagay sa gitna ng layout.

Mga social media profile
Logo sa gradient

Kapag inilalagay ang logo sa gradient backdrop, dapat lagi itong nasa maliwanag na bahagi para hindi makasagabal sa readability.

Illustration

Ang bawat pangunahing produkto ng World ay may kaugnay na illustration, hango sa kalikasan ng produkto o sa ibinibigay nito.

World ID
World App
World Chain
Worldcoin
Orb

Maraming paraan para magrepresenta ng datos, pero dapat itong magkaroon ng pare-pareho istilo. Ang paggamit ng mga outline, geometric na hugis para sa mga chart at graph, maingat at intensyonal na paggamit ng mga fill at kulay, ay isang paraan para maging pare-pareho ang mga elemento sa data visualization graphics.

Hal. 1 - Bar chart
Hal. 2 - Scale model
Hal. 3 - Price graph

Ang mga gradient grid ay nagsisilbing makukulay na graphics at ginagamit sa dalawang paraan:

  1. Bilang mga lokal na representasyon gamit ang mga kulay ng mapa ng isang bansa bilang input para sa gradient transition
  2. Ambient graphics na walang partikular na kaugnayan sa anumang kulay pero nagpapahayag lamang ng pakiramdam.
Hal. 1 - Colombia
Hal. 2 - Argentina

Iconography

Para madali itong magamit at mahanap, ang bawat produkto ay may icon na nauugnay dito, at ginawa bilang pinasimpleng anyo ng product illustration nito.

Dapat mapanatili ng mga product icon ang parehong kakapalan sa iba’t ibang sukat. Ang baseline na ginagamit ay 1.0 px kapag ang icon ay 60 px ang lapad at kapag mas maliit o mas malaki, dapat i-adjust ang kakapalan para tumugma ito sa kung papaano nakikita ang baseline.

Kapag ginagamit ang mga icon kasama ng ibang elemento sa layout, gaya ng sa web, dapat palagi itong nakahanay sa kaliwang-itaas na bahagi. Sa ilang pagkakataon, kapag sabay-sabay ipinapakita ang mga icon na walang kasamang ibang elemento, maaaring ilagay ang mga ito sa gitna ng isang komposisyon.

Kaliwang itaas
Gitna

Mga Asset

Mga asset para sa mga hero image, gradient, simbolo ng WLD currency, Orb, World App, World Chain at iba pa.