
Ano ang isang ‘Ethereum killer?’
Ang terminong "Ethereum killer" ay tumutukoy sa isang blockchain na direktang nakikipagkumpitensya sa Ethereum. Ang naglalabanang mga chain na ito ay mayroong maraming feature ng Ethereum pero kadalasang gumagamit ng iba't ibang teknolohiya, kung saan sinasabi nilang tinutugunan nila ang mga kahinaan ng Ethereum. Kadalasan, ang isang Ethereum killer ay may mas mabilis na transaction speed at mas mababang gas fees, isang aspeto kung saan nahihirapan ang Ethereum sa pagtaas ang demand nito noong huli ng bahagi ng 2021.
Ang lahat ng naglalabanang blockchain na ito ay gumagamit ng smart contract technology. Ang mga smart contract ay mga coded program na nagsasagawa ng mga preset function kapag natugunan ng mga ito ang ilang kundisyon. Dahil ang mga smart contract ay pinagagana ng code, binibigyang-daan nito ang mga trustless transaction sa DeFi (decentralized finance).
Tulad ng mga pangunahing kakumpitensya nito, nakatuon ang mga “Ethereum killer” sa paghikayat sa mga developer ng Web3 na gumawa ng dApps sa mga blockchain nila. Bukod sa DeFi dApps gaya ng decentralized exchanges (DEXs), marami pang ibang Web3 projects ang mga kakumpitensya ng Ethereum tulad ng mga NFT market at mga play-to-earn game.
Mga halimbawa ng mga kakumpitensya ng Ethereum
Nang dahil sa Ethereum, maraming developer ang naengganyong lumikha ng mga smart contract blockchain. Gayunpaman, iilan lamang sa mga ETH killer ang nangibabaw sa crypto market. Ilan sa pinakamalalaking mga "Ethereum Killer" batay sa market cap ay ang Solana, Cardano, Polkadot, Avalanche at Algorand. Ang lahat ng proyektong ito ay may mas mababang gas fees at kayang magsagawa ng mas maraming transaksyon kada segundo kaysa sa Ethereum. Gayunpaman, maaaring mas epektibo pa rin ang teknolohiya ng Ethereum pagdating sa seguridad o desentralisasyon. Maliban pa riyan, inilabas kamakailan lang ang mga teknolohiyang composable sa Ethereum, kung kaya't mas magiging epektibo ito sa kabuuan.
Ethereum laban sa mga kakumpitensya nito: Magtatagal pa kaya ang Ethereum?
Sa kabila ng pagdami ng mga Ethereum killer, hindi naniniwala ang karamihan sa mga crypto analyst na basta-basta "mamamatay" ang Ethereum. Bilang kauna-unahang smart contract blockchain sa buong mundo, malaki ang lamang ng Ethereum sa mga kakumpitensya nito. Karamihan sa mga crypto sa Web3 ay nakatuon pa rin sa mga protocol ng Ethereum, at mayroong malaking community ng mga developer at validator sa Ethereum blockchain.
Sa oras ng pagsulat na ito, ang Ethereum ay may kabuuang $31.5 biilyon na naka-lock sa mga DeFi protocol nito, at kumakatawan sa higit sa 50% ng total value locked (TVL) sa lahat ng DeFi application.
Bagama't mayroong matatag na community ang Ethereum, mayroon itong malalaking mga isyu pagdating sa scalability. Karamihan sa mga pamalit sa Ethereum ay umaakit ng mga user at developer sa pangakong mayroon itong mas mababang bayarin at mas mabilis na transaction speed. Kahit na nag-uprade na ang Ethereum kamakailan sa PoS, mas mabagal at mas mahal pa rin ang pangunahing blockchain ng Ethereum kaysa sa mga alternatibo nito.
Habang paparami nang parami ang mga chain tulad ng Polkadot ang nagpapakilala ng blockchain interoperability, hindi malinaw kung makalalamang pa rin ang Ethereum sa mga kakumpitensya nito. Para sa ilang crypto enthusiast, ang interoperability ang magiging hinaharap ng Web3. Ibig sabihin, maaaring magkaroon ng mas malaking bahagi ng TVL ang mga kakumpitensya ng Ethereum.
Kung mananatili bang nangungunang smart contract blockchain ang Ethereum ay nakasalalay sa tagumpay ng mga upgrade nito kamakailan.
Ethereum layer-2 scaling solutions
Maliban pa sa mga upgrade ng Ethereum pagkatapos ng Merge, mas pinamura at mas pinabilis na ng marami sa mga layer-2 blockchain ang pakikipagtransaksyon sa Ethereum. Hindi tulad ng mga ETH killer, ang pundasyon ng mga layer-2 blockchain na ito ay ang Ethereum at nakatuon sa pagpapadali ng paggamit ng pangunahing blockchain. Kabilang dito ang mga produkto tulad ng Polygon, Arbitrum at Optimism.
Sa paglago ng layer-2 scaling solutions, maaari pa ring maging kompetitibo ang Ethereum kahit pa naagaw na ng mga ETH killer ang ilang bahagi ng crypto market.
Pagwawakas
Hindi maikakaila ang pagdami ng mga kakumpitensya ng Ethereum, pero ang Ethereum pa rin ang nangungunang smart contract platform. Ang mga "ETH killer" ay maaaring may mas mabilis na transaction speed at mas mababang bayarin, pero ang bawat isa ay may kanya-kanyang mga lakas at kahinaan. Gayundin, habang nagpapatuloy ang Ethereum sa mga post-Merge update nito, maaaring mapawalang-bisa nito ang mga pangakong halaga ng mga kakumpitensya nito.
Mawalan man ang Ethereum ng market share sa pagpasok ng mas maraming kakumpitensya nito sa merkado, nangunguna pa rin ito sa larangan ng smart contract. Maliban pa rito, dahil sa paglago ng layer-2 scaling solutions, mas dumadali na para sa mga user na makipagtransaksyon sa Ethereum nang hindi gumagastos nang napakalaki.
Sa Worldcoin, pinapangarap naming magkaroon ng isang kinabukasan kung saan pwedeng magsama-sama ang lahat ng blockchain. Kapag nagkaroon pa pagtutulungan at komunikasyon sa pagitan ng mga blockchain, makatutulong ito sa pagsulong ng inobasyon sa larangan ng crypto. Para mas mapadali ang unang hakbang tungo rito, magbibigay kami ng bahagi ng crypto namin sa bawat indibidwal sa buong mundo nang libre. Mag-subscribe sa YouTube channel namin para alamin pa ang tungkol sa crypto ecosystem.