
Ano ang Ethereum?
Ang Ethereum ay isang desentralisadong blockchain na may open-source protocol. May sarili itong cryptocurrency, ang ether. Gayunpaman, hindi lamang natatapos sa cryptocurrency ang Ethereum network; inilalarawan nito ang sarili nito bilang "programmable money."
Ang platform ng Ethereum ay gumagamit ng mga smart contract, o mga kontratang awtomatikong nagiging aktibo kapag natugunan nito ang isang hanay ng kinakailangang mga kundisyon. Nagbibigay-daan ito sa mga user na makalikha ng mga application sa network nito, kabilang na ang malawak na hanay ng mga game, social network at serbisyong pinansyal.
Dahil likas itong desentralisado, ang blockchain ng Ethereum ay hindi kontrolado o nireregula ng isang sentral na pamunuan tulad ng isang bangko o gobyerno. Sa halip, nagbibigay ito sa mga user nito ng ganap na transparensiya, patunay ng pagmamay-ari, paglaban sa censorship at halos 24/7 na operasyon buong taon.
Bakit kailangan pang lumipat sa Ethereum 2.0?
Ang Ethereum 2.0, ang ETH2 o ang ETH 2.0 ay hindi ang unang pagbabago sa system ng Ethereum. Sa katunayan, dumaan na ang Ethereum sa limang iba't ibang bersyon. Gayunpaman, malaki ang pagbabago sa Ethereum 2.0 dahil ito ang pinakamalaking pagbabago ng Ethereum sa ngayon. Isa itong mas mabilis na crypto platform na mas episyente, mas eco-friendly at mas madaling mapalago.
Pagdating sa processing speed nito, kayang magsagawa ng Ethereum sa ngayon ng humigit-kumulang 30 transaksyon kada segundo. Pabibilisin ito nang husto ng Ethereum sa 100,000 transaksyon kada segundo, isang napakalaking pagbabago. Pero paano ito naging posible? Layunin ng Ethereum 2.0 na bigyang-daan ang mga pagbabagong ito sa pamamagitan ng dalawang upgrade: ang Proof-of-stake (PoS) at sharding.
Talakayin nating pareho ang mga ito para mas maintindihan natin nang husto kung ano ang mga ito at ang ginagampanan nitong mga papel.
Proof-of-work vs. proof-of-stake
Isa sa mga pangunahing pagbabago ng Ethereum 2.0 ay ang transisyon nito mula sa proof-of-work (PoW) consensus mechanism tungo sa PoS. Alamin pa natin ito nang mas detalyado.
Ano ang consensus mechanism?
Ang consensus mechanism ay isang algorithm na hindi pumapalya na ginagamit sa blockchain technology. Tinitiyak ng protokol na ito ang synchronization sa isang network at biniberipika nito kung lehitimo ang mga transaksyon sa cryptocurrency. Ang pangunahing gawain ng isang consensus mechanism ay tiyaking ang lahat ng transaksyon ay lehitimo sa lahat ng distributed node nito.
Halimbawa, ang consensus mechanism ng Bitcoin ay tinatawag na PoW kung saan ang mga miner nito ay gumagamit ng kumplikadong computational power para mag-mine at maberipika ang mga bagong block sa blockchain ng Bitcoin. Ang pagsisikap ng isang miner ay kilala bilang PoW, at tinitiyak nito kung lehitimo ang transaksyon.
Ano ang proof-of-work?
Minamandato ng PoW na kailangang beripikahin ng lahat ng kalahok sa isang blockchain ang mga transaksyon gamit ang mga node, o ang sarili nilang mga computer system. Ang mga exogenous miner ay makikipagkumpitensya para sila ang makapagdagdag ng bagong mga transaksyon sa blockchain para sa isang reward.
Ano ang proof-of-stake?
Gumagamit ang mga mayroong cryptocurrency ng PoS para maberipika ang mga transaksyon depende sa dami ng ETH na itinaya ng isang validator. Ginagamit ng blockchain ng Ethereum ang itinayang mga ETH na ito para maprotektahan ang mga transaksyon. Sa PoS protocol ng Ethereum, kailangang magkaroon ng mga validator ng hindi bababa sa 32 ETH para matiyak ang seguridad ng mga operasyon.
Sa pamamaraang ito, mababawasan ang pangangailangan para sa kumplikado at magastos na hardware dahil hindi na kailangan pang gumamit ng mga user ng mamahaling kagamitan para maberipika ang mga transaksyon. Tinitiyak din ng PoS ang mas mababang paggamit ng enerhiya, para mas maraming indibidwal ang pwedeng maging mga Ethereum validator.
Bakit mahalaga ang pagbabagong ito?
Ang PoW ay gumagamit ng malaking halaga ng enerhiya para mag-mine ng mga bagong block at magberipika ng mga crypto na transaksyon. Marami sa mga transaksyong ito ang ginamitan ng malaking halaga ng computational power na nasayang lang dahil sa pagkabigo sa pagproseso o kawalan ng kakayahang lutasin ang mga kumplikadong problemang kinakailangan para makapag-mine ng mga block.
Binabawasan ng PoS ang oras at gastusing kinakailangan sa mga ganitong gawain. Dahil dito, ang mga bayarin para sa transaksyon ng Ethereum ay bababa rin, kung kaya't magiging mas accessible at abot-kaya ang ether at iba pang crypto asset para sa karaniwang user. Bibigyang-insentibo ng Ethereum 2.0 ang mga mayroon at may nakatayang ETH kaysa sa mga miner.
Sa pamamagitan ng lahat ng ito, mas magkakaroon ng aksesibilidad para sa lahat. Kapag mas abot-kaya ang ETH, mas maraming mahihikayat na gumamit nito. Kapag tumaas ang bilang ng mga user, mas dadami ang bilang ng beripikadong mga transaksyon. Dahil dito, magkakaroon ng epektibong growth rate ang Ethereum 2.0 para makapagpalago.
Sharding
Ang sharding ay ang paghahati-hati ng isang blockchain sa mga consensus group na tinatawag na mga shard. Sa halip na i-overload ang isang blockchain, hinahati ng sharding ang computational power na kinakailangan para maiproseso at maberipika ang mga transaksyon, para maging pangmatagalan at episyente ang buong network.
Dahil dito, napaghahati-hati ang trabaho, at walang iisang node ang kailangang bumuhat ng lahat ng kinakailangang computing power nito para mapatakbo ang blockchain. Itinatago ng bawat node ang record sa sarili nitong shard. Ang mga Validator, ang mga indibidwal sa likod ng bawat node, ay patuloy na nagpapalipat-lipat sa pagitan ng mga shard para maiwasan ang pandaraya.
Sa sentro ng Ethereum, naroroon ang The Beacon Chain: Isang mekanismo na nag-oorganisa at mayroong database ng mga validator at nagkokoordina sa lahat ng shard. Lumilikha ang Beacon Chain ng mga bagong shard, biniberipika ang mga ito, at ginagantimpalaan ang mga validator ng ETH para mapanatiling ligtas ang mga shard.
Ethereum 2.0 roadmap
Mula nang itinatag ito noong 2015, sumikat ang Ethereum at naging pinakamalaking multi-use blockchain na hindi purong cryptocurrency. Puspusan na ang implementasyon nito, at ilalabas sa loob ng tatlong phase:
- Phase 0: Sa Phase 0, inilunsad ang the Beacon Chain bilang sentro ng network ng Ethereum 2.0. Inilunsad phase na ito noong Disyembre 2020 at ipinagtibay ang the Beacon Chain bilang isang coordination mechanism na nagpapadali sa sharding.
- Phase 1: Ang Phase 1 ay nakatakdang ilunsad sa ikatlong quarter ng 2022. Sa phase na ito, isasama ang the Beacon Chain sa Ethereum 1.0 (ETH1), kapag ang ETH1 ay naging shard ng ETH2 sa pamamagitan ng isang prosesong tinatawag na "docking." Ilulunsad din sa Phase 1 ang 64 shard at isasama ang mga ito sa Ethereum mainnet. Ang proseso ng docking ay isang mahalagang aspeto ng pagsasama-sama at maaaring ituring bilang Phase 1.5.
- Phase 2: Ang lahat ng 64 shard ay ganap nang gagana at magkakaroon ng smart contract compatibility sa Phase 2. Bukod pa rito, ang Ethereum 2.0 ay magbibigay-daan sa decentralized application (dApp) integration, mga transaksyon at cross-shard interoperability.
Mga Hindi Pagkakaunawaan
Marami na ang nagdedebatehan tungkol sa Ethereum 2.0 bago ang inaasahang paglulunsad nito, kaya't dumami na rin ang mga hindi pagkakaunawaan tungkol dito, gaya ng:
Isa bang bagong cryptocurrency ang Ethereum 2.0?
Sa katunayan, ang Ethereum ay hindi isang cryptocurrency. Ito ang blockchain na naglalaman ng ether na siya namang cryptocurrency ng Ethereum.
Hindi babaguhin ng Ethereum 2.0 ang anumang aspeto ng ether, pero magpapakilala ito ng mga pagbabago sa blockchain functionality ng Ethereum. Walang magiging pagbabago sa lahat ng transaksyon sa ETH hanggang ngayon kapag inilunsad na ang Ethereum 2.0.
Awtomatikong bababa ang gas fees kapag ipinatupad na ang mga pagbabago
Ang kasalukuyang limitasyon ng Ethereum ay ang processing power nito. Naaalala mo pa ba kung paano pinabilis ng ETH 2.0 ang processing speed nito mula 30 transaksyon kada segundo tungong 100,000? Sa kabila ng malawakang pagbabagong ito, ang gas fees na binabayaran ng mga user para makumpleto ang mga transaksyon ay hindi magkakaroon ng malaking pagbabago mula lamang sa pagbabagong ito. Malaki ang tsansang pagkatapos ng the merge, mas maraming gagamit ng scaling solutions, kaya't inaasahang pabababain nito ang gas fees.
Kailangan mong i-update ang mga app mo para maging compatible ang mga ito sa ETH 2.0
Walang dapat ipag-alala ang mga karaniwang user ng Ethereum tungkol dito. Ang dApps, DeFi (decentralized finance), NFTs (non-fungible tokens) at iba pang application ay hindi makararanas ng mga pagbabago at patuloy na gagana gaya nang dati.
Aayusin nito ang lahat ng isyu sa scalability
Binaggit ni Vitalik na kakailanganin pa rin ang mga scaling solution tulad ng L2s kahit matapos na ang pag-upgrade na ito. Hindi pa matatapos bilang isang produkto ang Ethereum, at palagi itong magkakaroon ng puwang para sa iteration.
Mga Pagkaantala
Nakatakdang ilunsad ang Ethereum 2.0 sa taong 2023, na dapat ay noon pang 2019. Sinabi ni Tim Beiko, ang lead developer ng Ethereum, na ang mga bug at mga kumplikadong code ang naging mga dahilan ng matagal na pagkaantala. Malaki rin ang posibilidad na ang desentralisadong paraan ng development ay isa ring dahilan ng mga pagkaantala. Gayunpaman, ang mga pagkaantalang ito ay maaaring makasama sa katayuan ng Ethereum sa merkado ng crypto, at dahil dito, nagkaroon ng mga haka-haka at espekulasyon tungkol sa paglulunsad ng susunod na bersyon nito. Gayunpaman, bilang pinakasikat na pangkalahatang blockchain sa buong mundo, inaabangan na ang paglulunsad ng Ethereum 2.0 ng mga crypto at tech community.
Ano ang kinabukasan ng crypto?
Lumalago ang larangan ng cryptocurrency. Dahil sa pagkaantala sa paglulunsad ng Ethereum 2.0, maaari mo ring ikonsidera ang iba pang cryptocurrency. Ang Worldcoin ay isang bagong kumpanya na layuning mabigyan ng libreng bahagi ng cryptocurrency ang bawat tao sa mundo, habang ganap nitong pinoprotektahan ang pribasiya ng mga user nito.
Sa Worldcoin, naniniwala kami sa kapangyarihan ng crypto, pero naiintindihan namin ang pangangailangan ng mga user namin na maging pribado at hindi makikilala. Para sa karagdagang impormasyon, mag-subscribe sa blog namin at sumali sa patuloy na lumalawak na crypto community kasama ang Worldcoin!