Ano Ang Mga Stablecoin at Paano Gumagana Ang Mga Ito?

Nobyembre 7, 2025 9 Minutong Pagbabasa

Ano ang stablecoin?

Ang stablecoin ay isang uri ng cryptocurrency kung saan ang halaga nito ay nakadepende sa ibang mas "stable" na asset tulad ng U.S. dollar, euro o ginto.

Sa kabilang banda, ang karamihan sa pinakamalalaking mga cryptocurrency ayon sa market-cap ay pabago-bago ang halaga. Marami ang nagsasabing mahirap gamitin ang mga asset na ito bilang paraan ng pagbabayad dahil pabago-bago ang halaga ng mga ito. Halimbawa, ang halaga ng isang Bitcoin sa isang pagkakataon ay makabibili lamang ng isang candy bar noong 2010, pero ang nasabing Bitcoin ay maaaring kapresyo na ngayon ng isang kotse. May iba namang cryptocurrency kung saan ang halaga ng pagbaba nito ay siya namang katumbas ng pagtaas ng halaga ng Bitcoin. Mahirap ang pagbabago-bago ng halaga nito dahil bilang isang mamimili, gusto mong magkaroon ng stability sa asset na gagamitin mo kahit papaano.

Sa pamamagitan ng mga stablecoin, magkakaroon ka ng alternatibong opsyon kung saan binabawasan nito ang pagbabago-bago ng halaga ng mga ito, kung kaya't mas mainam ito sa pang-araw-araw na paggamit. Ang mga borderless payment, mababang transaction fee, opsyon para sa self-custody, at ang kombinasyon ng tradisyonal na fiat currency at digital asset flexibility ay ang mga dahilan kung bakit nakaeengganyong gamitin ang mga stablecoin para sa milyon-milyon. Para maintindihan kung bakit, kailangan muna nating malaman kung paano gumagana ang mga stablecoin.

Ang Bitcoin ba ay stablecoin?

Ang Bitcoin (BTC) ay hindi isang stablecoin. Ang layunin ng mga stablecoin ay ang magkaroon ng stable na halaga sa pamamagitan ng mga fiat currency o iba pang asset tulad ng ginto. Sa kabilang banda, ang halaga ng Bitcoin ay pabago-bago. Para alamin pa ang tungkol sa Bitcoin, pindutin ito.

Ano'ng magagawa namin sa mga stablecoin?

Mukhang mas magandang gamiting asset ang mga stablecoin base sa paglalarawan dito, pero ano'ng magagawa natin sa mga ito? Talaga bang praktikal ang mga ito para gamitin sa totoong buhay? Ang sagot ay oo. Narito ang ilang paraan kung paano natin magagamit ang mga stablecoin:

  • Mapanatili ang halaga ng asset: Hindi tulad ng tradisyonal na mga cryptocurrency na pabago-bago ang halaga, karaniwang kasing-halaga ng stablecoin ang asset kung saan ito nakatali. Dahil dito, mapapanatili ng mga mayroong stablecoin ang halaga ng asset na mayroon sila.
  • Makipagpalitan ng mga asset: Kapag nakikipagpalitan ang mga user ng mga cryptocurrency, pwedeng nilang gamitin ang mga stablecoin bilang mga trading pair, para makatulong na mapanatili ang halaga ng mga ito at madali mo itong maikukumpara sa halaga ng cryptocurrency.
  • Kumita ng interes: Kapag nagpautang ang mga user ng mga stablecoin, pwede silang kumita ng interes. Tandaan na madalas malaki ang nakataya sa mga staking service na ito ay at hindi pinapayagan sa ilang bansa. Tiyaking alam mo kung ano ang nakataya rito bago gamitin ang mga nasabing produkto.
  • Magpadala ng pera sa mababang halaga: Hindi kailangang magbayad ang mga user ng malaking transfer fee para magpadala ng pera sa ibang bansa. Sa mga stablecoin na tumatakbo sa mga low-fee chain, maaaring mas mababa lang sa ilang sentimo ay kailangan mong gastusin para sa transaksyon. Bukod pa rito, hindi kailangan ng mga stablecoin na magkaroon ka ng bank account para makapagpadala ng pera sa buong mundo.
  • Magpadala ng pera sa ibang bansa: Dahil sa mababang transaction fee at mabilis na pagproseso nito, hindi mo na kailangan pang maghintay para magpadala o tumanggap ng pera mula sa ibang bansa. Sa pamamagitan ng mga stablecoin, mabilis at abot-kaya mo nang maipapadala ang pera mo sa buong mundo nang walang kahirap-hirap. Kapag nagpadala ka ng $200 sa ibang bansa gamit ang stablecoin, maaaring mas mababa pa ang gagastusin mo sa $0.10, kumpara sa karaniwang singil sa buong mundo na $12 sa pamamagitan ng tradisyonal na mga pamamaraan.

Paano nakatutulong ang mga stablecoin bilang proteksyon laban sa implasyon?

Maraming tradisyonal na fiat currency ang madaling maapektuhan ng implasyon, lalo na sa mga ekonomiyang may mataas na interest rate. Sa kabilang banda, ang mga currency tulad ng US dollar o euro ay mas naging matatag laban sa implasyon sa nakaraang 20 taon. Ang mga stablecoin tulad ng Tether at USDC ay nakatali sa halaga ng US dollar. Ibig sabihin, mas kaunti lamang ang tsansang maapektuhan ang mga ito ng implasyon kaysa sa lokal na pera. Pwedeng ipapalit ng mga indibidwal ang pera nila para sa stablecoin at ang halaga nito ay nakasalalay sa implasyon ng US dollar, nang sa gayon ay mapanatili nila ang mas malaking halaga ng pera nila.

Dahil dito, ang mga stablecoin ay nagbibigay-daan sa mga user na maging kapareho ang halaga ng pera nila sa mga may hawak ng US Dollar, saanman sila naroroon. Kapag may internet access ka, magagamit mo ang mga stablecoin para makipagtransaksyon araw-araw.

Ano ang mga uri ng stablecoin?

May iba’t ibang uri ng mga stablecoin. Ang bawat isa ay gumagamit ng isang mekanismo para mapanatili ang halaga ng mga ito.

Layunin ng mga stablecoin na sinusuportahan ng fiat na mapanatili ang reserve ratio na 1:1 sa mga pera kung saan ito nakatali. Halimbawa, ang Tether ay nakatali sa halaga ng US dollar na may 1:1 ratio. Ibig sabihin, ang isang unit of tether ay dapat matumbasan ng isang unit of US dollar, at ang total market cap ng tether ay dapat matumbasan nang 1:1 sa mga asset.

Ang central bank digital currency (CBDC) ay isang electronic version ng fiat currency. Ang pangunahing kaibahan ng mga cryptocurrency sa mga CBDC ay suportado ng gobyerno ang mga CDBC at inilalabas ng bangko sentral ng isang bansa. Ang mga CBDC ay nakatali sa halaga ng central currency ng gobyernong naglabas nito.

Tingnan natin ang iba't ibang uri ng mga stablecoin para maintindihan natin kung paano sinusuportahan ang mga ito:

  • Mga fiat-collateralized stablecoin – Ang mga fiat-collateralized stablecoin ay nagpapanatili ng reserba ng isang fiat currency tulad ng US dollar bilang kolateral para matiyak na ang halaga ng stablecoin ay mananatiling stable.
  • Mga commodity-backed stablecoin – Ang mga commodity-backed stablecoin ay gumagamit ng kolateral tulad ng mahahalagang mga metal tulad ng ginto at pilak o mga kalakal tulad ng krudo.
  • Mga crypto-collateralized stablecoin – Ang mga crypto-collateralized stablecoin ay nakatali sa iba pang cryptocurrency tulad ng Bitcoin o Ether. Ang halaga ng mga reserve cryptocurrency ay maaaring magpabago-bago, kaya't kailangang mahigitan ng mga reserba ng mga ito ang market cap ng stablecoin, para mas maging malaki ang kolateral nito. Ito ay para matiyak na maayos itong magagamit nang pangmatagalan.
  • Algorithmic stablecoin – Ang mga algorithmic stablecoin ay gumagamit ng mga algorithm at economic design para hindi maging pabago-pabago ang halaga nito sa merkado. Hindi pa napatutunayang epektibo ang mga stablecoin na ito at may pinakamalaking panganib sa ngayon, at marami na ang nakasaksi ng pagbagsak ng halaga ng mga ito sa zero, kung kaya't bilyon-bilyong halaga na ng dolyar ang nasayang dahil dito.

Ano ang pinakasikat na mga stablecoin?

Ngayong naiintindihan na natin ang iba't ibang uri ng stablecoin at kung paano gumagana ang mga ito, panahon na para tingnan ang pinakasikat na mga stablecoin na nasa merkado ngayon.

Tether (USDT)

Sa market capitalization nitong humigit-kumulang $65 bilyon, ang Tether ang pinakasikat na fiat-backed stablecoin sa buong mundo. Ito rin ang kauna-unahang stablecoin sa crypto market at may pinakamaraming transaksyon sa buong mundo, kung kaya't ito ang pinakamadaling maibentang stablecoin. May mga akusasyong ang USDT ay hindi tinutumbasan nang 1:1 tulad ng sinasabi nila, pero hindi pa ito napapatunayan.

USD Coin (USDC)

Tulad ng pangalan nito, ang USD Coin ay nakatali sa halaga ng US dollar. Isa itong fiat-collateralized stablecoin. Ibig sabihin, maaari kang bumili ng isang USDC kapalit ng $1 o magpapalit ng isang USDC para sa $1 kahit kailan. Sa oras ng pagsulat na ito, mayroong kabuuang 55.8 bilyon USD Coin ang nasa sirkulasyon sa buong mundo.

Binance USD (BUSD)

Ang ikatlong pinakamalaking stablecoin ayon sa market cap na nagkakahalaga ng $17.5 bilyon. Ang Binance USD ay isang fiat-backed stablecoin na proyektong sinimulan ng crypto exchange platform na Binance sa pakikipagtulungan ng Paxos. Ang BUSD ay mayroong 1:1 ratio sa US dollar.

Dai (DAI)

Inilunsad ng MakerDAO ang Dai sa Ethereum blockchain noong 2017. Ang Dai, isang cryptocurrency-backed stablecoin, ay gumagamit ng ether (ang cryptocurrency sa platform ng Ethereum) bilang backing nito, habang ang halaga naman nito ay nakatali sa US dollar. Hindi tulad ng ibang stablecoin, ang DAI ay desentralisado at gumagamit ng mga smart contract at insentibo bilang mekanismo para mapanatili ang halaga kung saan ito nakatali.

TrueUSD (TUSD)

Ang TUSD ng TrustToken ay isang fiat-collateralized stablecoin sa Ethereum blockchain. Ang bawat TUSD token ay kasalukuyang mayroong 1:1 ratio sa US dollar. Pwedeng mag-mint (o lumikha ng bagong token) ang mga user at mag-redeem ng mga TUSD token sa website ng TrustToken.

Ano ang mga panganib sa paggamit ng mga stablecoin?

Kapag gumamit ka ng mga stablecoin, napagsasama nito ang mga benepisyo ng tradisyonal na mga pera at ng mga cryptocurrency. Gayunpaman, may dala pa ring mga panganib ang paggamit ng mga ito.

  • Depegging: Layunin ng mga stablecoin mapanatili ang halaga nitong nakatali sa isang fiat currency. Ang mga depegged stablecoin ay tumutukoy sa mga stablecoin na bumaba ang halaga kaysa sa inaasahan. Ang Luna ang pinakamalaking halimbawa nito, nang na-depeg ito at nawalan ng bilyon-bilyong halaga ang mga namuhunan dito.
  • Mga panganib na may kaugnayan sa mga regulasyon: Sa kabila ng pagkakatali ng mga stablecoin sa mga fiat currency, mayroon pa ring itong mga panganib na may kaugnayan sa mga regulasyon. Halimbawa, ang Meta, ang parent company ng Facebook, ay nakatakda sanang ilunsad ang sarili nitong stablecoin na tinatawag na Diem noong 2020. Gayunpaman, kinansela ng kumpanya ang paglulunsad nito dahil sa mga pag-aalala at pagtutol ng mga regulator ng pinansya.
  • ‍Kakulangan sa transparensiya: Sa ideal na kalagayan, ang mga reserba ng pera ang susuporta sa mga stablecoin sa pamamagitan ng pera o iba pang secured asset. Gayunpaman, kung walang anumang pangangasiwa rito, mahirap malaman kung ang mga stablecoin ay nakakukuha ng sapat na suporta tulad ng sinasabi nila. Kapag nagkaroon ng kakulangan ng suporta sa mga ito, maaari itong humantong sa seryosong sitwasyon tulad ng pagbagsak ng TerraUSD na siya namang makaaapekto sa buong merkado ng crypto.
  • Implasyon ng mga nakataling asset: Bagama't layunin ng mga stablecoin na maprotektahan ka mula sa implasyon, nakararanas pa rin ang mga ito nito sa rate ng nakataling mga asset sa mga ito. Halimbawa, kung ang rate ng implasyon ng US dollar ay higit sa 9%, tataas ang presyo ng asset. Ibig sabihin, ang mabibili ng isang tao noon sa halagang $100 ay nagkakahalaga na ngayon ng $109. Ang ipinanukalang solusyon dito ay ang mga flatcoin, kung saan ang halaga ng mga ito ay susuportahan ng mga karaniwang bilihin, kaya't hindi magkakaroon ng implasyon ang mga ito. Bagama't hindi pa inilalabas ang mga flatcoin, balang araw ay maaari itong maging pinakamalaking paraan ng palitan sa buong mundo.

Handa ka na bang bumili nito?

Ang pagbili ng mga stablecoin ay ang daan tungo sa karamihan ng mga merkado. Sa halip na makitang magpabago-bago ang halaga ng mga cryptocurrency base sa fiat currency nito habang nagdedesisyon ka tungkol sa susunod na pakikipagpalitan mo, sa pamamagitan ng mga stablecoin, matitiyak mong ang bibilhin mo ngayon ay halos kapareho lang ang magiging halaga sa hinaharap. Bagama't isa itong magandang proteksyon laban sa pagbabago-bago ng halaga, ang pagtaas ng halaga nito ay nililimitahan ng asset na nakatali rito. Maaaring maprotektahan ang mga user nito mula sa matinding pagbaba ng halaga, pero wala rin silang maaasahan masyado pagdating sa paglaki ng kikitain nila mula sa mga ito.

‍Layunin ng‍ Worldcoin, isang bagong cryptocurrency na hindi isang stablecoin, ang magbigay sa bawat tao sa buong mundo ng libreng bahagi nito nang hindi isinasakripisyo ang pribasiya nila. Sa Worldcoin, layunin naming iangat ang mga indibidwal at magkaroon pantay na oportunidad sa buong mundo. Mag-subscribe sa blog namin para sa karagdagang balita at impormasyon tungkol sa mundo ng cryptocurrency!