Maging isang Partner Operator
Tumulong na matiyak na ang bawat tao ay makikinabang mula sa panahon ng AI.
Tinutulungan ng mga Partner Operator na dalhin ang beripikasyon gamit ang Orb sa kani-kanilang mga komunidad.
Naghahanap ang World ng mga organisasyong may malawak na network ng mga pisikal na lokasyon para mag-host ng mga self-serve Orb nang personal.
Bakit ka dapat maging isang Partner Operator?
Kumita
Makatanggap ng mga reward para sa bawat bukod-tanging taong magpapaberipika sa tindahan mo.
Trabahong Makabuluhan
Suportahan ang paglago ng ang network ng tunay na mga tao, para matiyak na ang bawat tao ay makikinabang sa panahon ng AI.
Palaguin Ang Customer Base Mo
Bigyang-daan ang mga user na magamit ang Worldcoin nila sa mga produkto at serbisyo mo sa pamamagitan ng simpleng payment integration.
Magkaroon ng Proteksyon ng World ID
Makakatanggap ng support para ma-integrate ang World ID sa organisasyon mo at mabawasan ang panganib ng mga deepfake at bot.
Self-serve na beripikasyon gamit ang Orb

Pagkatapos i-download ang World App, kailangang pumunta ng mga user sa isang Orb para makuha ang patunay ng pagkatao nila. Sa loob ng 30 segundo, kukunan ng Orb ng larawan ang mukha at mga mata ng user para makumpirma kung isa silang bukod-tanging tao. Kapag natapos na ito, matatanggap ng mga user ang kani-kanilang mga beripikadong World ID at sila pa rin ang may buong kontrol sa datos nila.
- Malawak na network ng mga tindahang dinaragsa ng mga customer
- Matagal nang kilala at pinagkakatiwalaan
- Napatunayang karanasan sa pagpapalawak ng operasyon
- May-ari o konektado sa mga lokal na negosyo
- Nagbibigay ng natatanging serbisyo sa mga customer
- Pagtataguyod ng misyon ng World

Espasyo
Maglaan ng 1 metro kwadrado ng nakikitang at madaling mapuntahang espasyo para sa paglalagay ng Orb.
Maaasahang Operasyon
Panatilihing maayos ang pangunahing imprastraktura (kuryente at internet) at pare-pareho ang takdang oras ng operasyon.
Magaang Pagbabantay
Ang Orb ay ganap na self-serve. Tiyaking ito ay nananatiling protektado at gumagana sa oras ng operasyon mo.
Komunikasyon
Makipag-ugnayan sa mga nauugnay na mga World partner para sa minsanang pag-check in o support.
Bumuo ng isang estratehikong plano para ilunsad ang mga operasyon mo sa rehiyon mo, kabilang ang mga posibleng pakikipag-ugnayan sa mga kilalang lokal na brand para maitaguyod ang pagtitiwala mula sa umpisa pa lang.
Tukuyin at i-set up ang mga lugar para sa paglalagay ng Orb, mas mainam kung nasa loob ang mga ito ng mga tindahan o branch mo.
Magbigay ng pagtataya sa demand para sa Orb sa nauugnay na mga World partner, gabayan ang alokasyon at tiyaking epektibo ang distribusyon sa site network mo.
Panatilihing maayos ang mga operasyon mo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga balangkas kung saan iniisa-isa ng ang mga mahahalagang bagay na kinakailangan para sa presentasyon, seguridad at responsableng paggamit ng Orb.
Narito para tulungan kang magtagumpay
Ang TFH ay isang pandaigdigang organisasyon ng teknolohiya na itinatag nina Alex Blania at Sam Altman. Ang mga team nito ay tumutulong sa mga operasyon at pagpapalago ng World at handang sumuporta sa mga Partner Operator tungo sa tagumpay.
Sinasanay ng TFH ang mga Partner Operator sa pamamagitan ng mga komprehensibong materyales para sa training para matiyak na handa ang mga team nilang maglunsad at palaguin ang mga operasyon nang maayos.
Nagsasagawa ang TFH ng mga pambansang kampanya para mas makilala ito at tangkilikin ang World.
Gumagawa at nagsu-supply ang TFH ng Orb batay sa pagtataya ng mga Partner Operator at tinutupad ang mga order depende sa kung magiging kapaki-pakinabang ito sa negosyo.
Nagsasaayos ng Orb ang TFH para matulungan ang mga Partner Operator na makapagpokus sa mga operasyon nila.
Binibigyan ang mga Partner Operator ng real-time na datos tungkol sa mga operasyon nila gamit ang mga API para makatulong sa pamamahala nang malawakan.
Ang mga Partner Operator ang mananagot sa sarili nilang lokal na operasyon. Ang TFH at World Foundation naman ang responsable para sa teknolohiya ng World, kabilang ang Orb hardware at mga World ID system.
Thailand Case Study
Hakbang 1
Isumite ang interes
Punan ang maigsing intake form para ibahagi ang karanasan at dahilan mo.
Hakbang 2
Makipagkita sa team
Susuriin ng team ang isinumite mo at makikipag-ugnayan sa'yo para mag-iskedyul ng meeting.
Hakbang 3
Pag-oonboard at training
Kung mapipili ka, sasanayin ang team mo kung paano mag-set up ng mga Orb at mag-onboard ng mga user, pati na rin ang mga patakaran sa seguridad at pagre-report ng datos.
Hakbang 4
Maglunsad at simulan ang operasyon
Simulan ang pagbeberipika ng mga tao sa komunidad mo nang may tuloy-tuloy na suporta mula sa operations team ng TFH.
I-follow kami sa social media






