Request for proposals (RFPs)

Bukas para sa mga aplikasyon

Habang patuloy na lumalawak ang ecosystem ng World, sinusuportahan namin ang lumalaki naming community sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga grant at bukas na panawagan para sa mga aplikasyon na tumutugon sa mga larangang pinagtutuunan namin nang pansin para patuloy itong lumago.

01. World ID Protocol Level

Research & Development

Bukas para sa mga aplikasyon

Merkle proof private information retrieval (PIR):

Kailangang mag-query ang mga client ng Merkle inclusion proof para makabuo ng World ID proof. Kapag naipag-uugnay ang magkakaibang metadata, maaaring malantad ang pagkakakilanlan ng user.

Mobile prover performance:

Ang mga World ID wallet ay inklusibo at pwedeng gamitin sa mga low-end device. Ibig sabihin, maaari mong i-improve ang performance ng kasalukuyang library, benchmarking o pagpapatupad ng mga alternatibong proof system.

Mga nullifier para sa mga smart contract wallet:

“Social recovery” para sa mga nullifier.

Pananaliksik sa epekto ng Patunay ng Pagkatao:

Mga pagsusuri sa epekto ng Patunay ng Pagkatao sa lipunan at mga rekomendasyon para mapabuti ang kaligtasan at pribasiya ng user.

Sarado na para sa mga Aplikasyon

Iris Code zero-knowledge machine learning (zkML):

Pagkalkula ng mga iris code mula sa mga larawan gamit ang ZK proof. Binibigyang-daan nito ang mga self-custody upgrade ng mga iris code.

Face authentication zero-knowledge machine learning (zkML):

Ang pagkalkula ng face embedding at paghahambing nito sa embedding mula sa Orb ay makatutulong na mabawasan ang mga trust assumption o ang labis na pagtitiwala ng client para gumana ito nang maayos.

MPC uniqueness check:

Ang pagsusuri ng pagkabukod-tangi ng iba't ibang partido ay nagbibigay-daan para mas maging desentralisado ito at pribado para sa user.

IrisHash:

Pagsasapribado ng mga iris code o (face) embedding.

Sabay-sabay na beripikasyon ng mga patunay ng World ID:

Pagsasama-sama ng mga indibidwal na patunay para mapababa ang gastos para sa beripikasyon on-chain.

Paggana nang Maayos ng App kahit may Isyu

Sarado na para sa mga Aplikasyon

Pagho-host ng mga Indexer (hal. Tree Availability Service):

Mga alternatibo sa read replica.

Mga Bridge papunta sa mga EVM chain:

Naka-deploy ang World ID sa Ethereum Mainnet at naka-bridge papuntang Optimism. Pinadadali ng kasalukuyang state bridge relayer ang support para sa ibang EVM chain. Pwede itong maging pagho-host ng state bridge relayer o pagde-deploy ng mga kontrata sa beripikasyon sa ibang chain.

Mga Bridge papunta sa mga non-EVM chain.

Dapat ding magkaroon ng support para sa mga non-EVM chain (hal. Starknet). Pwede itong maging pagbibigay ng support para sa relayer o sa verification contract on-chain, o kaya nama'y implementasyon ng kakaibang mga pamamaraan.

Mga explorer at visualization

Sarado na para sa mga Aplikasyon

Merkle tree explorer.

Gumagana na ang World ID bilang isang semi-zkRollup. Mas mapagaganda pa ito kapag naglagay tayo ng block explorer at ibang introspection / visualization tool ng network.

Pangkalahatang-ideya / analytics tungkol sa Orb.

Mas maganda kung sapat na ito para sa mga ordinaryong tao na makatulong sa pag-aanalisa ng pandaraya.

Mga data dashboard / visualization / analytics ng Worldcoin.

02. Hardware

Orb development

Bukas para sa mga Aplikasyon

Pag-detect sa spoof o panggagaya:

Makatutulong ang patuloy na pagpapabuti ng mga algorithm para sa pag-detect ng spoof para mapaigting pa ang seguridad.

Orb firmware verifiability:

Paglalagay ng kakayahang maberipika ang pinagmulan ng Orb sa pamamagitan ng user agent.

Sarado na para sa mga Aplikasyon

Firmware:

Tulad ng mga makabagong consumer electronic device, ang tuloy-tuloy na pag-update ay makakapagpabuti sa seguridad, functionality at stability. Ilan sa mga kongkretong halimbawa ay ang mga sumusunod:

Hardware Development:

Bagama't binibigyang-daan ng kasalukuyang bersyon ng Orb ang pagpapalawak ng network, mapabubuti ng susunod na mga bersyon ang disenyo, seguridad ng hardware at mapabababa ang gastusin.

  • Industrial Design: Pagdidisenyo ng susunod na mga bersyon ng Orb
  • Seguridad ng hardware: Pagpapabuti pa ng mga mekanismo laban sa tampering o pangingialam.
Alternatibong Orb (hw + sw):

Tuklasin ang mga alternatibo at makabagong disenyo ng Orb na magpapaganda sa mga device na ginagamit ngayon.

Signed camera:

Open camera module para sa paglikha ng mga larawan at stream na pinirmahan gamit ang cryptography na magagamit sa susunod na henerasyon ng mga Orb para gawin pang mas desentralisado ang supply chain.

Desentralisasyon ng supply ng Orb

Sarado na para sa mga Aplikasyon

Pabrika at Produksyon ng mga Orb:

Suporta para sa bago at kasalukuyang mga pabrika para makagawa ng mga Orb, mula sa pagtulong sa paunang gastos para sa produksyon hanggang sa pagpapalawak para matugunan ang tumataas na demand para sa mga ito.

Distribusyon:

Suporta para sa mga distributor ng Orb para magtuloy-tuloy ang supply network ng Orb.

Pagsusuri sa Seguridad

Sarado na para sa mga Aplikasyon

Para patuloy na mapaigting ang seguridad sa beripikasyon ng mga World ID, ang kaugnay na imprastraktura (Orb hardware, Orb firmware, anti-spoofing algorithm, app, operator app) ay dapat na tuloy-tuloy na inaawdit.

03. User Agent

Imprastraktura

Bukas para sa mga Aplikasyon

Safe recovery infrastructure:

On at off-chain na mga solusyon sa pag-recover ng mga Safe smart contract wallet.

Sarado na para sa mga Aplikasyon

TxSitter:

Iba't ibang implementasyon o kontribusyon sa kasalukuyang bersyon.

TxBundler:

Iba't ibang implementasyon o kontribusyon sa kasalukuyang bersyon. Maaari rin itong patakbuhin bilang alternatibong node sa konteksto ng ERC4337 bundler.

Network Traffic Anonymizer:

Ang lahat ng komunikasyon sa pagitan ng User Agent at iba pang serbisyo ay dapat dumaan sa network level anonymization para mabawasan ang panganib ng metadata leakage.

Mobile Client

Sarado na para sa mga Aplikasyon

Mga alternatibong wallet:

Pagpapatupad ng isang hiwalay na World ID wallet gamit ang Wallet Kit. Pwede rito ang pagkuha ng mga WLD Grant.

Safe recovery infrastructure:

On at off-chain na mga solusyon sa pag-recover ng mga Safe smart contract wallet.

Wallet Kit:

Mga Kontribusyon sa Wallet Kit.

04. Mga World ID Application

Pagboto

Kung walang patunay-ng-pagkatao, ang pangunahing desentralisadong paraan ng pagboto ay token-based o reputation-based. Ang bawat isa sa mga ito ay nagbubukas ng oportunidad para mamanipula ng mga masasamang-loob ang sistema at makakuha ng mas malaking impluwensiya kaysa sa nararapat. Nagbibigay-daan ang PoP sa one-person-one-vote at quadratic voting (at iba pa).

Bukas para sa mga Aplikasyon

Quadratic voting:

Dito, ang kailangan mong gawin ay isang World ID na bersyon ng quadratic voting. Ang pinakasimple ay ang sqrt(token_balance), pero mas maganda rin kung pag-aaralan mo ang iba't ibang cost function at voting-specific na balanse (na mas malapit sa orihinal na papel).

Sarado na para sa mga Aplikasyon

Botohang pribado, hindi kailangan ng labis na pagtitiwala sa ibang institusyon at hindi madaling dayain.

Napakahirap bumuo ng perpektong modelo ng pagboto na hindi madaling tablan ng mga bagay tulad ng panunuhol. Ang MACI ay may malaking ambag dito. Paano ito ini-integrate sa World ID? Tandaan: minsan ang sagot ay napakasimple lang.

Imprastraktura ng pagboto na hindi kailangan ng labis na pagtitiwala sa ibang institusyon at madaling palaguin.

Dapat mababa lang halaga para makasali sa botohan para mas marami ang sumali rito. Dahil dito, kadalasan itong ginagawa off-chain (hal., Snapshot). Dapat pwede rin itong gawin bilang isang L3 gamit ang ZKP para sa integridad nito.

Social media na hindi tinatablan ng bot:

Bukas para sa mga Aplikasyon

Tumulong baguhin ang konsepto ng social media gamit ang patunay-ng-pagkatao sa pamamagitan ng pagbuo ng mga makabagong reputation system, pagtugon sa mga spam account at scammer, at paggamit ng game theory at cryptography para sa authentication ng mensahe at pagtataguyod sa pribasiya.

Mga digital na alternatibo sa mga advertisement:

Sarado na para sa mga Aplikasyon:

Sa kasalukuyan, online marketing lamang ang madalas na ginagamit para sa promosyon. Sa personal, madalas ring ginagamit ang pamimigay ng coupon at libreng sample. Hindi ito gumagana online dahil madali itong maabuso ng mga sybil. Gamitin ang patunay-ng-pagkatao para lutasin ito.

Universal Basic Income:

Isa sa pangunahing dahilan kung bakit natin gustong magkaroon ng patunay-ng-pagkatao ay para makagawa ng teknikal na imprastraktura para paganahin ang universal basic income. Ang epektibong universal basic income ay nangangailangan ng maayos na system design sa ekonomiks, politika, pilosopiya at sosyolohiya. Hindi malinaw ang hangarin, kaya't kailangan natin itong pag-aralan pa para magkaroon tayo ng mas malinaw na layunin.

Bukas para sa mga Aplikasyon:

Pilosopikal at Etikal na Mga Pagsasaalang-alang:

Mga proposal na tumutugon sa mga etikal na isyung nauugnay sa universal basic income at mga implikasyon ng mga sistemang pang-ekonomiyang ginagamitan ng AI.

Mga Experimental Framework:

Magdisenyo ng mga experimental framework para suriin ang panlipunan at ekonomikong epekto ng universal basic income, gamit ang mga sukatan tulad ng pagbabawas ng kahirapan, aktibidad sa ekonomiya at mabuting kalagayan ng lipunan.

Mga Lokal na Pilot Program:

Mag-propose ng mga pilot program sa iba't ibang rehiyon para i-test ang pagpapatupad ng universal basic income gamit ang Worldcoin na nakatuon sa epekto nito sa ekonomiya ng nasabing lugar at pagtanggap ng komunidad.

Pamamahala:

Sa World ID, may kakayahan tayong higitan ang simpleng coin voting at magbigay ng oportunidad para sa makabagong mga sistema ng pamamahala. Sa pamamagitan ng masusing pag-aaral, magkakaroon tayo ng mas maraming kaalaman tungkol sa iba't ibang aspeto ng pagpopondo ng mga pampublikong proyekto para sa mga komunidad, desentralisadong pagbuo at pagpapanatili ng protocol, mas pinahusay na mga pamamaraan ng pangangalaga ng pribasiya at mas matatag na DoS at reputation system. Sinusuportahan namin ang patuloy na pananaliksik at ang mga MVP implementaion para tuklasin ang makabago at umiiral na mga sistema ng pamamahala.

Desentralisadong Pamamahala:

Mga proposal na sinusuri ang mga alternatibo sa tradisyonal na coin voting, tulad ng quadratic voting, conviction voting o mga reputation-based system. Dapat maging layunin ng mga modelong ito na gawin itong mas patas at magkaroon pa ng representasyon sa proseso ng pagdedesisyon.

Mga Reputation Mechanism:

Mga proposal para mag-develop ng mga reputation system na gumagamit ng World ID para magkaroon ng pagtitiwala sa mga desentralisadong network, habang isinasaalang-alang ang mga nakaraang ambag, kahusayan at tugon ng komunidad.

Mga Pilot Implementation:

Mga Pilot Project na gumagamit ng World ID para subukin ang makabagong mga modelo ng pamamahala sa totoong buhay. Dapat nakatuon ang mga proyektong ito sa paggamit ng World ID pag-aralan ang kasalukuyan at makabagong mga balangkas ng pamamahala sa mga komunidad kung saan mayroong maraming taong beripikado ng Orb.

05. Mga Operasyon

Ang mga Operasyon sa konteksto ng World Network ay tumutukoy sa "analog na mundo" na nagbibigay-daan sa mga taong maipaberipika ang World ID. Ang pangunahing kalahok dito ay ang mga Orb Operator o mga independyenteng negosyante at mga organisasyong naglalaan ng mga Orb sa mga pisikal na lokasyon sa buong mundo.

Bukas para sa mga Aplikasyon:

Operator Academy:

Lumikha ng mga materyales para sa edukasyon at tuloy-tuloy na pagtulong para mapadali ang pag-oonboard ng mga bagong Operator.

Personal na Pag-aawdit:

Support para sa pag-detect at pagpigil sa masasamang-loob.

Sarado na para sa mga Aplikasyon:

Pagpapakilala ng mga Orb sa Ibang Bansa:

Sa pamamagitan ng pinakamaiinam na mga kasanayan mula sa ibang bansa, ipakilala ang operasyon ng Orb sa mga bagong Operator at organisasyon sa mga bagong lugar.

Mga Bagong Tool:

Mas pagandahin pa ang kasalukuyang hardware equipment at software tool para sa komunidad ng mga Orb Operator sa buong mundo.