Mas marami pang alam ang iba tungkol sa'yo kaysa sa World ID
Hindi tulad ng iba, ang World ID ay hindi nagtatabi ng anumang personal na datos.
Ang World ID ay ang pribadong patunay ng pagkatao para sa panahon ng AI.
Ang World ID ay magbibigay sa'yo ng walang kapantay na kontrol sa impormasyon mo. Kapag may beripikado ka nang World ID, magagamit mo ito para ligtas at pribadong mapatunayang isa kang tunay at bukod-tanging tao (hindi isang bot), nang hindi inilalantad kung sino ka.
Sa pamamagitan ng World ID, binabago natin ang konsepto ng pagkakakilanlan sa internet. Mas lalo itong magiging mahalaga sa paglaganap ng artificial intelligence at mas sopistikadong mga bot na kumikilos na parang tao.


Hindi namin gustong malaman kung sino ka. Gusto lang naming malaman kung tao ka.
Ang World ID ay pinagagana ng mga cryptographic technology tulad ng Zero-Knowledge Proofs (ZKPs) na makapagpapatunay na ang World ID mo ay tunay at na hindi mo pa nagagawa ang hakbang na sinusubukan mong gawin – ang lahat ng 'yan nang hindi kailanman inilalantad kung sino ka.
Magagamit mo ito para madali kang makapagpaberipika online tulad ng pag-log in sa mga social app at pagtiyak na magkakaroon ng patas na mga aktibidad online tulad ng pagboto o pagbili ng mga concert ticket.
Ang datos mo ay i-eencrypt at itatago sa storage ng device mo.
Ang ibig sabihin ng "Personal Custody" ay ang impormasyong nabuo sa Orb kapag nagpaberipika ka ng World ID mo (mga larawan, metadata at nabuong datos, kabilang ang iris code) ay itatago sa device mo. Maliban na lang kung kusa mo itong ibinahagi, walang sinuman ang may datos ng Orb mo kundi ikaw lang.
At kasing-halaga nito, ang buong Personal Custody system ay idinisenyo para mapanatiling protektado ang datos mo kahit pa makompromiso ang telepono mo.
Kung pipiliin mong maghanap ng Orb at ipaberipika ang World ID mo, ang datos mo ay i-eencrypt at itatago sa device mo, kung kaya't magkakaroon ka ng buong kontrol sa datos mo. At pwede mo itong burahin kahit kailan.

I-follow kami sa social media
