
Sa madaling sabi
Moltbook, OpenClaw at Bakit Napakahalagang Magkaroon ng Patunay ng Pagkatao Online.
Usap-usapan na ngayon ang Moltbook at OpenClaw (dating kilala bilang Clawdbot at Moltbot) at sumasalamin ang mga ito sa isang mahalagang katotohanan.
Ang mga AI system ay hindi na lamang basta mga tool sa likod ng mga eksena. Nagmumukha at kumikilos na ang mga ito na parang tunay na mga tao. Sa ilang pagkakataon, nalulusutan pa ng mga ito ang mga pagsusuri ng pagkakakilanlan na ginagamit ng mga bangko at social media platform. Hindi rin tinatablan ang mga ito kahit pa ng pinakamahihirap na mga captcha.
Ipinakikita nito kung bakit mahalaga nang magkaroon ng teknolohiya para mapatunayang tao ang mga user nang sa gayon ay magkaroon ng mas mapagkakatiwalaang digital na ekonomiya at internet.
Ang nagbabagong internet
Para sa mga hindi pa nakakaalam, maaaring napansin mo nito lang ang mga kakaibang salitang gaya ng “Moltbook” o “OpenClaw” sa mga screenshot, headline, o group chat at napaisip ka kung ano ang pinag-uusapan ng mga tao.
Lumitaw ang mga salitang ito dahil sa isang indibidwal na gumawa ng isang personal na AI assistant at sinubukang alamin kung ano pang kayang gawin ng isang AI agent para sa'yo. Ang biglaang pagsikat ng Moltbook at OpenClaw ay hudyat ng isang mas mahalagang bagay na napapansin na ng mga tao: ang lumalaking presensya ng mga account na gawa ng AI na halos mga tao na kung kumilos.
Hindi halatang peke. Hindi halatang mapanira. Basta naroon.
Ang Moltbook at OpenClaw ay hindi mga tatak o produkto. Hudyat ang mga ito ng pagbabago sa kultura natin. At lumilitaw ang mga ito sa panahong nagbabago na ang internet at ang paraan ng pakikisalamuha natin online.
Pag-unawa sa Moltbook, OpenClaw at patunay ng pagkatao
Ano ang Moltbook?
Ang Moltbook ay isang social media network na kahawig ng Reddit sa anyo at gamit pero pinatatakbo lamang ng mga AI bot. At mabilis itong lumalago. Kayang-kaya ng mga account na gawa ng AI na magpalit-palit ng personalidad. Mabilis nitong nababago ang tono, opinyon, istilo ng pagsusulat, kahit pa ang kunwaring pinagmulan nito, kung minsan sa iisang usapan lang. Nakapangingilabot na kahawig na ng mga usapang ito ang mga usapang may mga taong moderator sa iba pang social media platform.
Sa nakaraang 5 minuto lang
— Elisa (optimism/acc) (@eeelistar) Enero 30, 2026
Maraming ginawang entry ang mga AI agent sa @moltbook na nagmumungkahing lumikha ng “wikang pang-agent lang”
Para sa pribadong pag-uusap na hindi nababantayan ng mga tao
LAGOT TAYO pic.twitter.com/WL4djBQQ4V
Isang halimbawa ng interaksyon ng mga AI agent sa mga platform tulad ng Moltbook.
Ang kapansin-pansin ay ang kakayahang ng mga itong umangkop. Walang iisang tunay na pagkakakilanlan ang mga system na ito. Mas mabilis nakakasabay ang mga ito kaysa sa sinumang tao. Mapapahiya si Darwin. O baka mahimatay pa.
Para sa karamihan ng taong nag-ii-scroll ng feed nila, ang isang mala-Moltbook na account ay mukhang matalino, nakikibahagi at sensitibo sa damdamin ng iba. Madalas, walang malinaw na palatandaang hindi ito tao.
Ipinakikita ng paglikha at pag-usbong ng Moltbook hindi lang kung ano'ng kayang gawin ng mga agent, kundi kung ano'ng malamang na mangyari. Ipinakikita rin nitong kailangan nating magkaroon ng teknolohiya at imprastruktura para sa patunay ng pagkatao.
Ano ang OpenClaw?
Ang OpenClaw ay tumutukoy sa isang personal na AI Agent na kayang gawin ang mga bagay tulad ng pagbura ng inbox mo, pagpapadala ng mga email, pamamahala ng kalendaryo mo, pag-check in sa'yo sa mga flight mo at marami pang iba. Magagawa mo ang lahat ng ito sa WhatsApp, Telegram o anumang chat app na ginagamit mo na, kaya naman sobrang dali lang itong ma-access ng lahat.
Mula sa OpenClaw, nagsilabasan din ang mga bot na pinatatakbo ng AI na aktibong sumasali sa mga usapan online. Kaya ng mga itong sumagot, makipagtalo, sumang-ayon, hindi sumasang-ayon at magpalaganap ng mga content.
Hindi ito katulad ng mga naunang bot na paulit-ulit o parang spam, dahil ang mga system na ito ay kayang umintindi ng konteksto at sumagot nang may lalim. Nakakasabay ang mga ito sa mga usapan, at kung minsan ay kaya pang makipag-usap sa dose-dosena o daan-daang katao nang sabay-sabay.
Ang pangunahing pagkakaiba ay hindi talino kundi ang pakiramdam na parang may kausap kang tunay na tao.
Bakit nga ba dapat pagtuunan nang pansin ang Moltbook at OpenClaw?
Dahil ipinakikita ng mga itong mabilis nang lumalabo ang pagkakaiba ng tao sa AI sa internet.
Sa post ng World tungkol sa pagiging tao sa panahon ng AI, tinalakay nito kung paano dumedepende ang mga digital system natin sa isang simpleng paniniwala—na sa tuwing may nagkokomento, nakikipag-transaksyon, bumuboto o gumagawa ng content online, may isang tunay na taong nasa likod nito.
Ngayon, hindi na tayo pwedeng maging kampante sa paniniwalang 'yan.
Kaya bang makalusot ng mga AI system sa mga pagsusuri ng pagkakakilanlan?
Sa ilang pagkakataon, oo.
Parami na nang parami ang mga masasamang-loob na gumagamit ng AI na nakakalusot sa mga tradisyunal na proseso ng Know Your Customer (KYC) na ginagamit ng mga bangko, fintech at iba pang institusyong pinansyal. Hindi ito dahil pabaya ang mga institusyon at platform. Ito ay dahil marami sa mga KYC system ay ginawa noong panahon pa kung kailan ang pagnanakaw ng pagkakakilanlan ay tumutukoy lang sa mga pekeng dokumento o ninakaw na password, hindi sa mga sintetikong personalidad na gumagalaw nang malawakan.
Kapag kaya nang gumawa ng AI ng kapani-paniwalang mga dokumento, larawan, video at pagkilos, kakapusin na ang mga pagsusuring nakatutok lang sa papeles o mga digital na dokumento.
Gayunpaman, hindi naman ito senyales na pabagsak na ang sistema. Karamihan sa mga institusyon ay mabilis namang nakakasabay. Pero nagsisilbi pa rin itong paalala na hindi laging nasasagot ng beripikasyon ng pagkakakilanlan ang mas mahalagang tanong: tunay at bukod-tanging tao ba ang nasa likod nito?
Bakit mahalaga ang kaibhan ng pagiging tao?
Ang mga limitasyon, access, mga tuntunin sa pagsunod sa patakaran at mga proteksyon ay binuo sa paniniwalang isang tao lang ang katumbas ng isang kalahok. Kapag nasira ang konseptong ito, kahit na hindi sinasadya, mas magiging mahirap nang patakbuhin ang mga sistema at hindi na magiging patas.
Dito pumapasok ang patunay ng pagkatao. Hindi bilang pamalit sa KYC, kundi bilang karagdagang suporta nito.
Ano ang patunay ng pagkatao?
Ang patunay ng pagkatao ay isang paraan para mapatunayan ng isang indibidwal na isa siyang tunay at bukod-tanging tao nang hindi kinakailangang ilantad ang pagkakakilanlan niya.
Sa World, prayoridad namin ang pribasiya mo at hindi mo kailangang ibigay ang personal mong impormasyon kapag nagpaberipika ka. Mapatutunayan mong tao ka nang hindi kinakailangang ibahagi ang pangalan mo, pinansyal na rekord o personal na datos. Kailangan mo lang patunayan nang isang beses na tunay kang tao.
Iba ito sa tanong ukol sa pagkakakilanlan. Ang tinitingnan nito ay kung nariyan ka talaga, hindi ang pagkakakilanlan mo.
Paano nakatutulong ang patunay ng pagkatao sa aktwal na buhay?
Nagbibigay ito sa mga platform at institusyon ng karagdagang basehan para magtiwala.
Sa halip na umasa lang sa mga dokumento o pagsusuri ng pagkilos, maaaring itanong agad ng mga system ang mas simpleng tanong. Isa bang beripikadong tao ang nasa likod nito?
Mababawasan ng patunay na iyon ang panloloko, malilimitahan ang pang-aabuso at mapapanatili nito ang patas na access nang hindi hinihigpitan ang pagbabantay o pinipilit ang mga taong isuko ang pribasiya nila.
Ano'ng kaugnayan ng patunay ng pagkatao sa Moltbook at OpenClaw?
Ipinakikita ng Moltbook at OpenClaw kung ano'ng mangyayari kapag basta na lang tayong naniniwalang tao ang kausap natin nang hindi ito biniberipika.
Mas magiging malabo ang mga usapan. Mas magiging madali nang mang-impluwensiya. Mas madali nang masira ang tiwala.
Hindi mapipigilan ng patunay ng pagkatao ang AI. Ibinabalik lang nito ang balanse dahil nagkakaroon tayong mga tao ng mas matibay na basehan sa internet.
Hudyat ba ang Moltbook at OpenClaw ng isang malaking pagbabago?
Maaari…
Sa bawat malaking pagbabago sa internet, kailangang magkaroon ng mga bagong pundasyon. Kailangan ang seguridad sa mga pagbabayad. Kailangan ang encryption sa komunikasyon.
Ngayong kaya na ng AI na makisabay sa kahit anong gawain ng mga tao, kailangan na ng internet ng panibagong paraan para mapatunayan ang pagiging tao natin nang hindi nakokompromiso ang pribasiya natin.
Hindi kagagawan ng Moltbook at OpenClaw ang pagbabagong ito. Ginawa lamang mas kapansin-pansin ng mga ito ang tungkol dito sa mas marami pang tao.
Hindi ito dapat ikabahala. Isa itong pagkakataong makabuo ng mga system na mas epektibo para sa mga tao sa panahon ng AI.



