
Sa kasagsagan ang 2025 holiday shopping season, binibigyang-diin ng 90% ng mga nasa hustong gulang sa Estados Unidos ang kahalagahan na matukoy kung tunay na tao ang ka-transaksyon nila kapag namimili sila.
Isipin mo ito: Nasa online cart mo na ang perpektong regalo. Dalawampung minuto ka nang nagre-refresh ng pahina kahihintay ang restock notification. At ayun na, pinindot mo ang "purchase," tapos... sold out na pala. Sa ilang millisecond lang. Sa isang bot. Welcome sa holiday shopping sa 2025, kung saan silicon ang suot ni Grinch imbes na balahibo.

Ang kapalit ng automated shopping sa tunay na mga tao
Milyon-milyong beses na nangyayari ang ganitong eksena tuwing kapaskuhan. Kinumpirma ng isang bagong survey na inatasan ng World sa 2,000 katao ang hinala ng mga naiinis na mamimili: halos dalawang-katlo ang naghihinalang sinisira ng mga bot ang pamimili para sa kapaskuhan. Mas malalim ito kaysa sa simpleng inis sa teknolohiya. Dahil dito, malaki na ang ipinagbago sa pagdiriwang natin ng kapaskuhan .
Ipinapakita ng mga numero ang malawakang digital fatigue. Dalawang-katlo ng mga sumagot ang madalas na nakikipag-agawan sa mga bot para sa mga produkto online, at halos 33% ang nakakasalamuha ng mga automated na kakumpitensyang ito "palagi" o "madalas." Ang bigat sa emosyon ay parang holiday anti-wishlist: 44% ang nagsasabing naiirita sila, isa pang 44% ang nakararanas ng pagkadismaya o galit, at 36% ang nagsabing na-stress sila nang husto mula sa mga ganitong karanasan.
Marahil ang pinakatumatak dito: higit sa kalahati ng mga mamimili ngayon ay mas handa nang harapin ang dagsa ng Black Friday kaysa tiisin ang mga bot army ng Cyber Monday. Kapag mas nakaaakit na ang pumila sa labas ng tindahan bago sumikat ang araw kaysa mamili mula sa sofa mo, may isang pangunahing bagay na nasira sa digital commerce ecosystem natin.
Isang problemang anim na taon nang nabubuo
Hindi basta-basta nangyayari ang pagkasira na ito. Ayon sa survey, naniniwala ang mga taong nasa limang taon na tayong pinahihirapan ng mga bot sa online shopping. Pero tatlong-kapat ang ang nagsabing mas lalala pa ang problema ngayong kapaskuhan kumpara noong nakaraang taon. Ipinapakita nitong hindi lang panandaliang aberya sa system ang kinakaharap natin, kundi isang patuloy na lumalalang karera sa pagitan ng mga taong mamimili at mga automated program sa pamimili.
Naging napakasopistikado na ng mga bot na ito sa panahong ito. Kung dati ay simpleng pag-automate lang ng checkout ang ginagawa ng mga unang bersyon nito, kaya na ngayon ng mga bot na lutasin ang CAPTCHA, magkaroon ng maraming sesyon sa iba’t ibang website at gumamit pa ng mga residential proxy para hindi ma-detect.
Paniniwala sa nakikita mo
Ang bilis kung saan lamang ang mga bot ay may epekto na higit pa sa mga napalampas na pagbili. Nagdudulot ito ng mas malalim na problema: ang unti-unting pagkawala ng tiwala sa online commerce. 18% lang ng mga na-survey ang “may malaking kumpiyansa” sa kakayahan nilang kilalanin ang totoong produkto mula sa peke kapag namimili online. Ginagawang sugal ng kawalan ng katiyakan na ito ang bawat pagbili, at posibleng maging panlilinlang ang bawat transaksyon.
Ipinapakita ng survey kung ano'ng kayang gawin ng mga tao para lang maberipika ang awtentisidad ng isang bagay: paghahalungkat ng mga review, pagtingin ng iba't ibang website, pagbusisi sa seller history. Pero kahit mag-ingat nang ganito ang mga tao, limitado lang ang proteksyon sa lugar kung saan kayang gumawa ng mga bot ng mga pekeng review na kasingdali ng pag-aagaw ng mga ito ng imbentaryo. Kapag 58% ng mga tao ang nagsasabing hihingi sila ng refund para sa pekeng item, at 31% pa ang magpo-post ng negatibong review, mas lalong masisira ang reputasyon ng online retail sa bawat transaksyong nakokompromiso.
Mga benepisyo ng network ng mga tao
Sa gitna ng kakulangan sa tiwala, marahil ang pinakatumatak na nakita sa survey ay ito: napakahalaga para sa 90% ng mga Amerikano na malamang mula talaga sa tunay na mga tao ang binibili nilang produkto. Ipinapakita ng napakalaking bilang na itong ang solusyon ay hindi lang dapat tungkol sa mas epektibong pag-detect ng bot, kundi sa mas epektibong pagkumpirma ng pagkatao .

Dito papasok ang kahalagahan ng teknolohiya ng patunay ng pagkatao at ng mga network ng tunay na mga tao para sa hinaharap ng shopping. Hindi ito katulad ng tradisyonal na seguridad na nakatuon sa pagharang sa mga masasamang-loob, dahil ang mga network ng tunay na mga tao ay lumilikha ng mga ecosystem kung saan tunay na tao ang nagkakausap, nakikipagtransaksyon at bumubuo ng tiwala sa isa't isa. Gumagamit ang mga network na ito ng cryptographic technology para maprotektahan ang pribasiya habang tinitiyak na ang bawat kalahok ay tunay na tao, para matugunan ang problema sa bot at ang lumalaking pag-aalala tungkol sa seguridad ng datos.
Para sa mga retailer, maraming benepisyo ang paggamit ng teknolohiya ng patunay ng pagkatao at ng network ng tunay na mga tao gaya ng World na higit pa sa pagpigil sa mga bot. Ibinabalik nito ang tiwala ng customer, binabawasan ang chargeback na may kinalaman sa pandaraya, at lumilikha ng mas patas na access sa limitadong imbentaryo. Kapag alam ng mga customer na bahagi sila ng isang network ng tunay na mga tao at hindi nakikipagkumpitensya laban sa mga makina, magbabago ang pamimili nila mula sa isang teknikal na agawan pabalik sa totoong komersyong binuo ng ugnayang pantao.
Bawiin ang saya ng pamimili para sa kapaskuhan
Hindi lang teorya ang mga benepisyong ito. Ipinapakita ng datos na nasa punto na tayo ng pagbabago kung saan mahalaga ang agarang aksyon. Dahil inaasahan ng 75% na lalala ang isyu ng bot shopping ngayong kapaskuhan, at hindi lang basta inis kundi stress na ang inaabot nila, kailangan na ng pagbabago.
Mabuti na lang, simple lang ang solusyon at hindi kailangan ng rebolusyonaryong pagbabago. Mayroon nang mga network ng mga tao na pwedeng i-integrate sa mga kasalukuyang e-commerce platform. Kayang ikonekta ng mga system na ito ang mga tao agad-agad habang pinananatili ang bilis na inaasahan ng mga mamimili sa online shopping. Ang kaibahan, ang bawat interaksyon ay nangyayari sa loob ng pinagkakatiwalaang ecosystem ng mga tao.
Malinaw ang sinabi ng mga sumagot sa survey: gusto nilang mamili nang may kumpiyansa, makipagkumpitensya nang patas para sa mga produkto, at malaman na tunay na tao ang kausap nila sa magkabilang panig ng screen. Gusto nila ng teknolohiya na magpapaganda sa pamimili para sa kapaskuhan.
Ang desisyong kinakaharap natin
Habang papalapit na ang pagdagsa ng mga mamimili para sa kapaskuhan, may pagkakataon ang mga retailer na gawing mas maganda ang karanasan ng mga customer nila. Sa halip na hayaang okupahin ng mga bot ang digital na mga istante, pwede silang gumawa ng mga hakbang para muling maging patas at masaya ang pamimili. Sa pamamagitan ng paggamit ng network ng tunay na mga tao, masisiguro ng mga brand na ang mga promo para sa kapaskuhan at ang kasabikan mapupunta sa mga taong dapat talagang makinabang nito.
Alam ng mga shopper na hindi perpekto ang online shopping at mas hinahanap na nila ngayon ang mga karanasang mas totoo at mas rewarding. Ipinapakita ng mga resultang handa na ang mga tao para sa pagbabago. Gusto nilang muling ipakita ng online shopping ang pagiging totoo, patas at masaya.
Pamamaraan ng pananaliksik:
Sa ngalan ng World, nagsagawa ng survey ang Talker Research sa 2,000 Amerikano mula sa pangkalahatang populasyong may access sa internet; ang survey ay iniatas ng World at isinagawa online ng Talker Research mula Okt. 24 hanggang Okt. 27, 2025.
Para makita ang kumpletong metodolohiya bilang bahagi ng Transparency Initiative ng AAPOR, mangyaring bisitahin ang Talker Research Process and Methodology page.