Mga World ID na Kredensyal na may access sa WLD token, available na sa mas marami pang bansa

Hulyo 22, 2025 2 Minutong Pagbabasa

Update: Sa kasalukuyan ng ika-22 ng Hulyo, 2025, may mga binago sa blog na ito para maipakita ang mas pinalawak na availability ng mga World ID na kredensyal.

Ang mga World ID na kredensyal na ipinakilala sa “A New World” event sa San Francisco ay available na sa mas marami pang bansa, kabilang na ang Argentina, Chile, Colombia, Japan, Malaysia, South Korea, Taiwan, United Kingdom at Estados Unidos.

Malaki ang naitutulong ng protektado at pribadong World ID feature na ito sa pagpapalawak ng access sa World Network sa buong mundo at nagbibigay-daan sa mas maraming pang pakinabang ng World ID.

Narito kung paano ito gumagana.

Ano ang mga World ID na Kredensyal?

Sa pamamagitan ng mga World ID na Kredensyal, pwedeng i-link ng isang tao ang valid nilang mga ID (mula sa mga NFC-enabled na pasaporte) sa World ID  nila para mapatunayan ang ilang bagay tungkol sa sarili nila, higit pa sa pagiging tunay at natatanging tao, nang hindi kinakailangang ibahagi ang anumang personal nilang impormasyon sa Tools for Humanity, World Foundation o kahit anong third party.

Halimbawa, mapatutunayan ng isang taong may World ID na natutugunan nila ang kinakailangang edad para sa isang dating app nang hindi ibinabahagi ang petsa ng kapanganakan nila o iba pang personal na impormasyon mula sa ID nila. 

Ang lahat ng impormasyon ay ligtas na itinatago sa device ng konsumer, at tanging sa device lang nila. Matuto pa tungkol sa pribasiya at seguridad ng mga World ID na kredensyal dito.

Figure

Ano ang mga pakinabang ng paglalagay ng isang kredensyal?

Maaaring magdagdag ng mga kredensyal sa World ID ng isang tao kahit na hindi pa nila naipapaberipika ang natatanging pagkatao nila sa isang Orb, at may ilang mahahalagang benepisyo ito:

  1. Ang mga kredensyal ay nagbibigay-daan sa mga tao, kabilang ang tinatayang 1.2 bilyong mayroong pasaporte sa mundong maaaring malayo sa Orb pero may valid ID na makasalli at makinabang nang mas makabuluhan sa World Network.
  2. Sa pamamagitan ng mga Kredensyal, hindi lang patunay ng pagkatao ang maibibigay ng mga tao para mapatunayan nila nang pribado ang ilang bagay tungkol sa sarili nila (tulad ng patunay ng edad, nasyonalidad, atbp.).
  3. Sa pamamagitan ng mga Kredensyal, ang mga mayroong World ID pwedeng makakuha ng karagdagang WLD token kung saan mayroon nito, kahit hindi pa nila naipapaberipika ang pagkabukod-tangi nila sa isang Orb.

Ibibigay ng World Foundation ang mga WLD token para sa mga indibidwal na may valid na World ID na Kredensyal.

Sino ang pwedeng gumamit ng mga World ID na Kredensyal?

Ang mga World ID na Kredensyal ay available sa parehong iOS at Android para sa mga indibidwal na may NFC-enabled na pasaporte mula sa Argentina, Chile, Colombia, Japan, Malaysia, South Korea, Taiwan, United Kingdom at Estados Unidos na kasalukuyang nasa mga bansang iyon.

Malapit nang magkaroon ng mga World ID na Kredensyal sa mas marami pang bansa at para sa mga dokumento ng pagkakakilanlan.

Matuto pa

Para matuto pa tungkol sa mga World ID na kredensyal at iba pang mahahalagang feature ng World Network, pumunta sa World website o sumali sa araw-araw na usapan sa Twitter/X, WhatsApp, Discord, YouTube, Telegram at LinkedIn, o mag-sign up para sa blog newsletter sa ibaba ng page na ito. 

Ang karagdagang mahahalagang impormasyon tungkol sa network ay makikita sa World protocol whitepaper.

Paunawa

* Ang kwalipikasyon para sa mga token ng Worldcoin (WLD) ay nililimitahan batay sa heograpiya, edad at iba pang mga kadahilanan. Ang WLD ay hindi maipamamahagi sa mga taong nakatira, o kumpanya o organisasyong matatagpuan o nakarehistro bilang korporasyon sa Estado ng New York o iba pang pinaghihigpitang teritoryo sa pamamagitan ng World App . Ang World Assets, Ltd. at World Foundation ay hindi mananagot para sa pagkakaroon ng WLD sa mga third party platform, tulad ng sentralisado o desentralisadong mga palitan. Para sa mga detalye, pumunta sa: https://world.org/legal/user-terms-and-conditions. Ang paggamit ng mga crypto product ay maaari mong ikalugi. Ang Mahahalagang Impormasyon Para sa User ay matatagpuan sa https://world.org/risks.