
Ang mga virtual account sa World App na unang inilunsad sa Estados Unidos ay available na sa mas marami pang bansa, kabilang ang Japan, Singapore, South Korea, Taiwan at Latin America.
May bagong makapangyarihang feature sa World App para sa mga user nito: mga bukod-tangi at personal na virtual account number na pinag-uugnay ang pang-araw-araw nilang buhay sa digital na pinansyang laging available sa buong mundo, at gumagalaw sa bilis ng internet.
Sa pamamagitan ng mga virtual account na pinagagana ng Bridge, pwedeng matanggap ng mga user ang sahod nila sa mismong World App (at hindi na kailangan pang gumamit ng employer nila ng iba't ibang blockchain o maintindihan ang mga network fee), at maglagay ng pondo mula sa bangko nila. Kapag nasa World Wallet mo na ang pondo, pwede mong ipadala o gamitin ang USDC sa buong mundo. Ang lahat ng 'yan, walang bayad.
Ang bawat deposito ay kino-convert sa USDC nang walang kahirap-hirap at pwedeng ilipat nang walang pinipiling lugar, oras ng bangko o bayad.
Binuo para sa pandaigdigang digital ecosystem
Ang mga virtual account ay sumasalamin sa bisyon ng World na magkaroon ng pinansyang abot ng lahat sa buong mundo. Habang ang tradisyonal na imprastraktura ng mga bangko ay hirap sa kumplikadong proseso sa pagitan ng mga bansa, mga time zone at mga bayad, ang World App ay may iniaalok na rebolusyonaryong solusyon: mabilis at 24/7 pinansya na gumagana saanman sa mundo.
Kasabay ng paglulunsad ang pag-angat ng World App na mayroon nang halos 38 milyong user at mahigit 850 milyong naisagawang transaksyon – halos 6x na pagtaas mula sa 150 milyong kabuuang transaksyon noong huling bahagi ng nakaraang taon. Ang mga virtual account ay nagbibigay ng karagdagang on-ramp sa lumalawak na digital ecosystem na ito.
Mahalaga ang teknikal na pundasyon. Pinatatakbo ang mga virtual account ng Bridge (isang kumpanya ng Stripe), at nagbibigay ang mga ito ng pang-institusyong seguridad habang ikaw pa rin ang may kontrol sa mga deposito mo. Dito nagtatagpo ang mga tradisyonal na system at ang bilis at potensyal ng blockchain technology. Ang lahat ng 'yan nang hindi mahihirapan ang mga user sa paggamit ng kumplikadong teknolohiya.

Ang kinabukasan ay nasa mga kamay mo na
Sa pag-angat ng AI sa buong mundo, may access na ngayon ang mga tao sa imprastrakturang pampinansya na angkop para sa panahon ng malaking pagbabagong ito. Nagbibigay-daan ang mga virtual account sa pinansya sa bawat sulok ng mundo gamit ang USDC, kung saan binubuo ng mga tao ang hinaharap.
Nasa punto tayo ngayon kung saan kailangang magbago ang potensyal ng tao at artificial intelligence, at ang mga tool na ginagamit natin para pag-iingat, paglilipat at pagpapalago ng pera. Ang mga virtual account ay tungkol sa paglahok sa isang sistemang pampinasya na idinisenyo para sa kinabukasang sama-sama nating binubuo.
Wala nang rebolusyon. Nandito na 'to, sa World App mo, handa na kapag handa ka na.
I-download ang World App at Alamin kung paano i-set up ang virtual account mo →
Alamin Pa
Para manatiling may alam tungkol sa pinakabagong mga kaganapan sa World, kasama ang iba pang kapana-panabik na balita at anunsyo, bisitahin ang World website o mag-subscribe sa blog sa ibaba.
Pwede ka ring sumali sa araw-araw na usapan sa lahat ng World social media channel, o makakuha ng karagdagang mahahalagang impormasyon tungkol sa network sa pamamagitan ng pagbabasa ng World protocol whitepaper.
Paunawa
*Ang World App ay hindi isang bangko o anumang uri ng institusyong pampinansya. Ang virtual account feature ay pinatatakbo ng Bridge. Ang mahahalagang impormasyon para sa user, kabilang ang naaangkop na lisensya at impormasyon tungkol sa kwalipikasyon, ay makikita sa www.bridge.xyz.
Mga kaugnay na artikulo

Mga Anunsyo ·
Paano ninanakaw ng mga bot ang saya ng kapaskuhan

Mga Anunsyo ·
Patakaran ·
Mga World ID na Kredensyal na may access sa WLD token, available na sa mas marami pang bansa

Mga Anunsyo ·
Produkto ·
Dev Rewards Pilot, itinaas sa $100K kada linggo, World, mayroon nang higit 500 Mini App

Pananaliksik at Inhinyeriya ·
Mga Anunsyo ·