Mga Panimulang Aklat at Paliwanag

Alamin pa ang tungkol sa pangunahing mga prinsipyong gumagabay sa World, kung paano isinasabuhay ang mga ito at kung bakit kinakailangan ang mga ito sa mabilis na pag-angat ng AI.

Mga video explainer

Manatiling pribado

Kapag pinatutunayan mong bukod-tangi kang tao online, hindi mo na dapat pang ilantad ang pagkakakilanlan mo. Sa video na ito, ipaliliwanag ni Damien Kieran, TFH Chief Privacy Officer, kung paano ginagamit ang mga teknolohiyang pinaiigting ang pribasiya para manatiling pribado ang pagkakakilanlan ng mga mayroong World ID.

Face Auth

Ang Face Auth ay isang ganap na pribadong 1:1 na paghahambing ng mukha na tinitiyak na tanging ang taong nagpaberipika ng World ID nila sa Orb ang makakagamit nito. Tatalakayin ni Chris Brendel, TFH Head of AI, kung paano gumagana ang teknolohiyang ito at kung ano ang pinagkaiba ng Deep Face ng World mula sa mga teknolohiya ng pagkilala ng mukha na ginagamit ng iba pang organisasyon.

Tiwala sa mga interaksyon online

Habang mas nagiging advanced ang AI, gumagaling na rin ito sa panggagaya ng pagkilos ng mga tao para magkaroon tayo pagtitiwala isa't isa, at pwede itong makasira sa pakikisalamuha natin online. Sa video na ito, tatalakayin nina Adrian Ludwig, TFH Chief Architect, at Ajay Patel, Head ng World ID, ang hamon na ito at kung paano makatutulong ang patunay ng pagkatao.

Pahintulot, edukasyon at impormasyon

Ang pagsunod ng World sa mga regulasyon para sa proteksyon ng datos sa buong mundo ay nagsisimula sa isang komprehensibong programa para sa seguridad at pribasiya. Tatalakayin ni Damien Kieran, TFH Chief Privacy Officer, ang ilan sa maraming paraan kung paano tinitiyak ng World na ang mga miyembro ng community ay may kaalaman tungkol sa network, ang mga karapatan nila at kung paano sila maaaring makipag-ugnayan sa World.

Zero-knowledge proofs

Ang Zero-knowledge proofs, o ZKP, ay isang cryptographic na paraan para mapatunayang ng isang partido (ang prover) sa isa pang partido (ang verifier) na may taglay siyang kaalaman nang hindi inilalantad ang aktwal na impormasyon. Bibigyang-linaw ni Adrian Ludwig, TFH Chief Architect, ang mahalagang teknolohiyang ito gamit ang mga simpleng termino at ilalarawan kung paano ito ginagamit para maprotektahan ang mga mayroong World ID.

AMPC

Ang Anonymized Multi-Party Computation, o AMPC, ay isang larangan ng cryptography kung saan ine-encrypt nito ang posibleng sensitibong impormasyon sa maraming iba’t ibang “secret shares” na hawak ng iba’t ibang pinagkakatiwalaang partido. Sa ganitong paraan, walang kahit isang partido ang may access sa sensitibong impormasyon. Sa video na ito, ipaliliwanag ni Adrian Ludwig, TFH Chief Architect, kung paano gumagana ang AMPC sa World at ang mahalagang papel nito para maprotektahan ang posibleng sensitibong datos.

Personal Custody

Ang World ay nakatuon sa isang user-centric design, o disenyong nakatuon sa mga user, para mas magkaroon ng transparensiya at mas madaling maberipika ang lahat (mas marami pa tungkol dito sa World Whitepaper), at ang Personal Custody ay isang mahalagang bahagi ng disenyong iyon. Sa video na ito, tatalakayin ni Chris Brendel, TFH Head of AI, kung paano gumagana ang Personal Custody at kung paano nito binibigyan ng kontrol ang mga tao sa daloy at pamamahala ng personal nilang impormasyon.