Personal Custody, ipinatupad ng World

Marso 22, 2024 3 Minutong Pagbabasa

Sinimulan nang ipatupad ng World ang Personal Custody, isang mas makabagong paraan sa pamamahala ng datos (data custody) na inirerekomenda ng mga eksperto sa pribasiya, na unang inanunsyo sa pagpapakilala ng World ID 2.0.

Ano ang Personal Custody, at paano ka makikinabang dito?

Ang ibig sabihin ng Personal data custody, o Personal Custody, ay ang impormasyong (mga larawan, metadata at derived data) nabuo sa Orb at ginamit para makabuo ng Iris Code habang isinasagawa ang beripikasyon ng World ID ay itatago sa device mo. Sa pamamaraang ito, ikaw ang may kontrol sa daloy ng datos na ito, hindi lang sa pagbura nito, kundi pati na rin sa kung paano ito gagamitin bago ito tuluyang burahin. Ang impormasyong ito ay awtomatikong binura noong nakaraan.

Bukod sa pagbibigay sa'yo ng kontrol, mas mapakikinabangan mo rin ang World ID dahil sa Personal Custody sa pamamagitan ng Face Authentication para sa mga high security application. Sa pamamagitan ng Face Authentication, mapatutunayan mong ikaw rin ang taong nakatanggap ng World ID mo noong nagpaberipika ka sa isang Orb. Mahalagang tandaan na gumagana ito sa mismong device mo at walang datos ang makalalabas sa telepono mo.

Para sa World, isang malaking hakbang ang pagbibigay ng kontrol sa'yo sa daloy ng datos mo gamit ang Personal Custody para pagtibayin ang sistemang nakatuon sa user ng proyekto at pagbuo ng isang mas protektadong World ID network.

Paano gumagana ang Personal Custody?

Sa pangkalahatan, binubuo ang Personal Custody ng apat na bahagi: ang device mo, ang Orb, isang data package na naglalaman ng mga larawan mo at isang pansamantalang backend storage para sa paglilipat ng datos. Mahalagang tandaan, hindi made-decrypt ng backend ang data package mo.

Ganito ang proseso:

  1. Bubuo ang telepono mo ng isang public-private key pair para i-encrypt ang datos mo, at pagkatapos ay ililipat ang public key sa backend.
  2. Bubuo ang backend ng mga karagdagang key para sa lahat ng datos na nangangailangan ng double encryption at ipapasa ang mga public key sa Orb.
  3. Habang nagbeberipika ang Orb, lilikha ito ng mga kinakailangang larawan para maberipika ang World ID mo.
  4. Pagkatapos, lilikha ang Orb ng mga indibidwal mong data package, i-eencrypt ang mga ito, pipirmahan para matiyak ang awtentisidad at seguridad, at ipadadala ang mga ito sa backend bago burahin ang mga larawan.
  5. Ang mga naka-encrypt mong data package ay ida-download sa telepono mo bago ito tuluyang burahin mula sa backend.

Dahil ang lahat ng datos ay i-nencrypt gamit ang public key mo, ang kalalabasan ng prosesong ito ay isang koleksyon ng mga naka-encrypt na data package na sa device mo lang mananatili. Palaging buburahin ang impormasyon mo mula sa Orb kapag naipadala na ito sa device mo, at ang paggamit ng double encryption sa loob ng end-to-end na encryption envelope ay nagsisilbing proteksyon para sa kumpidensyalidad at Pribasiya ng datos mo sakaling makompromiso ang device mo.

Figure

Ginawa namin ang larawang paliwanag sa itaas para makatulong na mailarawan ang daloy ng mga key at datos sa kabuuan ng prosesong ito. Ang mga user encrypted file ay mga biometric template o mga batayang mahalaga para maisagawa ang face authentication at para sa pagsa-sign up sa system. Ang mga double encrypted file naman ay mga larawang hindi pa nagagamit pero magiging mahalaga para sa susunod na mga system upgrade.

Sa parehong pagkakataon, hindi made-decrypt ang mga file ng World Foundation, maging ng Tools For Humanity. Idinisenyo ang system para sadyang panatilihing protektado ang datos mo kahit pa may manghimasok na masamang-loob dito.

Bakit mahalaga ang Personal Custody?

Ang Personal Custody ay isang mahalagang halimbawa ng sistemang nakatuon sa mga user na isang mahalagang bahagi ng World Tech Tree.

Kapag ang system architecture ay nakatuon sa'yo, ang user, mas madaling maihihiwalay at mapapalitan ang iba pang bahagi ng system gaya ng “mga Orb” at “pagkabukodtangi”—paghihiwalay na kinakailangan makabuo ng isang bukas at permissionless protokol na maaaring mapagmay-ari at mapamahalaan ng mas maraming tao hangga't maaari (Alamin pa ito dito).

Bukod pa rito, sa pamamagitan ng Personal Custody, hindi na iaalok ang opsyonal na data custody kapag pumunta ka na sa Orb. Tumutulong itong matiyak na pwedeng matuto ang lahat tungkol sa World bago sila magpasya kung gusto nilang ibahagi ang impormasyon nila para makatulong sa pagpapabuti ng network.

Alamin pa

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Orb, Pribasiya at World Tech Tree, tingnan ang Teknikal na Implementasyong bahagi ng World protokol Whitepaper.

Pwede mo ring alamin pa ang tungkol sa World protocol sa pamamagitan ng pagbisita sa World website, pagsali sa pang-araw-araw na talakayan sa Twitter/X, Telegram, Discord, YouTube at LinkedIn, o mag-sign up para sa blog newsletter sa ibaba ng pahinang ito.

Paunawa

Ang nilalaman sa itaas ay patungkol lamang hanggang sa petsang nakasaad. Higit pa rito, napapailalim ito sa mga panganib, kawalang-katiyakan at mga pagpapalagay, kung kaya't maaaring maging mali ito at maaaring magbago nang walang abiso. Matatagpuan ang buong pagtatangi sa Mga Tuntunin sa Paggamit namin at ang Mahahalagang Impormasyon para sa User ay matatagpuan sa pahina ng Mga Panganib namin.

Ang impormasyon sa artikulong ito ay lampas na sa 12 buwan at maaaring kalabisan na. Mangyaring bisitahin ang world.org/blog para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa proyekto.