
Update: Ang post na ito at ang kaugnay na mga larawan nito ay binago noong ika-29 ng Mayo, 2025 para maipakitang naging APMC node partner ang KAIST at noong ika-4 ng Setyembre, 2025 para isama ang UTEC bilang karagdagang partner at ang iba pang rebisyon.
Inilunsad na ang AMPC o anonymized multi-party computation. Ito ang next-generation, open source quantum secure multi-party computation (SMPC) setup mula sa World na isinasapribado at pinoprotektahan ang mga piraso ng mga numerikal na code ng mga mayroong World ID na beripikado ng Orb. Ginagamit nito ang NVIDIA H100 GPUs bilang pangunahing compute platform para magbigay-daan sa hanggang 50 milyong pairwise uniqueness comparisons bawat segundo.
Nagbibigay ang AMPC ng karagdagang proteksyon para sa pribasiya, dahil sa pamamagitan nito, hindi na kailangan pang magtago ng mga numerikal na code na nagmula sa iris at naiiwasan nito ang mga plaintext Hamming distance habang isinasagawa ang proseso ng beripikasyon. Ipinatatakbo rin ito kasama ang mapagkakatiwalaang mga third-party, ang Nethermind, ang University of Erlangen-Nuremberg (FAU) at ang UC Berkeley Center for Responsible Decentralized Intelligence (RDI), at ang dalawa pang institusyon - ang Korea Advanced Institute of Science and Technology (KAIST) at ang University of Engineering and Technology in Peru (UTEC) - na nakatakdang sumali sa network. Sa ngayon, ang AMPC ay pinatatakbo lamang ng independiyente at mapagkakatiwalaang mga organisasyong ito, at wala sa World Foundation o Tools for Humanity ang nagsisilbing mga partido sa AMPC.
Isang bagong pamantayan para sa pribasiya at performance
Sa paglulunsad ng AMPC, ang World Foundation, kasama ang TACEO, Inversed Tech, Modulus Labs at Automata, ay gumawa ng isa pang malaking hakbang tungo sa pagprotekta sa pribasiya para sa beripikasyon ng biometrics.
Gaya ng nauna rito, ginagamit ng AMPC ang pinakabago sa mga cryptographic multiparty protocol at mas nagiging epektibo ito sa pamamagitan ng makabagong mga teknik. Tinitiyak nitong ang mga Iris Code ay hinding-hindi lalabas sa device ng user. Sa halip, ang datos ng iris ay ipiniproseso gamit ang cryptography sa mismong Orb para hindi ito maiugnay sa personal na datos ng user at pagkatapos ay hinahati sa iba’t ibang naka-encrypt na piraso. Tanging ang magkakaibang piraso ng pribadong datos na secret shared at end-to-end encrypted ang ipinadadala sa bawat compute node ng AMPC setup.
Isa sa mga pangunahing pagpapabuti sa AMPC ay ang paraan ng paghahambing ng pagkakatulad. Sa naunang bersyon nito, gumagamit ito ng mga pairwise Hamming distance sa plaintext para tukuyin ang kalalabasan ng proseso ng enrollment. Sa AMPC, isang binary na resulta lang ang ipapakita: kung tumutugma ang user o hindi. Sa paraang ito, mas mapaiigting pa ang pribasiya.
Dagdag pa rito, ang mga iris mask na ginagamit para alisin ang mga hindi kinakailangan at mas mapagtuunan ng pansin ang mahahalagang mga katangian ng iris habang isinasagawa ang beripikasyon ng biometrics, ay naka-secret share na rin. Ito ay para matiyak na hinding-hindi ito magiging plaintext kahit kailan. Tinatanggal nito ang isa pang piraso ng impormasyon at lalo pang pinaiigting ang mga proteksyon para sa pribasiya ng mga user. Sa pamamagitan ng arkitekturang ito, mananatiling ligtas, pribado at hindi matutukoy ang biometrics ng mga user sa buong prosesong ito.

Paggamit ng high-end hardware para sa pinakamainam na performance
Para makamit ang mataas na throughput na kailangan para sa beripikasyon ng biometrics sa buong mundo, ginagamit ng AMPC ang mga GPU bilang pangunahing compute platform. Ganap nang naipatupad ang AMPC protocol gamit ang NVIDIA CUDA na nagbibigay-daan sa humigit-kumulang 50 milyong pairwise comparison kada segundo sa kabuuan.
Ang bawat compute node ay binubuo ng isang AWS p5.48xlarge instance na may walong NVIDIA H100 GPU. Ang mga instance na ito ay nagbibigay ng humigit-kumulang 3200 Gbps na bandwidth sa pamamagitan ng Remote Direct Memory Access (RDMA) at 20 exaflops na compute performance. Sapat ang configuration na ito para makayanan nito ang kasalukuyang dami ng user na beripikado ng Orb na halos 7 milyon at ang peak load ng mga beripikasyon.
Hindi lang ang mismong pagsusuri ng pagkabukod-tangi, kundi pati ang paglilipat mula SMPC papuntang AMPC ay idinisenyo nang isinasaalang-alang ang pinakamaigting na seguridad at pribasiya. Ang prosesong ito ng paglilipat na may kinalaman sa mga pagbabago kung paano gumagana ang nakapailalim na cryptographic secret sharing, ay ganap na nakabatay sa mismong SMPC. Ibig sabihin, walang datos ng biometrics ang maipoproseso o malalantad habang nag-a-upgrade ito. Tinitiyak nitong napoprotektahan ang pribasiya ng user sa buong proseso ng paglilipat.
Isang desentralisado at bukas na pamamaraan
Ang AMPC ay isang mahalagang hakbang tungo sa desentralisasyon at transparensiya.
Nakikipagtulungan ang World Foundation sa Nethermind, isang pinagkakatiwalaang kumpanya ng blockchain at research engineering, para magpatakbo ng isang independiyenteng database kung saan nakatago ang isinapribadong datos. Kabilang sa iba pang independiyenteng operator ang Friedrich-Alexander-Universität Erlangen-Nürnberg sa Germany, UC Berkeley Center for Responsible Decentralized Intelligence (RDI) sa Estados Unidos, Korea Advanced Institute of Science and Technology (KAIST) at ang University of Engineering and Technology in Peru (UTEC).

Makakatulong itong lumikha ng isang desentralisadong sistema sa buong mundo, para maitiyak na walang entidad ang magkakaroon ng access sa datos ng biometrics.
Para lalo pang mapahusay ang pangangasiwa ng community, bumuo kami ng isang governance board na mayroong mga independyenteng eksperto sa kani-kanilang mga larangan. Ang board na ito ang magkokoordina at mangangasiwa ng mga update, para matiyak ang pagkakaroon ng pananagutan, at mamamahala sa pag-oonboard ng mga third party para magpatakbo ng mga compute node sa AMPC setup.
Pagpapalago para sa hinaharap
Kabilang sa plano para sa AMPC ang mga pagpapabuting naglalayong palaguin ang system para sa hinaharap. Nagsisilbi rin ang mga itong mabawasan ang mga compute requirement, para mas madali para sa mga bagong third-party na makasali sa network. Bukod pa rito, ang trusted execution environments (TEEs) ay kasalukuyang idine-develop para mabawasan ang posibleng puwang para sa manipulasyon ng nasabing mga pinagkakatiwalaang AMPC party.
Tulad ng nauna rito, ang AMPC ay open source din. Mahalaga ang transparensiya para magkaroon ng pagtitiwala sa mga teknolohiyang pinoprotektahan ang pribasiya, at inaanyayahan namin ang community na suriin, mag-ambag at ipagpatuloy ang nagawa namin.
Tungo sa walang kapantay na pribasiya sa mga biometric system
Ang AMPC ay hindi lang isa sa pinakamalalaking mga system na nakabatay sa SMPC na nasa produksyon; binabago rin nito ang kasalukuyang sistema sa pamamagitan ng paggamit ng high-end na mga GPU para mapaganda nang husto ang performance nito. Ang mga teknolohiyang ito ay ang bagong pamantayan para sa pribasiya, seguridad at pagpapalago, ang lahat ng ito habang iniaangat ang estado ng beripikasyon ng biometrics.
Ipinagmamalaki namin ang mga pagbabagong kinakatawan ng AMPC at sabik na kaming malaman ang magiging epekto nito sa pangangalaga ng pribasiya ng user, habang nagbibigay-daan ito sa beripikasyon ng pagkabukod-tangi ng biometrics sa buong mundo. Ipinagmamalaki rin namin ang malawak na hanay ng mga tagapag-ambag namin at mga eksperto sa kani-kanilang mga larangan na tumulong para maging posible ang bagong upgrade na ito.
Para sa detalyadong paglalarawan ng mga teknik na ginamit sa AMPC, pakitingnan ang papel na, Large-Scale MPC: Pagpapalaganap ng Pribadong Iris Code Uniqueness Checks to Millions of Users.
Paunawa
Ang nilalaman sa itaas ay patungkol lamang sa petsang nakasaad. Bukod pa rito, napapailalim ito sa mga panganib, kawalan ng katiyakan at mga pagpapalagay, kung kaya't maaaring maging mali ito at maaaring magbago nang walang abiso. Matatagpuan ang buong pagtatanggi sa aming Mga Tuntunin sa Paggamit at ang Mahahalagang Impormasyon Para sa User ay matatagpuan sa aming Mga Panganib na pahina.