Paano pinipigilan ng World Network ang paggamit at pag-access ng mga menor de edad

Jul 04, 2025 3 Minute Read

Responsableng binubuo ng World ang network ng tunay na mga tao. Narito ang pangkalahatang-ideya tungkol sa multi-layered approach ng World Network para matiyak na ang mga indibidwal na nasa hustong gulang (18 taong gulang) lang ang mabibigyan ng access dito.

1. App-based at pribadong age gating

Kapag di-nownload mo ang World App sa unang pagkakataon at lumikha ka ng account, kailangan mong ilagay ang petsa ng kapanganakan mo sa isang input field sa app (tingnan sa ibaba). Ang mahalaga, ang petsa ng kapanganakan mo ay ipinoproseso lang sa mismong telepono mo at hindi kailanman ibabahagi o itatago ng kahit sino maliban sa'yo. Wala ring access dito ang Tools for Humanity o ang World Foundation. Ang alam lang namin ay nakumpirma mong pasok ka sa kinakailangang edad para makalikha ng account.

Hindi lang ito basta-bastang checkbox. Binuo ang sistemang ito para maiwasan ang pandaraya rito:

  • Hindi mo matatapos ang paglikha ng account at maba-block ang app mo kapag naglagay ka ng petsa ng kapanganakang nagpapakitang menor de edad ka
  • Kung pilit mong isasara ang app at susubukan mong muling gawin ito, mananatili kang naka-block—higit pa ito sa karaniwang pamantayan ng industriya
  • Kung mali ang nailagay mong petsa ng kapanganakan, pwede mo pa ring maibalik ang access mo sa pamamagitan ng beripikasyon ng edad gamit ang kwalipikadong government ID na mga kredensyal. Pwede mo itong gawin sa pamamagitan ng:
  1. Gamit ang NFC-enabled government ID mo (tulad ng pasaporte) para lumikha ng World ID na Kredensyal, o;
  2. Gamit ang third-party na serbisyo namin para sa beripikasyon ng edad

Hindi kailanman ibabahagi o itatago ng World ang petsa ng kapanganakan mo o ang personal mong impormasyong ginamit para sa beripikasyong ito.

image

2. Pagbabantay ng taong operator

Ang mga Orb Operator sa World Network ay sinanay na tumanggi ng serbisyo kung naniniwala silang hindi natutugunan ng isang tao ang pinakamababang kinakailangang edad. Hindi sila hihingi ng ID, pero ituturo nila ang mga indibidwal sa third-party verification team para matulungan sila sa iba pang paraan ng beripikasyon ng edad.

3. Advanced na pagtukoy ng edad gamit ang Orb

Hindi lang doon natatapos ang paninidigan namin sa pagpigil sa mga menor de edad mula sa paggamit ng app. Ang Orb, isang espesyal na device para sa patunay ng pagkatao, ay gumagamit ng makabagong machine learning technology para matingnan kung mukhang pasok ang isang indibidwal sa kinakailangan edad ng World Network habang isinasagawa ang beripikasyon ng patunay ng pagkatao. Ginagawa ito gamit ang isang high-performance age assurance model na binuo para sa aktwal na paggamit sa totoong mundo.

Kung sa pagtataya ng model ay mukhang menor de edad ang isang indibidwal, agad na ititigil ang proseso ng patunay ng pagkatao at irerekomenda ritong makipag-ugnayan ito sa support o gumamit ng ibang paraan ng beripikasyon kung mayroon nito.

Age gating na inuuna ang pribasiya

Binabalanse ng paraan ng World sa age gating ang subok nang mga estratehiyang pinangangalagaan ang pribasiya. Kabilang sa mga aspeto ng pangangalaga sa pribasiya ang mga sumusunod:

Walang central storage: Hindi tulad ng maraming platform na nagtatago ng petsa ng kapanganakan sa mga profile ng user, hindi nagtatago ang World ng impormasyon tungkol sa edad. Mananatili lang sa device mo ang petsa ng kapanganakan mo.

Awtomatiko at hindi madaling dayain: Ang multi-layered system ay idinisenyo para maging awtomatiko at hindi madaling manipulahin, kaya't hindi na kailangan pang mano-manong pangasiwaan ang personal na impormasyon.

Idinisenyo para maging pribado: Kailangan lang naming malaman kung pasok ka sa kinakailangang edad ng Network para makasali, hindi ang eksaktong edad mo, petsa ng kapanganakan o iba pang personal mong detalye.

Pagbuo ng tiwala sa pamamagitan ng transparensiya

Ang pribado at komprehensibong age gating ay isa lang sa mga hakbang namin tungo sa pagbuo ng mapagkakatiwalaang network ng tunay na mga tao, kung saan ang pandaraya ay napipigilan namin. Patuloy naming gagawin ang mga sumusunod:

  • Pag-oopen source ng pangunahing mga bahagi ng teknolohiyang bumubuo sa World Network
  • Pagsailalim sa regular na mga third-party security audit
  • Pakikipagtulungan sa mga eksperto sa pribasiya at mga regulator
  • Pagbibigay sa mga miyembro network ng walang kapantay na kontrol sa datos nila

Sa panahon kung saan mabilis ang pag-angat ng AI at pahirap na nang pahirap na malaman ang pagkakaiba ng gawa ng tao sa artificial content, mas nagiging mahalaga ang pagkakaroon ng beripikadong network ng tunay na mga taong may angkop na edad. Ang komprehensibong age gating na ginagamit ng World ay tumutulong para manatiling mapagkakatiwalaan ang network ng tunay na mga tao, kung saan mapatutunayan ng mga indibidwal ang pagkatao nila habang pinangangalagaan ang pribasiya nila.

Pinagsama namin ang makabagong teknolohiya at mga prinsipyo ng disenyong inuuna ang pribasiya para mabuo ang pundasyon ng isang internet na inuuna ang mga tao. Isang lugar kung saan pwedeng makipag-ugnayan ang bawat isa nang may kumpiyansa, at kung saan alam nilang tunay na tao ang kausap nila sa isang ligtas na lugar na sumusunod sa mga batas.

Matuto pa

Para manatiling may alam tungkol sa World, bisitahin ang website ng World o mag-subscribe sa blog sa ibaba.

Pwede ka ring sumali sa araw-araw na usapan sa lahat ng social media channel ng World, o alamin pa ang mahahalagang impormasyon tungkol sa network sa pamamagitan ng pagbabasa ng World protocol whitepaper.