
Habang nagsusumikap ang mga mambabatas para patibayin ang mga batas para sa kaligtasan ng mga bata at mga pamantayang naaangkop sa edad, napipiga na ang mga digital platform na makumpirma ang edad ng mga user.
Pero karamihan sa mga ginagamit na pamamaraan ngayon—mano-manong pagtingin sa mga ID, mga selfie na isinumite ng user, mga third-party na tool sa beripikasyon—ay nangangailangan ng pangongolekta at pagtatago ng sensitibong personal na impormasyon. Ang mga pamamaraang ito ay maaaring makakompromiso ang pribasiya, mahirap ipalaganap, at madalas na naglalantad sa mga platform sa mga panganib sa seguridad ng datos. Mahina rin ang mga ito laban sa mga AI tool na nagbibigay-daan sa paglikha ng mataas na kalidad na mga pekeng larawan at ID.
Paano kung ang pagkumpirma ng edad mo ay hindi nangangailangan ng pagbibigay ng anumang datos?
Sa World ID, pwedeng makumpirma ang edad ng isang indibidwal nang pribado, ligtas, at hindi nagpapakilala—nang hindi ibinabahagi ang personal na impormasyon sa mga tagapagbigay ng serbisyo.
Isang Bagong Paraan: Pagtiyak sa Edad gamit ang World ID
Ipinakikilala ng World ID ang isang paraan makumpirma ang edad nang hindi kailangang magpakilala, at pinagagana ng mga zero-knowledge proof (ZKPs). Sa pamamaraang ito, mapatutunayan ng isang taong natutugunan nila ang kinakailangan na edad—tulad ng pagiging mas matanda sa 18 taong gulang—nang hindi ibinabahagi ang anumang impormasyon.
Paano Ito Gumagana:
Karamihan sa modernong mga pasaporte ay may kasamang NFC chip na may digital na pirma mula sa gobyerno na nagpapatunay sa awtentisidad ng dokumento. Sa pamamagitan ng World App, pwedeng i-tap ng mga indibidwal ang pasaporte nila sa telepono nila at idagdag ito bilang isang kredensyal. Babashin at i-eencrypt ng app ang kaugnay na impormasyon—kabilang ang petsa ng kapanganakan—at itatago lamang ito sa device ng indibidwal. Naging posible ito dahil sa Personal Custody feature, kung saan tinitiyak nitong walang dats ang mai-a-upload sa isang cloud o sentralisadong database.
Kapag kailangan kumpirmahin ng isang digital service na natutugunan ng isang indibidwal pinakamababang edad, gagamit ang World ng ZKP para makumpirma kung kwalipikado ang nasabing indibidwal. Ang online platform ay makatatanggap ng simpleng binary na sagot—oo o hindi—kung ang tao ay nakakatugon sa patakaran nila sa edad nang walang personal na impormasyon na ibinabahagi, kahit pa sa World. Mga dapat tandaan tungkol sa buong proseso:
- Walang dokumento ng pagkakakilanlan ang ibabahagi sa mga third party
- Walang petsa ng kapanganakan ang ibubunyag
- Walang serbisyo ang subaybayan
Ito ang pagtiyak sa edad, nang may lubos na pribasiya.
Paano gamitin ang World ID, ang pribadong pagtiyak ng edad
Madali at mabilis lang itong simulan:
- I-download ang World App
Walang kinakailangang biometric scan o pagbisita sa Orb. - Ilagay ang pasaporte mo sa seksyong ‘Opisyal na ID’.
Ang datos mo ay babasahin mula sa NFC chip at i-eencrypt lamang sa device. - Gamitin ang World ID mo sa mga kalahok na serbisyo para mapatunayan nang hindi nagpapakilala na natutugnan mo ang kinakailangang edad.






Ang pamamaraang ito ay gumagana nang maayos para sa mga serbisyong may pinakamababang kinakailangang edad (hal. 18+), at maaaring isama sa pamamagitan ng isang API sa mga tinatanggap na plataporma.
Ang World protocol ay likas na idinisenyo para sa pribasiya. Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang Private by design: A Guide to World’s Privacy Pillars and Whitepaper.
Manatiling may alam tungkol sa World
Para manatiling may alam tungkol sa World, bisitahin ang website ng World o mag-subscribe sa blog sa ibaba.
Maaari ka ring sumali sa pang-araw-araw na usapan sa lahat ng mga social media channel ng World, o makakuha ng karagdagang mahalagang impormasyon tungkol sa network sa pamamagitan ng pagbabasa ng World protocol whitepaper.