
Ipinapakita ng pinakabagong survey ng Pew Research tungkol sa AI ang isang mahalagang bagay tungkol sa digital na hinaharap natin. Tatlo sa bawat apat na Amerikanong sinurvey ang nagsasabing napakahalaga o mahalagang malaman kung ang content ay ginawa ng AI o ng tao. Ipinapakita ng resultang ito ang isang pundamental na katotohanan. Ang pagkamalikhain, pag-iisip, at koneksyong pantao ay may halagang hindi mapapalitan.
Bakit mahalagang alam natin ito
Isipin mo ang huling beses na may nabasa kang nakapukaw sa’yo, may napanood kang video na bumago sa pananaw mo, o may online na interaksyong nagpasaya ng araw mo. Bahagi ng dahilan kung bakit naging makahulugan ang mga sandaling ’yon ay ang kaalamang may ibang tao sa kabilang panig, isang taong naglaan ng oras, pagkamalikhain at malasakit sa'yo.
Kinukumpirma ng datos ng Pew ang alam na natin sa kutob. Kahit na dumarami ang kakayahan ng AI, idinadaing ng mga tao ang transparensiya. Gusto nilang malaman kung kailan sila nakararanas ng pagkamalikhain ng tao kumpara sa algorithmic output. Sinusuportahan nila ang tulong ng AI sa mga gawaing mayroong maraming datos—74% para sa weather forecasting, 70% para sa pag-detect ng mga krimen sa pinansya, at 66% para sa paglikha ng mga bagong gamot. Malinaw ang pattern: mahusay ang AI bilang isang tool para sa pagsusuri at pagtukoy ng pattern. Ang koneksyong pantao at pagkamalikhain ay nananatiling atin lang.
Ang kakulangan sa pagtitiwala at ang daan pasulong
At heto pa. Kahit gusto talaga ng mga Amerikanong matukoy ang pagkakaiba ng content na gawa ng tao mula sa AI, 53% ang umaaming wala silang tiwala sa kakayahan nilang gawin ito. Ang agwat na ito sa pagitan ng hangarin at kakayahan ay isang oportunidad para makabuo ng isang mas magandang bagay.
Kapag alam nating nakikipag-ugnayan tayo sa isang tunay na tao, magbabago ang lahat. Ipinapakita ng survey na lalong pinangangalagaan ng mga tao ang ugnayang tao-sa-tao sa mga personal na bagay. Nang tanungin sila tungkol sa papel ng AI sa matchmaking o espirituwal na patnubay, malaking mayorya ang nagsabing ang sadyang pantaong mga larangang ito ay dapat manatiling pantao.
Habang tinatahak natin ang mundong binabago ng AI, ipinapakita ng mga natuklasan ng Pew ang daang pasulong. Gusto ng mga tao ang mga benepisyo ng AI—ang kahusayan, ang analitikal na kapangyarihan, ang kakayahang magproseso ng napakaraming impormasyon. Gusto rin nilang mapanatili at maprotektahan ang mga espasyo para sa tunay na pagpapahayag at ugnayan ng mga tao.
Ang network ng tunay na mga tao
Tinutugunan ng World ang hamong ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga indibidwal ng pribado at ligtas na paraan para mapatunayang tao ang mga tao. Sa malakihang saklaw, tumutulong ang patunay ng pagkatao na maprotektahan ang tunay na interaksyon, bawasan ang manipulasyong ginamitan ng AI, at pangalagaan ang natatanging pagkamalikhain at ugnayang pantao na pinahahalagahan ng mga tao.
Ang 76% ng mga Amerikanong sinurvey na gustong malaman kung kailan sila nakikipag-ugnayan sa AI ang humuhubog sa digital nating hinaharap natin—may transparensiya, nakatuon sa mga tao, at binuo mula sa tunay na koneksyon. Sa mundong mas nagiging automated na, lalong nagiging mas mahalaga ang human premium sa paglipas ng bawat araw.