Dagdag pa rito, nagkaroon ng maraming external audit sa iba’t ibang bahagi ng tech stack, kabilang ang mula sa Theori, Trail of Bits, Nethermind at Least Authority. Saan ako makakukuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa pribasiya ng World? Makikita ang karagdagang materyal tungkol sa pribasiya sa sumusunod na mga link: https://world.org/privacy https://world.org/data-choice https://world.org/blog/developers/privacy-deep-dive https://world.org/privatebydesign-whitepaper Ang mas komprehensibong pagtatalakay sa lahat ng aspeto ng World Network ay makikita sa whitepaper.","description":"Gusto bang malaman ng World ang pagkakakilanlan ko? Hindi Hindi alam at hindi malalaman ng World kung sino ka Binuo ang World para lang malaman kung isa kang bukod-tanging tao Kailangan ba ng impormasyon tulad ng pangalan ko, email address, numero ng telepono, atbp para magamit ang World? Hindi Ang pinakamahalagang bagay sa World ay ang World ID, isang pribado at ligtas na paraan para mapatunayang mong isa kang bukod-tanging tao online","wordCount":5768,"inLanguage":"fil-ph"}

Mga Madalas Itanong Tungkol sa Pribasiya ng World

Oktubre 28, 2025 5 Minutong Pagbabasa

Gusto bang malaman ng World ang pagkakakilanlan ko?

Hindi. Hindi alam at hindi malalaman ng World kung sino ka. Binuo ang World para lang malaman kung isa kang bukod-tanging tao.

Kailangan ba ng impormasyon tulad ng pangalan ko, email address, numero ng telepono, atbp. para magamit ang World?

Hindi.

Ang pinakamahalagang bagay sa World ay ang World ID, isang pribado at ligtas na paraan para mapatunayang mong isa kang bukod-tanging tao online.

Hindi kailangan ang pangalan mo, email address, numero ng telepono, atbp. para magamit mo ang World ID.

Alamin pa ang tungkol sa World ID.

Sino ang may kontrol sa impormasyon ko pagkatapos maberipika ang World ID ko? 

Ikaw. Ipinatupad ng World ang Personal Custody. Ibig sabihin, ang impormasyon (mga larawan, metadata at nabuong datos) na nabuo ng Orb habang ibiniberipika nito ang pagkatao mo ay itatago sa device mo at tanging sa device mo lang. Ang impormasyon mo ay hindi kailanman itatabi ng Orb, kundi ipapadala ito sa device mo.

Sa pamamaraang ito, magkakaroon ka ng kontrol sa daloy ng datos na ito, hindi lang sa pagbura, kundi pati sa anumang magiging gamit nito sa hinaharap bago ito mabura.

Alamin pa ang tungkol sa Personal Custody.

Itinatabi ba ng Orb ang mga larawan ng biometrics ko?

Hindi. Ipadadala ang impormasyon mo sa sarili mong device at hinding-hindi ito itatabi ng Orb. Bukod pa rito, hindi bumibili, nagtatabi o nagbebenta ng datos ng biometrics ang World.

May mga proteksyon ba ang Orb para matiyak na protektado ang datos?

Oo. Ang una ay ang data minima approach. Bilang pagkilala sa kontrol ng mga tao sa datos nila, hindi kami nanghihingi ng maraming datos sa simula pa lang. Ito ang dahilan kung bakit ang Orb ay kumukuha lang ng mga larawan ng mukha at mga mata mo at ipapadala ang mga ito sa device mo, at hinding hindi itatabi ang mga ito sa mismong Orb.

Ang Orb ay may iba't ibang makabagong security feature na idinisenyo para matiyak na ang pansamantalang pag-compute ay isinasagawa nang ligtas at hindi maa-access ng sinumang walang awtorisasyon. Nilagyan ito ng makapangyarihang computing unit para magpatakbo ng ilang neural network nang sabay-sabay at real-time. Sa pamamagitan nito, mapatutunayan nito ang pagkatao ng isang tao at makakabuo ito ng patunay ng bukod-tanging pagkatao sa mismong device.

Nagsagawa ang mga security expert sa Trail of Bits ng isang specialized cybersecurity audit ng software ng Orb, na pwede mong tingnan dito, at kamakailan lang, nagsagawa rin ang team sa Theori ng isang Orb security audit.

Alamin pa ang tungkol sa mga paraan ng World para maprotektahan ang datos.

Alamin pa ang tungkol sa technical readout ng mga paraan para maprotektahan ang datos ng Orb.

Alamin pa ang tungkol sa open source hardware Orb at software ng Orb. 

Alamin pa tungkol sa mga security audit report ng World protocol.

Ligtas bang gamitin ang World? Napoprotektahan ba nito ang pribasiya ko kapag ginagamit ko ang World ID ko?

Oo. 

Kapag ginamit ng isang tao ang patunay ng pagkatao nila, o World ID, isang zero-knowledge proof (ZKP) ang pipigil sa mga third party na malaman ang public key ng nito o ma-track ito sa iba’t ibang app. Pinoprotektahan din ng mga ZKP ang paggamit ng World ID para hindi ito maiugnay sa anumang personal na datos. 

Gumagamit ang World ID ng open source protocol na kilala bilang Semaphore na nagpapatunay na ang mismong datos ng World ID (public key at nullifier) na ginagamit sa mga beripikasyon ay hindi maiuugnay sa pagkakakilanlan ng isang tao o sa paggamit ng World ID ng isang tao sa iba pang application.

Ang World ID ko ba ay isang grupo ng mga larawan ng iris ko?

Hindi. 

Ang World ID mo ay isang random na numerong binuo sa mismong device mo bago magsimula ang anumang pagsusuri ng pagkatao. Ginagamit lang ang Orb para maberipika ang World ID mo. 

Narito ang mangyayari kapag ipinaberipika mo ang World ID mo: Kabilang sa beripikasyon ng patunay ng pagkatao ang paggamit ng Orb, isang high-tech camera na kukuha ng mga larawan ng mga mata at mukha mo para matiyak na isa kang tunay at bukod-tanging tao. Isang beses lang mangyayari ang prosesong ito. Ipoproseso ng Orb ang mga larawang ito sa mismong device mo nang humigit-kumulang 10 segundo, titingnan kung hindi ka pa nakakapagpaberipika noon sa isang Orb, i-eencrypt ang mga larawan at ipadadala ang mga ito sa telepono mo bilang isang Personal Custody Package. Pagkatapos, ang mga larawan ay tuluyan nang buburahin mula sa Orb. 

Ang World ID ay malinaw na HINDI isang koleksyon ng mga larawan ng iris, at binuo ito para sa pribadong paggamit lamang. Dahil sa zero-knowledge proof technology, ang mga hakbang na ginamitan ng World ID ay hindi maiuugnay sa mga larawan ng iris ng isang tao, at hindi rin maipag-uugnay ng mga third party ang iba’t ibang hakbang na ginamitan ng World ID ng isang tao sa pamamagitan ng datos ng World ID.

Napoprotektahan ba nang sapat ang mga larawan ng iris?

Oo.

Ligtas na itinatago ang mga larawan ng iris sa mobile device ng may-ari ng World ID bilang isang Personal Custody package, hindi sa iba pang lugar. At ang pinakamahalaga, binura na ang lahat ang database ng mga iris code ng Tools For Humanity at World Foundation at wala silang access sa datos sa telepono ng may-ari ng World ID. 

Pagkatapos, gamit ang AMPC protocol, ang code ng bukod-tanging pagkatao ay pipira-pirasuhin at isasapribado, i-eencrypt, ipamamahagi, at ligtas na itatago ng iba’t ibang independiyenteng partido, kabilang na ang Nethermind, ang University of Erlangen-Nuremberg (FAU), Korea Advanced Institute of Science and Technology (KAIST), at ang UC Berkeley Center for Responsible Decentralized Intelligence (RDI).

Alamin pa ang tungkol sa makabagong paraang ito para maprotektahan ang pribasiya.

Sinusuportahan ba ng community ang mga pamamaraan ng World sa pagprotekta sa pribasiya?

Oo. Sa kanyang masusing pagtalakay sa patunay ng pagkatao, sinabi ng tagapagtatag ng Ethereum na si Vitalik Buterin na ang mga specialized hardware tulad ng Orb ang pinaka-epektibong opsyon para maprotektahan ang pribasiya kapag nagpapatunay ng pagkatao sa ngayon.

Dagdag pa rito, nagkaroon ng maraming external audit sa iba’t ibang bahagi ng tech stack, kabilang ang mula sa Theori, Trail of Bits, Nethermind at Least Authority.

Saan ako makakukuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa pribasiya ng World?

Makikita ang karagdagang materyal tungkol sa pribasiya sa sumusunod na mga link:

Ang mas komprehensibong pagtatalakay sa lahat ng aspeto ng World Network ay makikita sa whitepaper.

Footnotes

Binago ang blog na ito noong ika-28 ng Oktubre, 2025.

Paunawa

Ang nilalaman sa itaas ay patungkol lamang sa petsang nakasaad. Bukod pa rito, napapailalim ito sa mga panganib, kawalan ng katiyakan at mga pagpapalagay, kung kaya't maaaring maging mali ito at maaaring magbago nang walang abiso. Matatagpuan ang buong pagtatanggi sa aming Mga Tuntunin sa Paggamit at ang Mahahalagang Impormasyon Para sa User ay matatagpuan sa aming Mga Panganib na pahina.