
Kinakailangan na ngayon ang beripikasyon ng edad sa maraming digital platform sa buong mundo, pero karamihan sa mga system na ito ay lumilikha ng panibagong panganib para sa datos ng user at pribasiya nila. Tatalakayin ng artikulong ito kung bakit mas mapanganib para sa lahat ang beripikasyon ng edad na gumagamit ng dokumento, at kung paano nagbibigay ang teknolohiyang inuuna ang pribasiya tulad ng World ID ng mas ligtas na paraan para sa mga konsumer at platform.
Sa unang bahagi ng buwang ito, may isang teenager na sumubok sumali sa isang sikat na social platform. Hiningan siya ng website ng driver’s license niya, isang selfie at kaunting pasensya habang ibiniberipika nila ang edad niya. Makalipas ang tatlong araw, ninakaw ng mga hacker ang datos niya kasama ang 69,999 iba pa.
Maligayang pagdating sa salungat na epekto ng beripikasyon ng edad: mga system para maprotektahan ang mga menor de edad pero nauuwi sa paglalantad ng datos ng lahat.
Ang kasaysayan ng beripikasyon ng edad: mula checkbox hanggang data vault
Dati, simple lang ang beripikasyon ng edad. Pipindutin mo lang ang kahon para kumpirmahing 18 ka na. Ngayon, madalas ay kailangan mo nang mag-upload ng tunay na ID, at nakakasagasa ito sa pribasiya. Bakit kailangan mong ibigay sa isang online platform ang driver’s license mo para lang makapanood ng isang trailer ng pelikula?
Ngayon, marami sa mga gaming platform, social network at adult site ay mayroon na, o nagbabalak, gumawa ng mga paraan para makalikha ng mga database ng nakolekta nilang mga government ID at iba pang personal na datos.
Ang masalimuot na kalakaran ng regulasyon
Nagpapatupad ngayon ang mga regulator sa buong mundo ng mga patakaran para panatilihing ligtas ang mga menor de edad, pero karamihan sa ginagamit na mga pamamaraan ay may malinaw na kakulangan. Kabilang sa mga ito ang:
- Idineklarang edad: Madaling magsinungaling dito, kaya't wala talaga itong proteksyon
- Pag-upload ng dokumento: May panganib ng malawakang pagkakalantad ng datos at pagnanakaw ng pagkakakilanlan
- Pagtatantiya ng edad mula sa mga selfie: Nangangailangan ng sentralisadong pagtatabi ng datos ng biometrics, at kadalasang may mga taong sumusuri ng mga larawan
- Credit card authorization: Hindi isinasama ang mga mas nakababatang nasa hustong gulang na walang credit history at lumilikha ng mga bakas ng pinansyal na datos
- Beripikasyon ng Tax ID: Iniuugnay ang online na aktibidad sa mga tala ng gobyerno, kaya't may mga pag-aalala sa pagmamanman ng gobyerno at maaaring hindi magamit ng mga menor de edad
Ang bawat pamamaraan ay may kapalit na problema. Ang pagprotekta sa mga menor de edad ay hindi dapat ilagay sa panganib ang seguridad ng datos ng lahat.
Ang karerahan sa pangongolekta ng datos
Ito ang totoo: kailangan nating pagkatiwalaan ang bawat website para kanya-kanyang protektahan ang napakalalaking mga imbakan ng mga dokumento ng pagkakakilanlan, at napakainit ng mga ito sa mata ng mga kriminal. Kapag hindi na-leak o nalantad na ang mga database na ito, hindi lang basta mga nakompromisong account ang maaapektuhan. Ang mga high-resolution na dokumento ng gobyerno ay nagiging mga susi sa panloloko gamit ang credit card, pag-access sa mga bangko at mga sintetikong pagkakakilanlan. Ang mga mekanismong dapat sana’y poprotekta sa'tin ay gagamitin laban sa'tin.
Isipin ang sukat: isang dating app lang ay maaaring magtago ng milyun-milyong driver’s license. Isang social network para sa teens ang nag-iimbak ng mga passport mula sa dose-dosenang bansa. Isang gaming platform ang nagmamantine ng mga facial scan at government ID. Bawat platform ay nagiging target, at pinalalaki ng bawat paglabag ang panganib para sa mga user na ipinagkatiwala ang pagkakakilanlan nila sa maraming serbisyo.
Q: Ano'ng mangyayari sa mga dokumento ko pagkatapos ko itong i-upload para sa tradisyonal na mga system ng beripikasyon ng edad?
A: Maraming platform ang nagsesentralisa ng personal na mga dokumento para sa pagproseso at training. Mainit ang mga database na ito sa mata ng mga hacker. Kahit pa mangako ang isang platform na buburahin ang mga dokumento mo, pwedeng manatili ang datos sa mga backup, mga partner system o sa mga nakompromisong systen nang hindi mo malalaman. Iba ang iniaalok ng World.
Ang alternatibong patunay ng pagkatao
Sa pamamagitan ng World ID, isang pribadong teknolohiya para sa patunay ng pagkatao, hindi na ito mangyayari pang muli. Sa halip na mag-upload ng mga dokumento sa maraming app at serbisyo, magbibigay ka na lang ng patunay ng edad mo sa pamamagitan mga kredensyal na pinoprotektahan ang pribasiya mo.
Matatanggap lang ng app o serbisyo kung ano ang kailangan nito: cryptographic na kumpirmasyong pasok ka sa kinakailangang edad. Walang pangalan. Walang address. Walang dokumentong itatabi sa mga server na naghihintay lang na ma-breach o malantad sa mga hacker.
Idinisenyo para maging pribado, hindi lang pangako
Sa tradisyonal na beripikasyon ng edad, hihilingin nito sa'yong magtiwala na mapoprotektahan ng mga platform ang datos mo. Sa World, hindi mo na kailangan pang magbigay ng tiwala dahil hindi ito nangongolekta ng personal na datos sa umpisa pa lang. Mangyayari ang beripikasyon sa device mo, at iisang patunay lang ang lalabas sa telepono mo—isang matematikal na kumpirmasyong walang inilalantad tungkol sa pagkakakilanlan mo.
Higit pa ito usapin tungkol sa edad. Isinapribado ang mga World ID at kayang patunayang bukod-tangi kang tao nang hindi ka makikilala. Isang tao, isang account, pero may ganap na pribasiya. Wala nang pekeng profile na naglipana sa mga platform. Wala nang database ng mga government ID na tukso sa mga hacker.
Q: Paano ba talaga pinoprotektahan ng beripikasyon ng edad na pinangangalagaan ang pribasiya ang impormasyon ko?
A: Sa World ID, hinding-hindi makakalabas sa device mo ang datos mo at hindi ito ibabahagi sa mga third party. Gumagamit ang system ng zero-knowledge cryptography para bumuo ng patunay na pasok ka kinakailangan edad nang hindi nagpapadala ng anumang personal na impormasyon. Tumatanggap lang ang platform ng "oo o hindi" na signal, wala nang iba pa.
Pagpapatupad sa tunay na buhay: Match group at higit pa
Gagamitin ng Match Group ang teknolohiya ng World ID para sa beripikasyon ng edad sa mga dating app. Mapatutunayan ng mga taong nasa hustong gulang na sila nang hindi isinusuko ang pagkakakilanlan nila o personal nilang impormasyon. Ang parehong teknolohiyang pumipigil sa pag-access ng mga menor de edad ay siya ring sumusugpo sa catfishing at mga bot account.
May epekto ito sa lahat ng platform na kailangang magpatupad ng beripikasyon ng edad. Pwede nang sumunod ang mga gaming company sa mga regulasyon nang hindi gumagawa ng mga database ng pagkakakilanlan. Mapoprotektahan ng mga social network ang mga menor de edad nang hindi nagiging puntirya ng mga hacker. Matutugunan ng mga content platform ang mga legal na kinakailangan habang mas napoprotektahan ang kaligtasan ng mga user.
Ang desisyong kinakaharap ng mga platform
Pwedeng magpatuloy ang mga platform sa pangongolekta ng mga ID, isang proseso na lumilikha ng panganib sa pribasiya at seguridad, o puwede nilang yakapin ang mga teknolohiya para sa beripikasyon na pinoprotektahan ang mga tao laban sa hindi angkop na content at pagnanakaw ng datos.
Ang Zero-knowledge proofs ay isang magandang paraan na makapagpapalaya sa mga platform sa pangangailangang magtabi ng sensitibong mga dokumento.
Maiiwasan ang salungat na epekto ng beripikasyon ng edad. Mayroon tayong mga paraan para maprotektahan ang mga menor de edad nang hindi inilalagay ang lahat sa panganib. Ang tanong ay kung tatanggap ba ang mga platform ng mga solusyong inuuna ang pribasiya bago pa magkaroon ng susunod na paglalantad ng datos na magiging laman ng balita.
Mga Madalas Itanong
Bakit delikado ang pagtatabi ng datos para sa beripikasyon ng edad?
Sa beripikasyong gumagamit ng mga dokumento, kailangang mangolekta at magtabi ng mga platform ng sensitibong dokumento ng pagkakakilanlan tulad ng driver’s license at pasaporte. Mainit sa mata ng mga hacker ang mga sentralisadong database na ito. Kapag pinuntirya nila ang mga ito, magagamit ang mga nakaw na dokumento para sa pagnanakaw ng pagkakakilanlan, panloloko sa pera at magdudulot ng pangmatagalang pinsalang higit pa sa apektadong platform.
Masosolusyunan ba ng facial recognition ang beripikasyon ng edad nang hindi inilalagay sa panganib ang pribasiya?
May mga isyu din sa paggamit ng mga facial estimation system na may kinalaman sa pribasiya. Kailangan ng mga ito ng sentralisadong imbakan ng datos ng biometrics para i-train at i-improve ang accuracy ng mga ito. Marami ring system ang gumagamit ng mga tao para mano-manong suriin ang mga larawan kapag mababa ang AI confidence. Itinuturing ng mga regulator na kasing-problematiko ng pangongolekta ng mga dokumento ang mga database na ito ng biometrics, at may dagdag pa itong alalahanin tungkol sa pagmamanman at pagkiling.
Paano nagbeberipika ang World ID ng edad nang hindi nangongolekta ng personal na impormasyon?
Gagamitin ng World ID ang device mo para basahin ang secure chip sa pasaporte mo, kukumpirmahin ang edad mo sa mismong device mo at bubuo ng zero-knowledge cryptographic proof. Ipapakita ng proof na ito kung pasok ka sa kinakailangang edad nang hindi inilalantad ang pagkakakilanlan mo, petsa ng kapanganakan o iba mo pang personal na detalye. Ang platform ng beripikasyon ay tumatanggap lang ng matematikal na kumpirmasyon, walang dokumento, walang biometric storage, walang panganib ng data breach.
Bakit mas mainam para sa mga platform ang beripikasyon ng edad na pinoprotektahan ang pribasiya?
Sa pamamagitan ng system na pinoprotektahan ang pribasiya, hindi na kailangan pang magtabi ng sensitibong dokumento, kung kaya't hindi na dapat pang ipag-alala ang tungkol sa pananagutan mo rito, maging sa seguridad ng mga ito. Maiiwasan ng mga platform na mapuntirya ng mga data breach, ginagawang mas simple ang pagsunod sa mga regulasyon at bumubuo ng tiwala sa mga user. Pinipigilan din ng teknolohiya ang pekeng account at mga bot habang pinoprotektahan ang pribasiya ng user. Nilulutas nito ang maraming problema nang hindi lumilikha ng bagong mga vulnerability o kahinaan.
Alamin pa kung paano pinoprotektahan ng World ID an pribasiya mo sa world.org.