Sa Wakas, Pagtitiwala sa Panahon ng AI

May 01, 2025 7 Minute Read

Ang pagkakaiba ng human at artificial intelligence ay pakaunti nang pakaunti sa paglipas ng bawat araw. Ang dati'y nasa science fiction lang ay bahagi na ng realidad natin ngayon: Nakalilikha na ang AI ng mga larawan, boses, at video na parang totoo, kaya’t pahirap na nang pahirap malaman kung alin ang tunay na interaksyon ng mga tao mula sa panggagaya lang ng AI.

Ang pagbeberipika ng pagkakakilanlan ng mga tao ay bigla nang naging mahalaga, at hindi na pilosopikal. Kapag naglalaro tayo online, nakikipag-date sa mga app, o naghahawak ng pera natin, kailangan nating malaman kung sino ang tunay na mga tao. Sa World, makatitiyak ka tungkol dito sa pamamagitan ng isang simpleng teknolohiyang kinukumpirma kung ikaw ay tao habang pinananatiling pribado ang personal mong impormasyon at ikaw lang ang makakaalam ng mga hakbang mo sa internet.

World Network

Isang simpleng plano ang humubog sa paglalakbay ng World mula konsepto patungong realidad, isang bagay na patuloy na gumagabay sa bawat aspeto ng trabaho namin:

  • Ilatag ang pundasyon: Lumikha ng isang sistema ng patunay ng pagkataong pinoprotektahan ang pribasiya at madaling mapalawak, kung saan kaya nitong tumbasan kahit pa ang pinaka-advanced na mga AI system
  • Ilunsad ang network: Gamitin ang sistemang ito para ipakilala ang isang digital token, malawakang mamahagi ng pagmamay-ari nito at gamitin ito bilang mekanismo para maging independyente ito
  • Maging kapaki-pakinabang: Abutin ang critical scale na kinakailangan ng network para maging kapaki-pakinabang ito at magamit ito nang pangmatagalan
  • Idesentralisa: Ilihis ang pokus tungo sa desentralisasyon ng buong imprastraktura para matiyak na walang magiging single point of failure
  • Abutin ang buong mundo: Palawakin ito sa bilyun-bilyong user sa buong mundo, dala ang mga benepisyo ng network na ito na nakatuon sa mga tao at AI para sa lahat, saanman sila naroon

Ang bisyon na ito ay nagiging realidad na. Sa nakaraang anim na buwan, halos dumoble ang network namin sa 26 milyong user, kung saan 12 milyon dito ang beripikadong tao sa buong mundo. Ang nagtulak sa paglagong ito ay ang pangunahing pangangailangan ng mga tao na matukoy sila bilang mga tao, makipag-ugnayan nang may kumpiyansa, at mapanatili ang kontrol sa digital nilang pagkakakilanlan. Ito mismo ang ibinibigay ng World: isang network kung saan nananatiling totoo ang pakikipag-ugnayan ng mga tao, kung saan pinoprotektahan nito nang kusa ang pribasiya, at kung saan ang mga tao ang pinagsisilbihan ng teknolohiya.

Paglulunsad sa Estados Unidos at Pagpapalawak sa Buong Mundo

Hanggang ngayon, may mahalagang pagkukulang sa pagpapalakawak namin sa buong mundo: ang Estados Unidos. Mula ika-1 ng Mayo, ang World at ang lahat ng kaugnay na serbisyo nito ay magiging available na sa Amerika — ang sentro ng inobasyon sa AI. Ang paglulunsad na ito ay magbibigay-daan para magamit nang buo ng mga Amerikano ang World: ang pagkakaroon ng beripikadong World ID, access sa Worldcoin (WLD) token, at ang lumalagong ecosystem ng mga application na nabuo nang dahil sa pundasyon ng World, ang beripikasyon ng pagkatao.

Pero ang anunsyong ito ay higit pa sa Estados Unidos at saklaw nito ang buo naming ecosystem: ang next-generation Orb technology, mga bagong World ID partnership, mga Worldcoin development para magamit ito nang pangmatagalan, at ang World App 4.0. Ang bawat pagbabagong ito ay sumasalamin sa pangunahing misyon namin: ang paglikha ng teknolohiyang kayang tumutukoy sa pagkakaiba ng tao mula sa AI sa panahon kung saan lumalaki ang kahalagahan ng pagtukoy sa pagkakaiba ng mga ito.

Ang Hamon sa Patunay ng Pagkatao

Isa sa mga pangunahing hamon ng computer science ay ang Turing test, ang pagtukoy kung kaya nating malaman ang pagkakaiba ng mga tao mula sa AI online. Sa loob ng ilang dekada, para lang itong teoretikal na problemang mukhang matagal pang mangyayari. Pero nang ilunsad ng ChatGPT, malinaw na nararanasan na natin ito. Ang mga AI system ngayon ay kaya nang lumikha ng kapani-paniwalang mga larawan, bumuo ng mga makatotohanang boses, at gumawa ng mga video na mahirap nang malaman kung totoo o hindi.

Dahil nagiging mas sopistikado na ang mga teknolohiyang ito, kailangan natin magkaroon ng bagong pamamaraan: isang maaasahang paraan para mapatunayan ang pagkabukod-tangi ng isang tao sa isang artipisyal na mundo ng internet. Sumubok na kami ng hindi na mabilang na mga potensyal na solusyon, tulad ng pagggamit ng mga smartphone camera ngayon, government ID infrastructure, at mga nalikha nang online account, sa pag-asang hindi na namin kailangan pang bumuo ng custom hardware. Mukhang epektibo ang bawat pamamaraang sinubukan namin, hanggang sa sinubok namin ang mga ito laban sa pangunahin naming mga kinakailangan: aksesibilidad sa buong mundo, tunay na inklusibidad, at ang mahalagang proteksyon ng pribasiya.

Pagkatapos naming magsagawa ng malawakang pagsasaliksik, napag-alaman naming kailangan talaga naming bumuo ng sarili naming verification device. Ang Orb ay nabuo mula sa pangangailangan ito, isang sistemang binuo para mabigyan kami ng buong kontrol sa proseso ng beripikasyon, habang itinatatag namin ang tunay na maaasahang pandaigdigang network ng patunay ng pagkatao.

Ang Ebolusyon ng Orb

Ang pinakabagong henerasyon ng Orb na pinagagana ng mga NVIDIA Jetson processor na siyang nagpapatakbo sa mga sopistikadong AI model na may mga light at infrared sensor ay malapit nang sumailalim sa produksyon. Isa itong mahalagang manufacturing milestone habang sinisimulan namin ang pag-aassemble sa Richardson, Texas, at dahil dito, maipalalaganap namin ang teknolohiya ng beripikasyon sa buong Amerika sa bilis na wala pang nakapapantay. Ang lawak ng plano namin sa pag-dedeploy ay ambisyoso: 7,500 Orb sa buong Estados Unidos sa susunod na 12 buwan — apat na beses kumpara sa dami ng idine-deploy namin ngayon sa buong mundo.

Binago namin ang lahat tungkol sa pagbeberipika sa bago naming self-service flow. Ang sistema ay umaangkop sa bawat indibidwal, natutukoy ang tangkad mo, nagbibigay ng intuwitibong gabay kung kinakailangan (tulad ng pagpapatanggal sa’yo ng salamin mo), at tinitiyak ang seguridad ng datos mo sa buong prosesong ito. Kapag natapos na ang beripikasyon, ligtas na ililipat ang datos mo sa device mo at tuluyan nang buburahin mula sa Orb.

Ang pinakamahalaga naming anunsyo ay ang pagpapakilala ng Orb Mini, isang portable device para sa pagbeberipika. Sa pamamagitan ng maliit na sistemang ito, magagamit ito mismo ng mga tao, at nagbibigay-daan para makapagpalawak kami nang sampu pang beses at maiberipika ang bilyun-bilyong tao sa buong mundo. Bumubuo rin kami ng mga module na maaaring direktang isama ng iba pang mga manufacturer sa sarili nilang mga produkto, para mas maging accessible pa ito para sa lahat.

Sa buong ebolusyon namin, mula sa pinakaunang naming mga prototype hanggang sa kasalukuyan naming sopistikadong mga device, hindi nagbabago ang pangunahin naming misyon: ang paglikha ng teknolohiya sa pagbeberipikang simple lang gamitin at epektibo para sa lahat, maging sinuman sila o saanman sila naroroon.

World ID: Para Magkaroon ng Pakinabang ang Patunay ng Pagkatao

Mula nang magsimula ang network na ito, natukoy namin ang tatlong pangunahing lugar kung saan pinakamahalaga ang patunay ng pagkatao: sa gaming, dating at mga social network. Kinahaharap ng mga sektor na ito ang mga hamong kailangang pagtuunan ng pansin habang umaangat ang AI, kung saan magkakaiba ang kinakailangang pamamaraan para sa beripikasyon ng pagkatao.

Ang mga tradisyunal na paraan ng beripikasyon tulad ng mga numero ng telepono o mga CAPTCHA test ay hindi na makatutugon sa mga hamong ito. Sa pamamagitan ng World ID, mapoprotektahan ang pribasiya ng user nang hindi isinasakripisyo ang personal nilang datos, para maipanumbalik ang awtentisidad ng pakikipag-ugnayan sa internet kung saan ito pinakamahalaga.

Ipinapakita ng mga partnership namin sa gaming at dating kung paano mai-integrate ang World ID sa mga platform ngayon para maibalik ang pagtitiwala at awtentisidad. Bagama’t ang mga social network ang kumakatawan sa ikatlo naming pangunahing pokus, patuloy pa rin kaming bubuo ng mga partnership sa lugar na ito para matugunan ang pagkalat ng mga AI content na isang banta sa makabuluhang interaksyon.

Gaming: Pagpapanatili ng Patas na Paglalaro sa Mundo ng AI

Kinakaharap ng gaming ay isang kritikal na pagbabago. Noon, ang mga AI bot ay may mahalagang pakinabang — nagsisilbi silang kalaban para sa pagsasanay ng mga bagong player at pinupunan ang mga bakanteng pwesto sa mga multiplayer match. Kung magaling ka sa isang game, malaking tulong ang mga bot dahil pwede kang mag-training laban sa kanila. 

Pero malaki na ang ipinagbago nito. Dahil sa mga AI system ngayon, hindi na halos nagkakaiba ang kakayahan nito sa mga taong player, at sa susunod, mahihigitan na nito ang propesyonal na mga gamer sa lahat ng competitive game.

Kung hindi na natin matutukoy ang pagkakaiba ng pagkapanalo ng tunay na mga tao mula sa AI, mawawalan na ng saysay ang pakikipagtunggali. Ang tanong na ngayon: bakit pa dapat magsanay sa isang laro kung mas magaling na ang AI kaysa sa pinakapursigidong mga player?

Tinutugunan ng partnership namin sa Razer ang hamong ito sa pamamagitan ng paglalagay ng beripikasyon ng pagkatao sa mismong gaming ecosystem sa ilalim ng tatlong pangunahing inisyatiba:

  • Pag-integrate ng World ID sa Razer ID, para magkaroon ng pamantayan para sa beripikadong human gaming identity na gumagana sa iba't ibang platform at game
  • Pag-install ng mga Orb sa mga lokasyon ng RazerStore sa buong Estados Unidos, para mapadali ang beripikasyon para sa mga gamer kung saan sila madalas nagtitipon-tipon
  • Paglikha ng "League of Humans" tournament series, kung saan ang lahat ng kalahok ay beripikadong mga tao, para matiyak ang patas na kompetisyong walang kasaling AI

Ang mga inisyatibang ito ay tumutulong na mapanatiling pantao lang ang gaming, isang lugar kung saan ang kasanayan, pagkamalikhain at kompetisyon ay nananatiling makahulugan kahit patuloy na umaangat ang mga kakayahan ng AI.

Dating: Pagtiyak sa Tunay na Pakikipag-ugnayan

Ang mga dating app na siguro ang pinakaangkop na mga application para sa beripikasyon ng pagkatao, dahil ang buong katuturan nito ay ang pakikipag-ugnayan sa isa pang tunay na tao. Kung hindi matitiyak ng mga user na nakikipag-ugnayan sila sa tunay na mga tao, mawawalan na nang saysay ang pangunahing layunin ng mga dating platform.

Direktang hinaharap ng partnership namin sa Match Group ang hamong ito. Bilang isa sa pinakamalalaking mga kumpanya ng dating sa buong mundo, nagsusumikap silang gawing pinakamaganda at pinakaligtas na paraan ang mga app nila para makakilala ng mga tao, kung saan pagtitiwala at pagiging totoo ang pangunahing prayoridad nito.

Simula sa Tinder sa Japan, magpapakilala kami ng isang simpleng verification flow na magbibigay-daan sa mga indibidwal na makapagpaberipika gamit ang World ID. Magpapadala ito ng impormasyon na pinoprotektahan ang pribasiya ng user, kung saan mapatutunayan nila ang pagkatao nila nang hindi makokompromiso ang personal nilang datos. Makikita ng mga user ang indikasyong nagpapakita kung beripikadong tao ang kausap nila, para mas magkaroon pa ng pagtitiwala sa platform.

Ang beripikasyong ito may ambag na mahalagang aspeto ng kumpiyansa sa isang lugar kung saan tunay na pakikisalamuha ang tanging layunin nito. Sa patuloy na pagbabago ng partnership namin, titingnan namin ang iba pang paraan ng beripikasyon sa buong portfolio ng mga dating service ng Match Group.

Worldcoin — Pangmatagalan at Desentralisasyon

Mula sa simula, binuo namin ang World para maging isang open protocol sa halip na isang closed system. Ang dahilan ay malinaw: ang beripikasyon ng patunay ng pagkatao ay sadyang napakahalaga para lang makontrol ng sinumang iisang entidad, kabilang na kami.

Ang Worldcoin ay isang mahalagang bahagi ng bisyong ito mula pa noong unang araw na sinimulan ito. Noong una, nagsilbi itong mekanismo ng pagpapasimula ng World nang hindi umaasa sa iba, at nakatulong sa pagpapalawak ng network sa mahigit 12 milyong beripikadong tao at 26 milyong account sa buong mundo. Pero hindi lamang paunang pagpapalago ang layunin nito.

Sa pagsisimula ng napakahalagang ikalawang yugto ng paglalakbay namin, nakatuon kami sa pagbuo ng pangmatagalang imprastruktura. Para magtagumpay ang anumang protocol sa buong mundo, dapat nitong itaguyod ang pagtitiwala para sa lahat. Kailangan ng tatlong bagay para rito: teknolohiya na ganap na open source para matingnan ito ninuman, pamamahalang hindi kontrolado ng iisang entidad at arkitekturang imposible para sa sinuman na "ma-off" ang network.

Ang Worldcoin ay nagbibigay-daan para maging pangmatagalan ito: sa pamamagitan ng isang transparent fee structure kung saan makikinabang ang lahat ng user nito. Gumagastos na ang mga kumpanya ng daan-daang milyon para lang malabanan ang mga bot at makalikha ng espasyong pantao lang. Sa pamamagitan ng paggamit ng pamumuhunang ito sa World ID fees, magkakaroon na ng balanseng ecosystem kung saan nakikinabang ang mga application mula sa beripikasyon ng pagkatao habang ang mga infrastructure provider naman ay nakapagtatayo ng mga negosyong pangmatagalan.

Ang transisyon namin tungo sa ganap na desentralisasyon ay may malinaw na mga layunin. Sa huling bahagi ng 2026, inaasahan naming maabot ang huling yugto, ang paglikha ng isang ecosystem kung saan walang iisang organisasyon, kabilang na ang sa amin, ang kayang makontrol o mapigilan ang network.

Mula sa paghahandang ito, dadalhin na namin ang Worldcoin sa kung saan kami nagsimula. Simula ngayon, ang Worldcoin ay available na sa Estados Unidos. Bilang pagdiriwang sa pagbabalik namin at para kilalanin ang mga naunang gumamit nito, ipinakikilala ng World Foundation ang Pioneer Grant, kung saan magbibigay kami ng 150 WLD para sa mga user sa Estados Unidos na mag-dadownload ng World App bago ang anunsyo namin sa araw na ito.

World App 4.0: Ang Super App para sa mga Tao sa Panahon ng AI

Sa World App 4.0, malalaman mo kung ano ang magiging hitsura ng teknolohiya kapag idinisenyo ito para unahin ang mga tao. Binago namin ang bawat aspeto ng user experience para makalikha ng isang platform kung saan ang beripikado mong pagkakakilanlan, mga financial tool at mga social connection ay gumagana nang maayos nang magkakasama, at binuo ito para sa panahon ng AI.

Mini Apps Ecosystem

Pambihira ang naging demand sa Mini Apps platform, kung saan higit sa kalahating bilyong beses na ito ginamit ng mga tao mula nang inilunsad ito. Pinagsasama-sama ng mga Mini App ang beripikasyon ng pagkatao at mga financial tool para makalikha ng mga karanasang imposible lang noon, at ang lahat ng iyan ay pwedeng ma-access sa World App.

Idinisenyo naming muli ang Mini Apps ecosystem kung saan madali itong makauunawa sa gusto mong gawin, at mas pinadali na rin pag-navigate sa mga App, Game at Coin. Ang interface ay mayroon nang mga widget na ipakikita sa’yo ang impormasyong mahalaga para sa’yo, para mas madali kang makahahanap at makadidiskubre ng bagong mga app.

Ang Kalshi Mini App ay ang pinakamagandang halimbawa ng potensyal na ito. Ilulunsad ito ngayon para sa mga user sa Estados Unidos, at makikita rito ang binabantayang mga prediction market sa mismong World App sa pamamagitan ng Zero Hash integration. Nagbibigay-daan ito sa mga user na makibahagi sa mga prediction market gamit ang Worldcoin nila, para mapagsama nang maayos ang digital identity at financial engagement.

World Chat

Ang nagsimula lang bilang isang eksperimental na Mini App ay sumikat nang husto, kaya’t isinama namin ito bilang pangunahing feature ng World App 4.0. Sa World Chat, ang mga mensahe mo ay naka-encrypt, at may mahalagang pagkakaiba ito dahil tinutugunan nito ang isang pangunahing problema sa panahon ng AI: agad mong makikita kung ang kausap ay isang beripikadong tao.

Ang World Chat ang tulay sa pagitan ng komunikasyon at pananalapi, para makapag-attach ka ng pera mo sa mga mensahe mo na kasing dali lang ng pag-aattach ng larawan o voice message. Lumilikha ito ng isang lugar kung saan ang mga usapan at transaksyon ay dumadaloy nang natural. Ang lahat ng iyan sa loob ng isang lugar kung saan ang pagkakakilanlan ng tao ay ibineberipika at pinoprotektahan.

Mas Pinagandang Imprastruktura ng Pananalapi

Lumago ang payment network namin, kung saan higit sa 350 milyong transaksyon ang ipinoproseso namin, higit sa doble mula sa 150 milyon sa loob lang ng anim na buwan. Sa bago naming wallet, mas magiging maayos ang paggamit mo nito sa pamamagitan ng intuitive navigation at makapangyarihang mga feature:

  • Pandaigdigang Currency Hub: Sa pamamagitan ng partnership namin sa Circle, magkakaroon na ng maaasahang mga stablecoin sa platform na nagbibigay-daan sa pananalapi sa buong mundo, gamit ang pinakarespetadong mga digital currency sa mundo
  • Pagpapadala sa Ibang Bansa: Magpadala ng pera sa mga kaibigan at pamilya kahit saan agad-agad nang walang bayad, isang malaking solusyon para sa pagpapadala ng pera sa ibang bansa na karaniwan ay magastos at natatagalan
  • DeFi Integration: Dala ng bagong Morpho Mini App ang sopistikadong mga pinansyal na serbisyo sa mismong wallet mo, para makahiram ka ng pera base sa mga asset na mayroon ka ngayon habang pinananatili ang buong kontrol mo rito

Ang komprehensibong pamamaraan na ito sa imprastruktura ng pananalapi ay nagbibigay ng kumpletong sistema ng pananalapi na gumagana para sa mga tao sa panahon ng AI. Pinagsasama-sama nito ang pinakamaiinam na mga bagay tungkol sa tradisyonal na pananalapi at ang makabagong kakayahan ng mga digital asset.

Stripe + World

Ang bisyon namin para sa tuloy-tuloy na mga transaksyong pinansyal ay higit pa sa wallet lang. Sa pamamagitan ng partnership namin sa Stripe, ang mga World App user ay malapit nang makapagbayad sa mismong mga Stripe-enabled website at application sa pamamagitan lang ng isang tap.

World Card

Ang huling bahagi ng financial ecosystem namin ay mula sa partnership namin sa Visa. Ang World Card ay nakakonekta sa mismong World App wallet mo, para magamit mo ang mga digital asset mo sa mahigit 150 milyong merchant sa buong mundo. Ang tulay na ito sa pagitan ng tradisyonal na komersyo at digital asset ay kumakatawan sa bisyon namin para sa pananalapi sa panahon ng AI.

Ang Plano Para sa Hinaharap

Magsisimula sa ika-1 ng Mayo ang paglulunsad namin sa Estados Unidos, sa anim na sentro ng inobasyon: sa Union Square sa San Francsico, Los Angeles, Miami, Atlanta, Austin at Nashville. Susundan ito ng Seattle, Las Vegas, San Diego, at Orlando. Ang mga lokasyong ito ay kumakatawan lang sa unang mga hakbang ng mas ambisyoso naming plano. Ang tunay na saklaw ng bisyon ay maisasakatuparan namin sa pamamagitan ng pag-dedeploy ng 7,500 Orb sa buong Estados Unidos sa susunod na 12 hanggang 24 na buwan.

Ang pagpapalawak na ito ay nangyari sa isang mahalagang sandali sa teknolohikal naming ebolusyon. Habang binabago ng AI ang digital na mundo natin natin, nag-aalok ang World ng isang paraan para maprotektahan ang pagkakakilanlan at malayang pagpapasya ng mga tao sa internet kung saan patuloy ang pag-angat ng AI. Ang bawat anunsyo sa araw na ito, mula sa Orb Mini hanggang sa partnership namin sa Razer at Match Group, hanggang sa World App 4.0, ay may iisang layunin: ang tiyaking ang teknolohiya ay mananatiling isang instrumentong magbibigay-kakayahan sa halip na pumalit sa pakikipag-ugnayan ng mga tao.

Sa panahon kung saan ang pagpapatunay ng pagkatao natin ay sabay na humihirap at nagiging mas mahalaga, lumilikha kami ng imprastrakturang kumikilala sa di-mapapalitang halaga ng karanasang pantao. Iniimbitahan namin kayong sumali sa kilusang ito. I-download ang World App, bumista sa isang Orb para sa beripikasyon, o mag-build ng mga app sa loob ng ecosystem namin.

Ang kwalipikasyon para sa mga Worldcoin (WLD) token ay pinaghihigpitan batay sa heograpiya, edad, at iba pang mga salik. Ang WLD ay hindi maipamamahagi sa pamamagitan ng World App sa mga taong nakatira, o kumpanya o organisasyong matatagpuan o nakatala bilang korporasyon sa Estado ng New York o iba pang pinaghihigpitang teritoryo sa pamamagitan ng World App. Ang World Assets, Ltd. at World Foundation ay hindi mananagot para sa pagkakaroon ng WLD sa mga third party platform, tulad ng sentralisado o desentralisadong mga palitan. Para sa mga detalye, pumunta sa: https://world.org/legal/user-terms-and-conditions. Ang paggamit ng mga produktong crypto ay maaari mong ikalugi. Ang Mahalagang Impormasyon Para sa User ay makikita sa https://world.org/risks.

Ang nilalaman sa itaas ay patungkol lamang sa petsang nakasaad. Maliban pa rito, napapailalim ito sa mga panganib, kawalan ng katiyakan at mga pagpapalagay, kaya't maaaring maging mali ito at maaaring magbago nang walang abiso. Makikita ang buong pagtatanggi sa aming Mga Tuntunin sa Paggamit at ang Mahahalagang Impormasyon Para sa User ay matatagpuan sa aming Mga Panganib na pahina.

Paunawa

Ang kwalipikasyon para sa mga Worldcoin (WLD) token ay nililimitahan batay sa heograpiya, edad, at iba pang mga salik. Ang WLD ay hindi maipamamahagi sa pamamagitan ng World App.sa mga taong nakatira, o kumpanya o organisasyong matatagpuan o nakatala bilang korporasyon sa Estado ng New York o iba pang pinaghihigpitang teritoryo Ang World Assets, Ltd. at World Foundation ay hindi mananagot para sa pagkakaroon ng WLD sa mga third party platform, tulad ng sentralisado o desentralisadong mga palitan. Para sa mga detalye, pumunta sa: https://world.org/legal/user-terms-and-conditions. Ang paggamit ng mga produktong crypto ay maaari mong ikalugi. Ang Mahahalagang Impormasyon Para sa User ay makikita sa https://world.org/risks.