Ang World ay ang network ng tunay na mga tao. May nagsa-sign up para sa World App kada 1.7 segundo. Kada 3.6 segundo, may nagpapaberipika sa isang Orb. Noong Setyembre, ang World app ang naging pinaka-ginagamit na self-custody digital wallet sa buong mundo base sa aktibong user nito buwan-buwan (Source: SensorTower self custodial wallets Monthly Active Users, September 2025). Dalawang bilyong beses binuksan ang Mini App sa loob lang ng mahigit isang taon.
Ngayon, mas lalong tumitibay ang network na ito. Sa bagong World App, binabago nito ang konsepto ng kung papaano nakikipag-ugnayan ang mga tao, naglilipat ng mga digital asset at nakikilahok sa pandaigdigang ekonomiya.
World Chat: encrypted messaging para sa mga beripikadong tao
Ang koneksyon ay nagsisimula sa pag-uusap. Ang World Chat ay available na sa lahat ng World App user. Pinoprotektahan ito ng XMTP, at pinagsasama-sama nito ang patunay ng pagkatao, pagbabayad sa buong mundo at mga Mini App sa iisang madaling ma-access na lugar.
Pamilyar na sa'yo ang hitsura at gamit ng mga chat. Pwede kang mag-text sa mga kaibigan mo, gumawa ng mga group at mag-share ng mga larawan at video. Gayunpaman, ibang-iba ang pundasyon nito. Magpapakita ang mga mensahe ng asul na bubble para sa mga beripikadong tao at kulay gray na bubble para naman sa mga hindi pa beripikado. Ang mga profile picture ay ikukumpara sa mga larawan ng Orb na nakatago sa telepono ng user. Ibig sabihin, ang mukhang nakikita mo ay tunay na pag-aari ng World ID user na iyon. Sa panahon ng synthetic na mga interaksyon, nagbibigay ito ng isang mapagkakatiwalaang espasyo kung saan ang mga tao ay pwedeng makipag-ugnayan nang may kumpiyansa.

Ang tiwalang iyon ay magbibigay-daan sa makapangyarihang bagay: ang kakayahang maglipat ng mga digital asset nang kasing-dali ng pagpapadala ng mensahe. Magbayad o maningil sa iba't ibang kontinente sa mga indibidwal na chat. Hatiin ang mga bayarin sa mga group chat at i-track kung sino na ang nagbayad. I-wrap ang mga bayad bilang regalong may mga custom animation para sa mga kaarawan at espesyal na okasyon. Ang lahat ng transfer ay pwede saanman sa mundo, instant at libre.
Sa update na ito, may mga Mini App na sa chat: Ang mga third-party app, tulad ng mga prediction market na Kalshi at Polymarket, mga game at savings tool, ay tumatakbo na ngayon sa loob ng mga message thread, kaya't magagamit mo ang mga interactive feature na ito nang hindi umaalis sa chat.
At iniingatan nito ang pribasiya. Ang World Chat ay end-to-end encrypted at hindi nangongolekta ng metadata tungkol sa kung kanino o kailan ka nakikipag-usap. Ikaw lang ang may kontrol sa mga usapan niyo.
Isang pandaigdigang account: magbayad saanman sa mundo at ang bagong Earn feature
Ang mga walang kahirap-hirap na pagbabayad sa chat ay simula pa lamang. Ang World App ay nagbibigay-daan sa'yong ma-access at magamit ang mga digital asset sa iba't ibang bansa nang simple at may kumpiyansa. Ang lahat ng 'yan, nasa mismong app.

Mga virtual account
Ang mga virtual account na pinagagana ng Bridge, ay available na ngayon sa 18 bansa, kabilang ang Estados Unidos, Japan, Singapore, South Korea, Taiwan at Latin America. Ang bawat user ay makatatanggap ng isang bukod-tangi at personal na account number na pinag-uugnay ng ang pang-araw-araw nilang buhay pinansyal sa digital na pinansya sa buong mundo, at gumagalaw sa bilis ng internet.
Tumanggap ng sahod sa mismong World App nang hindi kailangang gumamit ng employer mo ng iba't ibang blockchain o maintindihan ang mga network fee. Maglagay ng pondo mula sa bangko mo sa pamamagitan ng sinusuportahan naming mga partner. Ang mga US Dollar deposit ay madali mo ring mako-convert sa USDC at maipadadala o magagamit sa mga sinusuportahan naming bansa nang 24/7 para hindi mo kailangang maghintay para sa oras ng operasyon ng mga tradisyonal na bangko. Ang World App ay hindi naniningil ng bayad para sa mga transfer na ito, at para sa milyon-milyong katao sa buong mundo, ito ay kumakatawan sa access sa isang dollar stablecoin account sa unang pagkakataon.
Pagtanggap sa maraming currency
Kapag nasa app na ang pondo, itabi at i-convert ito sa pagitan ng mga tinatanggap na digital currency nang walang dagdag na bayad mula sa World App para sa in-app na pagko-convert. Ngayon, tinatanggap na ng World App EURC (euro-backed stablecoin ng Circle), wMXN, wARS, wCLP, wBRL, wPEN at wCOP (sinusuportahan ng ng Ripio) para makumpleto ang lumalaking listahan ng mga opsyong sumasali sa USDC.
Mga bagong paraan para kumita
Sa pamamagitan ng bagong Earn feature, pwede mong ilipat ang mga kwalipikadong asset sa isang Earn balance at makatanggap ng nagbabagong mga reward, kung saan ang mga beripikadong tao ay kwalipikadong kumita ng hanggang 16% APY sa una mong $1,000 sa USDC at hanggang 18% APY sa una mong 1,000 WLD. Sa mga tradisyonal na bangko, wala pang isang porsyento ang iniaalok nila. Samantalang sa mga karaniwang crypto, nasa 4 porsyento ito. Bagama't pwedeng mag-iba ang mga rate at hindi garantisado, ang Earn ay gumagamit ng patunay ng pagkatao para makatulong na malimitahan ang pang-aabuso gamit ang maraming account, kaya't magkakaroon ng parehong oportunidad ang bawat beripikadong tao sa mga reward. Ang Earn ay gumagana sa Worldcoin, USDC, EURC, wARS, Bitcoin at Ethereum at launch, at mas marami pang asset paparating.
Pinalawak na mga asset
Higit pa sa Earn, magkaroon ng access, makipag-palitan at makipag-trade ng higit 100 tinatanggap na asset. Ang mga pangunahing cryptocurrency, World Chain native token at isang real-world asset, ang tokenized gold – ang lahat ng 'yan, available na ngayon.
Paggastos sa tunay na mundo
Magbayad sa mahigit isang milyong merchant sa Argentina gamit ang QR code. Ilulunsad ang World Card sa Q1 at dadalhin nito ang Apple Pay at tap-to-pay sa Estados Unidos at sa iba pang lugar
World ID: nagpapataas ng tiwala online
Bilang bahagi ng rollout na ito, maglulunsad din ang World ID ng mga bagong feature:
- Badge ng beripikadong tao: Ang bagong badge ay tumutulong sa mga user na bumuo ng tiwala at mabawasan ang pagpapanggap sa mga dating platform
- Pagpapatunay ng edad na pinoprotektahan ang pribasiya: Mapatutunayan na ng mga indibidwal na sila ay nasa hustong gulang na nang hindi inilalantad ang mga detalye ng pagkakakilanlan nila
- Tinder integration: Ginagamit na ngayon ng Tinder ang badge ng beripikadong tao at beripikasyon ng edad na pinoprotektahan pribasiya, simula sa Japan
Ang network ng tunay na mga tao
Pinagsasama-sama ng World App ang patunay ng pagkatao, pinansya saanman sa mundo at isang bukas na platform. Ang lahat ng 'yan sa iisang lugar, kung saan ang mga tao ay nakikipag-ugnayan, nakikipag-transaksyon at bumubuo nang magkasama.
Ilulunsad na ang bagong World App sa buong mundo simula ngayon, i-download na ito.

Mga Madalas Itanong Tungkol sa World App
Ano ang World App?
Ang World App ay isang Android at iOS compatible app na binuo para maging isang super app para sa mga tao sa panahon ng AI.
Ang World App ay available sa mahigit 100 bansa at, depende sa lokasyon, magagamit mo ang World App para:
- Mag-ipon, magpadala, mag-deposito at mag-withdraw ng cryptocurrency gamit ang World Wallet at mga virtual account
- Madaling ma-authenticate at ligtas na itago ang beripikado mong World ID
- Ligtas at pribadong patunayang isa kang bukod-tanging tao online gamit ang World ID mo
- Kunin ang mga WLD airdrop
- Magkaroon ng access sa lumalaking seleksyon ng Mga Mini App
- Makipag-chat sa mga kaibigan mo sa World Chat na pinoprotektahan ng XMTP
Paano ko mada-download ang World App?
Available ang World App sa mahigit 100 bansa sa iOS at Google Play store.
Bilang isang self-custodial wallet, kung saan ikaw ang may buong kontrol sa mga digital asset mo, ang World App ay idinisenyo para gumana sa humigit-kumulang 90% ng mga smartphone na ginagamit sa buong mundo.
Ano ang World Chat?
Ang World Chat ay isang end-to-end encrypted messaging feature sa World App, kung saan pinagsasama nito ang pagbabayad saanman sa mundo at ang mga Mini App.
Ano'ng mga asset ang tinatanggap ng World App?
Tinatanggap ng World App ang USDC, EURC at wrapped Bitcoin, Ethereum, kabilang ang mga lokal na currency tulad ng wMXN at wARS para walang bayad na pagko-convert saanman sa mundo. Bukod dito, tumantaggap ang World App ang 100+ cryptocurrency token.
Ano'ng pinagkaiba ng World App sa iba pang digital wallet app?
Ang World App ay sadyang ginawa para sa para magamit ng lahat sa buong mundo. Available ito sa maraming wika, tinatanggap ng application ang napakalawak na hanay ng mga device, kabilang na ang mahigit 98% ng mga Android phone at halos 95% ng mga iPhone na kasalukuyang ginagamit sa buong mundo. Compatible din ito maging sa mga smartphone na inilabas higit isang dekada na ang nakalilipas.
Anong impormasyon ang kailangan kong ibahagi para makapag-sign up sa World App?
Ang World App ay hindi nangangailangan ng personal na datos, walang pangalan, email o numero ng telepono, para ma-download mo ito at makalikha ng account. Bagama't may opsyon kang magbigay ng karagdagang impormasyon sa Tools for Humanity (ang mga developer ng World App), tulad ng numero ng telepono para sa beripikasyon, ang pagbabahagi ng anumang personal na datos ay nananatiling ganap na opsyonal at nasa sa'yo ang huling pagpapasya.
Ano ang Mga Mini App?
Ang Mga Mini App ay mga pang-araw-araw na app na binuo para sa tunay na mga tao. Sa pamamagitan ng mga integrated tool na ito, pwede kang makipag-usap at makapagpadala ng mga digital asset sa mga kaibigan, i-load ang telepono mo gamit ang mga digital asset, magsagawa ng botohan para sa mga beripikadong tao at maglaro ng mga game kasama ang iba pang beripikadong tao sa network mo.
Para sa mga developer, ang Mini Apps ecosystem ay nag-aalok ng streamlined development at deployment. Ang Mga Mini App ay mga web app na magagamit mo sa mismong World App.
Ano ang mga virtual account?
Sa pamamagitan ng mga virtual account na pinapatakbo ng Bridge, pwedeng makatanggap ng sahod ang mga indibidwal sa mismong World App (nang hindi na kailangang gumamit ang employer ng iba't ibang blockchain o maintindihan ang mga network fee) at maglagay ng pondo mula sa bangko nila sa pamamagitan ng mga sinusuportahang partner. Ang pondo ay madali mong maiko-convert sa USDC, at itinatabi ito sa World Wallet mo, at maaari mong ipadala o gamitin ang USDC sa buong mundo, ang lahat ng 'yan nang walang bayad sa World App.
Alamin pa
Para manatiling may alam tungkol sa World, bisitahin ang website ng World o mag-subscribe sa blog sa ibaba.
Pwede ka ring sumali sa pang-araw-araw na usapan sa lahat ng social media channel ng World, o alamin pa ang mahahalagang impormasyon tungkol sa network sa pamamagitan ng pagbabasa ng World protocol whitepaper.
Paunawa
Ang World App ay isang technology platform; hindi isang pinansyal na institusyon. Ang virtual account feature ay pinatatakbo ng Bridge. Ang mahahalagang impormasyon para sa user, kabilang ang naaangkop na lisensya at impormasyon para sa kwalipikasyon, ay makikita sa www.bridge.xyz at dapat suriin mo ito at ng mga tagapayo mo para sa pagsunod sa naaangkop na mga batas at regulasyon. Nag-iiba-iba ang mga regulasyon para sa mga stablecoin at mga aktibidad na may kinalaman sa virtual currency depende sa hurisdiksyon at maaaring magbago anumang oras.
Ang mga Earn reward rate na ipinapakita (APY) ay maaaring magbago at hindi ginagarantiya ng World App. Ang aktwal na mga reward ay maaaring mag-iba depende sa mga rate ng pinagbabatayang third-party protocol provider, halaga ng balanse, mga promotional rate (kung mayroon), at maaaring maging mas mababa kaysa sa mga rate na ipinapakita. Ang World App ay isang technology platform na nagbibigay-daan sa iyong ma-access ang mga third-party protocol; hindi ito mismo ang nagbibigay ng mga serbisyo para sa banking, custody, o pamumuhunan. Ang paggamit ng on-chain protocol sa pagpapautang ay may kaakibat na mga panganib, kabilang na ang posibilidad na mawalan ito ng halaga. Ang impormasyong ito ay pangkalahatan lamang at hindi isang pinansyal, para sa pamumuhunan o legal na payo; isaalang-alang ang sarili mong sitwasyon at, kung kinakailangan, humingi ng hiwalay na payo.
*Ang kwalipikasyon para sa mga Worldcoin (WLD) token ay nililimitahan batay sa heograpiya, edad at iba pang salik. Hindi maipamamahagi ang WLD sa pamamagitan ng World App sa mga taong residente ng, mga kumpanya o organisasyong matatagpuan o nakarehistro bilang korporasyon sa Estado ng New York o iba pang pinaghihigpitang teritoryo. Ang World Assets, Ltd. at World Foundation ay hindi responsable para sa pagkakaroon ng WLD sa mga third party platform, tulad ng sentralisado o desentralisadong palitan. Para sa karagdagang detalye, pumunta sa: https://world.org/legal/user-terms-and-conditions. Ang paggamit ng mga produktong crypto maaari mong ikalugi. Ang Mahahalagang Impormasyon para sa User ay matatagpuan sa https://world.org/risks.
Ang nilalaman sa itaas ay patungkol lamang sa petsang nakasaad. Bukod pa rito, napapailalim ito sa mga panganib, kawalan ng katiyakan at mga pagpapalagay, kung kaya't maaaring maging mali ito at maaaring magbago nang walang abiso. Ang impormasyon sa presentasyong ito ay pangkalahatan lamang, at wala sa nakasaad dito ang nilalayon magbigay ng payo tungkol sa legalidad, buwis o pamumuhunan, o alok o pag-aanyaya para sa anumang produkto o serbisyo. Ang buong pagtatanggi ay matatagpuan sa aming Mga Tuntunin sa Paggamit at ang mahahalagang impormasyon para sa user ay matatagpuan sa aming Mga Panganib na pahina.
Mga kaugnay na artikulo

Mga Anunsyo ·
Produkto ·
Nagbibigay-daan ang mga virtual account na pinapagana ng Bridge sa direktang USDC payroll at mga deposito

Mga Anunsyo ·
Paano ninanakaw ng mga bot ang saya ng kapaskuhan

Mga Anunsyo ·
Patakaran ·
Mga World ID na Kredensyal na may access sa WLD token, available na sa mas marami pang bansa

Mga Anunsyo ·
Produkto ·
