Paglulunsad ng mga Prediction Market sa World: Isagawa ang Una Mong Kalakalan sa Kalshi Mini App

Abril 30, 2025 5 Minutong Pagbabasa

Hula: Ang World, ang network ng pagkakilanlan at pananalaping nakasentro sa tao, ay malapit nang maging mas kapaki-pakinabang.

Ang mga prediction market ay nasa World na, at pinatatakbo ng Kalshi Mini App.

Ang mga prediction market ay umuusbong bilang isa sa mga pinakakapana-panabik na tagapanguna sa mga pamilihang pinansyal na nagbibigay ng bagong makapangyarihang paraan para dalhin ang katotohanan at transparensiya sa mundo. Sa pamamagitan ng integration sa Kalshi, ang tagapanguna ng industriya, maaari ka nang makilahok sa mga prediction market sa mismong World App gamit ang bagong Kalshi Mini App. 

Ang pagpondo sa Kalshi account mo gamit ang Worldcoin (WLD) sa bago at magandang Kalshi Mini App ay napakasimple na siyang nagbibigay ng first-class na user experience. Ang fund partner na Zero Hash ay walang kahirap-hirap at ligtas na ikino-convert ng WLD mo sa USD, para mapondohan ang Kalshi Mini App account mo kaagad, anumang oras, at nang walang sagabal.

  1. I-download ang Kalshi Mini App mula sa World App
  2. Magdeposito ng WLD (pinagagana ng Zero Hash)
  3. Simulan ang pagbabakasakali

Ang Kalshi ay mapili sa kung aling crypto ang pinipili nilang gamitin. Sa ngayon, tumatanggap lamang sila ng BTC at USDC bukod sa fiat. Ang integrastion na ito ay nagdadala ng WLD, isa sa mga pinakamaraming naipamahaging token sa mundo (na may higit 8.6M WLD na mga pinondohang wallet at patuloy pang lumalaki sa World App) papunta sa Kalshi. 

Ang integration ay nagbibigay ng karagdagang at agarang paggamit WLD at pinalalakawak nito ang access sa merkado para sa mga hindi pa nakagagamit ng mga prediction contract. Sa paglulunsad ng World sa Estados Unidos, ang mga Amerikanong magpapaberipika ng World ID nila at kukuha ang WLD airdrop ay kaagad na maipapalago ang WLD nila sa Kalshi Mini App.

Mahalaga ito dahil ang mga prediction market ay iniaangat ang karunungan ng madla—kapag mas maraming tao ang nakikipag-ugnayan dito, mas lalo itong nagiging kapaki-pakinabang. Ang malalim at magkakaibang mga merkado ay tumutulong sa mga taong mas maunawaan ang popular na opinyon at magsaya habang nakikibahagi sa hinaharap.  

Nireregula ng U.S. Commodity Futures Trading Commission, ang Kalshi ay nangunguna sa mga prediction market sa Amerika. Ang Zero Hash ay isang nangungunang onchain infrastructure provider na nireregula sa 52 hurisdiksyon sa Estados Unidos at sa mga pandaigdigang merkado, at nagbibigay ng ligtas na daan para sa mga para sa magkaroon ng accesss ang mga user sa onchain na ekonomiya.

Handa ka na bang makita ang hinaharap? I-download ang Kalshi Mini App sa World App at mag-iwan ng marka sa pinakamalaking katanungan ng kinabukasan.

Alamin pa

Para manatiling may alam tungkol sa World, bisitahin ang website ng World o mag-subscribe sa blog sa ibaba.

Maaari ka ring sumali sa pang-araw-araw na usapan sa lahat ng mga social media channel ng World, o makakuha ng karagdagang mahalagang impormasyon tungkol sa network sa pamamagitan ng pagbabasa ng World protocol whitepaper.