World ID Video Check

Protektahan ang platform ng video meeting mo laban sa mga deepfake

Mag-book ng demo

Sa tulong ng World ID Video Check, makukumpirma ng mga kasali sa video call kung ang kausap nila ay tunay ngang tao at hindi isang deepfake lang.

  • 51%

    ng mga gumagamit ng internet ngayon ay mga bot na.(1)

  • 62%

    ng mga organisasyon ay nabiktima ng mga deepfake sa nakaraang 12 buwan.(2)

Kung saan ito pinakamahalaga

Ginawa para sa mga platform na nangangailangan ng pinakamahigpit na proteksyon laban sa mga deepfake.


Mas madaling maging biktima ng mga panlilinlang na gawa ng AI ang mga industriyang humahawak ng mahahalagang transaksyon at sensitibong impormasyon

Cash-multi

Pinansya

Beripikahin na tao ang nag-a-access ng mga account o gumagawa ng ilang mga aksyon.

Community

Pag-hire

Iugnay ang mga account sa tunay na tao at palakasin ang tiwala sa mga interaksyon.

Maleta

Legal at Mga Propesyonal na Serbisyo

Siguruhin ang karagdagang seguridad para sa mga nag-a-access ng kumpidensyal na usapin.

Bangko

Pamahalaan at pampublikong sektor

Palakasin ang pundasyon ng mga identity system at beripikahin ang mga taong nag-a-access ng mga serbisyo

Graduation-cap

Akademya at Pananaliksik

Panatilihin ang akademikong integridad at pigilan ang pandaraya sa pananaliksik.

Pangkalusugan at Agham-Buhay

Protektahan ang pagiging kumpidensyal ng impormasyon ng mga pasyente at iwasan ang pagpapanggap bilang mga doktor o iba pang propesyonal sa larangan ng medisina.

...at kahit saan pa man isinasagawa ang mga kritikal na transaksyon

Bakit magandang i-integrate
ang World ID Video Check

  • Patunay ng Pagkatao Patunay ng Pagkatao teknolohiya

    Ang World ID Video Check ay ang tanging solusyon na nakabatay sa Patunay ng Pagkatao. Higit pa sa pagpapatunay na ang user ay hindi isang deepfake, tinitiyak din ng World ID Video Check na sila ang bukod-tanging tao na kaugnay ng isang account.

  • Katotohanan, hindi hula-hula lang

    Hindi tulad ng ibang solusyon, gumagamit ang World ID Video Check ng mapatutunayang cryptographic na tugma na magkatugma ang mga pagkakakilanlan. Hindi ito umaasa sa AI na nanghuhula lang batay sa mga pattern, na natututuhan na ring dayain ng AI.

  • Walang kapantay na pribasya ng datos

    Ang matatanggap lang ng platform at ng World ID app ay mga pribado at desentralisadong cryptographic proof at signal. Walang personal na impormasyon ang ibabahagi o itatabi.

World id video check

Paano ito gumagana

Isinasagawa ng World ID Video Check ang 3-way cryptographic na pagtutugma ng mga larawan: isa mula sa hardware device (tinatawag na "Orb") sa oras ng beripikasyon, isa sa pamamagitan ng selfie sa telepono, at isa mula sa nakikita sa video meeting mo.

Kailangang magtugma ang tatlong ito para magtagumpay ang beripikasyon.

Gumagana

Ang isang beses na enrollment ay tumatagal ng 3-4 minuto. Kapag naibigay na, 20 segundo lang ang kailangan para muling gamitin ang Patunay.

  1. 1

    Magpaberipika na

    Isang beses lang kailangang magpaberipika ng user ng World ID niya nang personal sa isang Orb.

  2. 2

    Kunin ang Patunay ng Pagkatao

    Biniberipika ng Orb na ang user ay isang bukod-tanging tao at ibinibigay ang Patunay ng Pagkatao nila.

  3. 3

    Kumonekta sa platform

    Kumpletuhin ng mga kalahok ang isang beses na koneksyon sa video platform account nila.

Pagkukumpara ng Mga Plugin ng World ID

Video Check

World ID Video Check

Mga transaksyong malaki ang nakataya sa online meetingPatunay ng Pagkatao

Sa World ID Video Check, makukumpirma mo kung ang taong nasa likod ng screen ay siya ring nakikita sa screen, at na tunay nga silang tao.

Ginamit na device:
Ang Orb
Tagal ng pag-setup:
~3-4 minuto
Tagal para magamit muli:
~20 segundo
Verify

World ID Verify

Mga transaksyong malaki ang nakatayaPatunay ng Pagkatao

Sa World ID Verify, kailangan mong personal na magpaberipika para makumpirma kung isa kang bukod-tanging tao at ikaw pa rin ang gumagamit ng account na iyon.

Ginamit na device:
Ang Orb
Tagal ng pag-setup:
~3-4 minuto
Tagal para magamit muli:
~20 segundo
Live Check

World ID Live Check

Araw-araw na mga transaksyonPatunay ng Presensya

Gumagamit ang World ID Live Check ng selfie para makumpirma kung may tunay ngang taong nasa harap ng camera at na siya pa rin ang user na iyon.

Ginamit na device:
Mobile device
Tagal ng pag-setup:
~1 minuto
Tagal para magamit muli:
~20 segundo

Human Badge

Ang Human Badge ay bagong simbolo ng pagtitiwala sa internet. Gamitin ito sa platform mo para maipakita ng mga user sa iba na tunay silang tao at hindi AI o pekeng account.

Walang kapantay na mga pamantayan sa pribasiya ng user

Ang mga user ay may buong kontrol at pagmamay-ari ng datos nila, at tanging anonymous, decentralized na cryptographic proofs at signal lang ang natatanggap ng platform mo.

Mag-book ng demo

*mga kailangang sagutan

Kapag isinumite ko ang form na ito, pinahihintulutan ko ang Tools for Humanity Corp. (TFH) na kolektahin at iproseso ang personal kong datos sa loob ng 2 taon, para makipag-ugnayan sa akin tungkol sa kahilingang ito at makipag-ugnayang muli tungkol sa interes kong makipag-partner sa kanila. Nauunawaan kong may karapatan akong bawiin ang pahintulot ko at kinikilala ko ang Paunawa sa Pribasiya ng TFH.

Ang World ID Video Check ay isang Plugin na nagpapakita na ang tao sa likod ng screen ay tumutugma sa ipinakikitang tao sa screen, at na sila'y tunay na tao. Sa ngayon, ito ay available lang para sa mga user na may Patunay ng Pagkatao.

Sa World ID Video Check, makukumpirma mo kung ang taong kausap mo ay tunay ngang tao at hindi isang deepfake lang.

Ipagkukumpa-kumpara ng World ID Video Check ang tatlong larawan ng mukha gamit ang cryptography: ang larawang kinunan ng hardware device (na tinatawag na "Orb"), ang selfie na kinunan nila gamit ang telepono nila at ang larawan ng mukhang nakikita sa screen sa video platform. Hindi puwedeng mamanipula ang orihinal na larawang kinunan ng Orb sa oras ng beripikasyon. Kailangang magtugma-tugma ang lahat ng tatlong larawan para magtagumpay ang beripikasyon.

Pinatutunayan ng Patunay ng Pagkatao na ang isang tao ay bukod-tanging tao. Ang Patunay ng Pagkatao ay ang pinakamataas na pamantayan ng beripikasyon na posible lang sa tulong ng encrypted at anonymous na beripikasyon gamit ang hardware ng Orb. Hindi tulad ng ibang mga solution, ang Patunay ng Pagkatao ay gumagamit ng mapagkakatiwalaang cryptographic na pagtutugma, hindi hula ng predictive AI. Dagdag pa rito, hindi nababawasan ang proteksyon nito kahit gumanda pa ang mga AI-generated na nilalaman.

Oo. Ang World ID Video Check ay isang Plugin na nangangailangan ng Patunay ng Pagkatao. Ang Patunay ng Pagkatao ay nagpapatunay na ang isang tao ay bukod-tanging tao. Ito ang pinakamataas na antas ng pagpapatunay, na posible lang sa encrypted at anonymous na beripikasyon gamit ang hardware (ang Orb). Anonymized ang buong proseso at nagaganap sa mobile device ng user. Kapag naibigay, puwedeng muling gamitin ang Patunay.

Nag-aalok kami ng suporta para matiyak na mailulunsad ito nang mabilis at maayos sa buong kumpanya mo.

Puwedeng ipadala ang Orb sa opisina niyo habang nagseset-up para maberipika ng mga miyembro ng koponan mo ang kanilang World ID. Para sa paglulunsad sa mga customer ng video platform, nag-aalok din ang team namin ng mga serbisyo ng pag-install ng Orb sa kanilang mga opisina. Ang mga team ay palaging handang tumulong para sa troubleshooting at mga tanong.

Sa kasalukuyan, may mahigit 18 milyong user sa buong mundo na may Patunay ng Pagkatao. Anumang user na may Patunay ng Pagkatao ay puwedeng gumamit ng World ID Video Check. Kung wala pang Orb sa lugar ng mga user mo, subukan ang Patunay ng Presensya para sa mga aplikasyon na hindi kasing-laki ng panganib, gamit ang remote enrollment.

Mag-book ng demo sa team namin para malaman ang tungkol sa enterprise pricing para sa pag-integrate ng World ID Video Check.

Hindi. Libre lang ang lahat ng Mga Patunay ng World ID, kabilang na ang Patunay ng Pagkatao, at ginawa ito para sa sangkatauhan.

Ang World ID Video Check ay ang Plugin na puwedeng i-integrate ng mga platform para makahingi sila ng Patunay ng Pagkatao bilang beripikasyon bago maisagawa ng isang user ang isang hakbang. Para itong kandado at susi. Ang World ID Video Check ang kandado, at ang Patunay ng Pagkatao ang susi.

Tanging ang taong nabigyan ng Patunay ang puwedeng gumamit nito muli. Kapag nagbeberipika gamit ang Patunay nila, hihilingin sa user na kumuha ng mabilisang selfie. Ang selfie na ito ay ihahambing sa larawan ng kanilang mukha na kinuha ng Orb (ang ground truth) at naka-imbak sa device ng user (sa Personal Custody Package nila).

Hindi ibinabahagi ng World ID ang anumang biometric na datos sa inyong platform. Mananatili lang sa device ng user ang mga larawan ng mukha at larawan ng iris na kinuha sa Orb (naka-encrypt sa isang “Personal Custody Package”) at puwede nilang burahin ang kanilang datos anumang oras. Ang World ID app at ang inyong platform ay tanging tumatanggap lamang ng mga anonymous, desentralisadong cryptographic na Mga Patunay at signal. Walang personal na impormasyong ibinahagi o itinago.

Hindi. Hindi inaalam ng World ID Video Check kung sino ang user. Mananatili lang ang selfie ng user sa device nila (na naka-encrypt sa isang "Personal Custody Package") at puwede nilang burahin ang datos nila anumang oras. Ang matatanggap lang ng World ID app at ng platform ay ang pribado at desentralisadong cryptographic na mga Proof at signal. Walang personal na impormasyon ang ibabahagi o itatabi.

Basahin ang masusing pagtalakay tungkol sa pribasiya dito. Basahin ang whitepaper dito.

Ang World ID Video Check ay ginawa para magamit sa iba’t ibang panig ng mundo kung saan sinusuportahan ang World ID app, depende pa rin sa lokal na mga batas.