World ID Live Check
Beripikahin kung may presensya ng tao. Pagkatapos, ipatupad ang mga patakarang mahalaga para sa negosyo mo.
53% ng internet ngayon ay mga bot na. Kaya naman kailangan na ng mga negosyo ng mas pinaigting na beripikasyon ng mga tao laban sa mas matitinding banta ng AI.
Gumagamit ang World ID Live Check ng mabilisang selfie para mapatunayan kung tao ka at kung ikaw pa rin ang gumagamit ng account para sa mahahalagang transaksyong karaniwang nangangailangan ng MFA. Sa buong proseso, mananatiling pribado ang pagkakakilanlan mo at isasagawa lang ito sa mobile device mo.
Kung Saan Mahalaga ang World ID Live Check
Para sa mga platform na gustong makasigurong tao ang nasa likod ng isang account at sila pa rin ang taong gumagamit ng account na iyon, sa paraang mabilis at protektado ang pribasiya nila.

Mga simpleng transaksyon sa pang-araw-araw
Entertainment
Protektahan ang mga bentahan ng ticket na mataas ang demand laban sa mga bot at scalper.
Social media
Siguruhing isang account lang kada tao at paganahin ang permanenteng pagbabawal sa mga lalabag.
Komersyo
Tunay na fans lang ang bigyan ng access sa mga eksklusibong merch drop.
Digital na Advertising
Mas sulit na paggastos sa ads sa pamamagitan ng pag-abot sa mga tunay na tao.
Kung saan makatutulong ang World ID Live Check
Mga Discount at referral program
Pag-iwas sa pang-aabuso at pagbawas ng bisa ng mga insentibo.
Pag-detect sa mga bot
Kumpirmahin kung tao ang nasa likod ng isang account at hindi bot.
Mag-sign in
Mabilis na makapag-sign in o gumamit ng MFA, hindi na kailangan pa ng numero o passkey.
Permabanning (Permanenteng Pag-ban)
Iwasan ang pagdodoble ng mga account at i-ban ang masasamang loob at mga bot account.
Bakit magandang i-integrate
ang World ID Live Check
Ang tanging solusyon na nagpapatunay na may user na naroroon nang hindi nakokompromiso ang pribasiya nila.
Maginhawa
Isasagawa ang buong proseso sa mismong mobile device ng user. Walang abala.
Pagtukoy kung bukod-tanging tao ang user at sila pa rin ito
Nagbibigay ang Patunay ng Presensya ng babala kung maaaring may kapareho ang user sa buong mundo. Pagkatapos nito, magagamit na nila ang Patunay ng Presensya kahit saan para makumpirmang tao sila at sila pa rin ang taong nakatransaksyon mo noon.
Walang kapantay na pribasya ng datos
Ang matatanggap lang ng platform at ng World ID app ay mga pribado at desentralisadong cryptoghraphic proof at signal Walang personal na impormasyon ang ibabahagi o itatabi. Tingnan kung paano gumagana ang enrollment, authentication at data custody sa ibaba.
Mula selfie hanggang maging Patunay, 20 segundo lang
Magsimula
Hihilingin ng platform mo sa user na patunayang naroroon sila.
Selfie
Pag-authenticate
Kumpirmasyon
Pagkukumpara ng Mga Plugin ng World ID
Piliin ang Plugin na kailangan ng negosyo mo
| Plugin | World ID Live Check | World ID Verify | World ID Video Check |
|---|---|---|---|
![]() | ![]() | ![]() | |
| Tinitingnan ang | Patunay ng Presensya | Patunay ng Pagkatao | Patunay ng Pagkatao |
| Ano ang ginagawa nito | Kinukumpirma ng World ID Live Check may tunay na taong nasa harap ng camera at na siya rin ang dating user na iyon. | Sa World ID Verify, makukumpirma mo kung ang user ay isang bukod-tanging tao at sila pa rin ang nakatransaksyon mo noon. Ang Patunay ng Pagkatao ang pinakamatibay na katibayan na tao ka. Ang lahat ng 'yan, hatid ng naka-encrypt at pribadong hardware para sa beripikasyon (ang Orb). | Sa World ID Video Check, makukumpirma mo kung ang taong nasa likod ng screen ay siya ring nakikita sa screen, at na tunay nga silang tao. |
| Paraan | Selfie | Beripikasyon nang personal (isang beses lang) | Pagtutugma-tugma ng mga larawan mula sa Orb, sa video meeting at sa selfie |
| Device | Mobile device | Ang Orb | Ang Orb |
| Oras | 1 minuto para sa set up, tapos 20 segundo para magamit muli | 3-4 minuto para sa set up + byahe, pagkatapos, 20 segundo para magamit muli | 3-4 minuto para sa set up, pagkatapos, 20 segundo para magamit muli |
| Pinakamabuti para sa | Araw-araw na mga transaksyon | Mga transaksyong malaki ang nakataya | Mga transaksyong malaki ang nakataya sa online meeting |
| Pribasiya | Ganap na pribado. Walang personal na datos ang ibabahagi o itatabi sa World ID app o sa platform mo. Alamin pa ang tungkol dito sa ibaba. | ||
Mag-book ng demo
Makipag-ugnayan para maiskedyul ang demo.
Mga Madalas Itanong
Gumagamit ang Patunay ng Presensya ng mabilisang selfie para makumpira kung tao ka at kung ikaw pa rin ang gumagamit ng account para sa mahahalagang transaksyong karaniwang nangangailangan ng MFA. Sa buong proseso, mananatiling pribado ang pagkakakilanlan mo at isasagawa lang ito sa mobile device mo. Kapag naibigay na ito, puwede na mo itong gamitin nang paulit ulit.
Hindi. Ang tinitingnan ng World ID Live Check ay ang Patunay ng Presensya, na kumukuha ng mabilisang selfie para makumpirma kung may tunay ngang taong naroroon at sila pa rin ang taong iyon sa iba't ibang sensitibong hakbang karaniwang nangangailangan ng MFA. Ang World ID Verify lang ang nangangailangan ng beripikasyon gamit ang Orb. Ang World ID Verify ay isang Plugin na humihingi ng Patunay ng Pagkatao. Pinatutunayan ng Patunay ng Pagkatao na ang isang tao ay bukod-tangi. Ito ang pinakamatibay na katibayang bukod-tangi tao ang isang user. Ang lahat ng 'yan, hatid ng naka-encrypt at pribadong hardware para sa beripikasyon (ang Orb).
Mag-book ng demo sa team namin para malaman ang tungkol sa enterprise pricing para sa pag-integrate ng World ID Live Check.
Hindi. Libre lang ang lahat ng Mga Patunay ng World ID, kabilang na ang Patunay ng Presensya, at ginawa ito para sa sangkatauhan.
Ang World ID Live Check ay ang Plugin na puwedeng i-integrate ng mga platform para makahingi ang mga ito ng Patunay ng Presensya bilang authentication bago maisagawa ng isang user ang isang hakbang. Para itong kandado at susi. Ang World ID Live Check ang kandado, at ang Patunay ng Presensya naman ang susi.
Hindi. Mananatili lang ang selfie ng user sa device nila (na naka-encrypt sa isang "Personal Custody Package") at puwede nilang burahin ang datos nila anumang oras. Ang matatanggap lang ng World ID app at ng ginagamit na platform ay ang pribado at desentralisadong mga patunay at signal. Walang personal na impormasyon ang ibinabahagi o itinatabi.
Hindi. Hindi inaalam ng World ID Live Check kung sino ang user. Mananatili lang ang selfie ng user sa device nila (na naka-encrypt sa isang "Personal Custody Package") at puwede nilang burahin ang datos nila anumang oras. Ang matatanggap lang ng World ID app at ng platform ay ang pribado at desentralisadong mga cryptographic proof at signal. Walang personal na impormasyon ang ibabahagi o itatabi.
Ginawa ang World ID Live Check para magamit sa iba’t ibang panig ng mundo kung saan mayroong World ID, depende pa rin sa lokal na mga batas.



