World ID

Mga Patunay na tao ka para sa buong internet.

Sa ngayon, mahigit 18 milyong tao sa buong mundo ang may World ID. Libre ito at idinisenyo para sa sangkatauhan.

Kumuha ng World ID

Aling Patunay ang angkop para sa'kin?

Tao

Patunayang bukod-tanging tao ka.

Ang Patunay ng Pagkatao ang pinakamatibay na katibayang tao ka. Ang lahat ng 'yan, hatid ng naka-encrypt at pribadong hardware para sa beripikasyon (ang Orb). Hindi ito magbabago kahit pabilis nang pabilis ang pag-unlad ng AI.

  • Isang beses na beripikasyon nang personal sa Orb
  • 3-4 minuto para sa set up, pagkatapos, 20 segundo para magamit muli

Saan ko ito magagamit?

Pinatutunayan ng World ID mo na isa kang tao sa iba't ibang platform na patuloy na dumarami.

Tinder

Tinder

Makipag-date nang may tiwala at kapanatagan

Zoom

Zoom

Protektahan ang mga video call mo mula sa mga deepfake

Razer

Razer

Makipaglaro sa tunay na mga tao, hindi sa mga bot

Mga Patunay ng World ID pinoprotektahan ang mga karanasan mo online sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga bagay tungkol sa sarili mo na hindi kayang tularan ng AI. Ang resulta ay mas ligtas na internet kung saan inuuna ang mga tao.

Ano ang pinagkaiba ng World ID?

Nagpapataw ang World ID ng pinakamataas na pamantayan ng tiwala sa panahon ng AI.

Ang World ay isang open source na protokol na idinisenyo para sa sangkatauhan. Libre ang lahat ng Mga Patunay ng World ID.

Tinutulungan ka ng mga Patunay ng World ID na protektahan ang mga karanasan mo online sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga bagay tungkol sa'yo na hindi kayang gayahin ng AI. Ang resulta ay mas ligtas na internet kung saan inuuna ang mga tao.

Nagbibigay ang World ID ng access sa mga natatanging karanasan at benepisyo para lang sa mga tunay na tao, mula sa mga concert ticket at eksklusibong merch drop hanggang sa online dating at social media.

Gamitin ang mga Patunay ng World ID mo para ikaw ang pumili kung anong impormasyon ang ibabahagi mo nang hindi inilalantad ang iba pang detalye tungkol sa'yo. Naka-encrypt at nakaimbak sa device mo ang data mo. Ikaw lang ang may kontrol dito at maaari mo itong burahin anumang oras.

Mga Patunay ng World ID

Paano ako makakakuha ng World ID?

Hakbang 1

I-download ang World ID app

Isa 'tong wallet ng pagkakakilanlan kung saan ligtas mong mapamamahalaan at magagamit ang Mga Patunay ng World ID mo online.

I-download na ito

Hakbang 2

Kunin ang mga Patunay mo

Ibibigay ang Mga Patunay mo sa World ID app. Para makuha ang Patunay ng Pagkatao, kailangan mo munang magpaberipika sa isang Orb.

Maghanap ng Orb

Hakbang 3

Gamitin ang World ID online

Kapag humingi ng Patunay ang isang online platform, ibahagi ito gamit ang World ID app. May kumpirmasyong ipadadala sa platform.

Tingnan ang Mga Integration

Mga Madalas Itanong

Hindi. Libre ang Mga Patunay ng World ID para sa lahat. Ang World ay isang open source na teknolohiyang ginawa para magamit ng lahat. Misyon ng World na tulungan ang lahat na makinabang sa AI, at nagsisimula ito sa pagkakaroon ng paraan para masigurong tunay na tao ang kausap natin online. Mas maraming gumagamit ng World ID, mas nagiging ligtas at mapagkakatiwalaan ang pakikipag-ugnayan natin online.

Ikaw ang pipili kung aling Mga Patunay ang gusto mong kunin. Maaari mong kunin ang tatlo nang libre sa World ID app. Magagamit mo ang mga 'to depende sa kung anong Mga Patunay ang tinatanggap ng bawat platform. Halimbawa, maaaring hingin ng bangko ang Patunay ng Pagkatao mo, samantalang sapat na sa dating app ang Patunay ng mga Detalye para kumpirmahin ang edad mo.

Oo. Puwedeng gamitin ang mga Patunay mo depende sa kung alin ang tinatanggap ng bawat platform. Halimbawa, maaaring kailanganin ng bangko ang Patunay ng Pagkatao mo, samantalang ang dating app naman ay Patunay ng Mga Detalye lang ang kailangan para kumpirmahin ang edad mo.

Oo. Maaari mong kunin ang Patunay ng Presensya mo ngayon gamit ang telepono mo at mabilisang selfie. Pagkatapos, puwede kang maghanap ng Orb na malapit sa'yo at magpaberipika para makuha ang Patunay ng Pagkatao mo, ang pinakamataas na antas ng Patunay.

Makukuha mo ang Human Badge kapag kinuha mo ang Patunay ng Pagkatao. Ipinakikita nito na beripikado kang tao sa mga platform na nangangailangan ng mas mataas na seguridad, tulad ng Zoom at Tinder. Makukuha mo naman ang Presence Badge kapag kinuha mo ang Patunay ng Presensya. Ipinakikita nitong naroon ka para sa mga pang-araw-araw na gawain na hindi nangangailangan ng mas mahigpit na beripikasyon, tulad ng pagkuha ng mga concert ticket online. Ang Human Badge ang nagbibigay ng pinakamatibay na katibayang tao ka.

Para makuha ang Human Badge mo, kailangan mo munang magpaberipika sa Orb na malapit sa'yo para matiyak na ikaw ay isang tunay na tao. Isang beses mo lang kailangang gawin ito. Pagkatapos, magagamit mo na ulit 'to gamit ang telepono mo.

Hindi. Ang platform ang nagtatakda ng antas ng Patunay na tatanggapin nila batay sa sensitibidad ng aksyon.

Oo. Kailangang magpaberipika sa Orb para makuha mo ang Patunay ng Pagkatao. Ito ang pinakamatibay na katibayang tao ka dahil gumagamit ang Orb ng naka-encrypt at anonymous na beripikasyon ng hardware. Hindi na kailangang magpaberipika sa Orb para makuha ang iba pang Mga Patunay. Maaari mong makuha ang mga 'to gamit ang mobile device mo para sa mga pang-araw-araw na transaksyong hindi nangangailangan ng mahigpit na beripikasyon.

Ang Orb ay isang device na nagbeberipika na isa kang bukod-tanging tao. Ang Orb ay ligtas na ipinoproseso ang mga larawan ng mukha at mata mo gamit ang encryption, nang hindi kumukuha ng iba pang personal na impormasyon tungkol sa'yo. Nagiging posible ito dahil sa anonymous, desentralisadong cryptography.

Ang ibig sabihin ng “bukod-tangi” ay wala nang ibang katulad. Mahalaga ito dahil nagbibigay-daan sa mga platform na magtakda kung ilang beses puwedeng gumawa ng isang bagay ang bawat tao. Halimbawa, isang account lang dapat ang mayroon ang bawat tao. Ang ibig sabihin naman ng “Tao” ay tunay na tao kang buhay at naroroon, hindi isang deepfake o bot. Ang Orb lang ang kayang magberipika kung ang isang tao ay tunay at bukod-tanging tao, kahit maraming gumagamit nito, habang pinoprotektahan ang pribasiya ng user.

Maghanap ng Orb malapit sa'yo. Sa ngayon, karamihan sa mga nakatira sa San Francisco at New York City ay may Orb na mapupuntahan sa loob ng 10 minuto. Sa ilang piling lugar naman, maaari kang mag-order ng Orb at ipa-deliver ito mismo sa bahay mo. Araw-araw, mas marami pang Orb ang nagiging available sa iba't ibang lugar sa US at Japan. Kung wala pang Orb na malapit sa'yo, puwede mo nang kunin ang Presence Badge mo ngayon. Kailangan mo lang magpaberipika ng Patunay ng Presensya gamit ang mobile device mo at isang selfie.