World Logo

Protektahan ang kumpanya mo laban sa mga deepfake

Maunang makagamit ng World ID for Zoom

Maunang makagamit ng World ID for Zoom

Sa tulong ng World ID for Zoom, makukumpirma ng mga kasali sa video call kung ang kausap nila ay tunay ngang tao at hindi isang deepfake lang.

0%

ng mga gumagamit ng internet ngayon ay mga bot na.(1)

0%

ng mga organisasyon ay nabiktima ng mga deepfake sa nakaraang 12 buwan.(2)

Ginawa para sa mga kumpanyang nangangailangan ng pinakamahigpit na proteksyon laban sa mga deepfake.

Bawas

Mga Kumpanya ng Teknolohiya

Bawas

Mga serbisyong pinansyal

Bawas

Mga Propesyonal na Serbisyo

Subtract

Pamahalaan at Pampublikong Sektor

Subtract

Pangkalusugan at Agham-Buhay

Subtract

Akademya at Pananaliksik

Ang tanging solusyong gumagamit ng
Patunay ng Pagkatao
Icon, hindi pagtatantiya lang na madali nang naiisahan ng AI.

Beripikasyon
Meeting

Paano magsimula

Hakbang 1

Orb

Magpaberipika gamit ang Orb

Para makapag-enroll sa World ID for Zoom, kailangang pumunta ng mga sasali sa call sa isang Orb (na naka-install sa opisina nila, idineliver sa bahay nila o sa isa sa mga Orb location sa buong mundo) para makapagpaberipika sila nang minsanan lang nang hindi nagbibigay ng personal na impormasyon. Kung nakapagpaberipika na sila sa Orb, puwede na nilang kaagad gawin ang Hakbang 2.

Hakbang 2

Kumonekta sa Zoom

Kapag nakapagpaberipika na ang mga sasali sa call, matatanggap nila ang beripikado nilang World ID at mai-lilink na ito sa Zoom account nila nang minsanan lang.

Hakbang 3

Adam Parkhuman-icon
Adam Park

Protektado na ang meeting mo

Kapag nakapasok na sila sa Zoom meeting, kailangan nilang mag-selfie para mapatunayang tao talaga sila at hindi deepfake lang. Kapag nagtagumpay ang authentication, awtomatikong lilitaw ang Human Badge sa tile nila sa Zoom. Makikita ito ng lahat ng kasali sa meeting at nakadepende sa kumpanya kung kailan ito mawawalan ng bisa.


Paano ito gamitin

  • Kumpirmahing ikaw talaga 'yan

    Lalabas ang side panel. Ang status mo: nakabinbin.

  • May ipadadalang alerto sa telepono mo

  • Mabilisang selfie

  • Lilitaw ang Human Badge

Maunang makagamit nito

Makipag-ugnayan para maiskedyul ang demo.

Tungkol sa kumpanya mo
Bilang ng mga empleyado *
Sumasang-ayon ako sa pagkolekta at paggamit ng Tools for Humanity ng personal kong datos para sa mga layuning nabanggit sa itaas.

*mga kailangang sagutan

Kapag isinumite ko ang form na ito, pinahihintulutan ko ang Tools for Humanity Corp. (TFH) na kolektahin at iproseso ang personal kong datos sa loob ng 2 taon, para makipag-ugnayan sa akin tungkol sa kahilingang ito at makipag-ugnayang muli tungkol sa interes kong makipag-partner sa kanila. Nauunawaan kong may karapatan akong bawiin ang pahintulot ko at kinikilala ko ang Paunawa sa Pribasiya ng TFH.

Mga Madalas Itanong

Ang World ID for Zoom ay ginawa para sa pakikipag-usap sa oras ding iyon. Dahil dito, makukumpirma mo kung ang kausap mo ay tunay ngang tao at hindi isang deepfake lang.

Ipagkukumpa-kumpara ng World ID for Zoom ang tatlong larawan ng mukha gamit ang cryptography: ang larawang kinunan ng hardware device (na tinatawag na "Orb"), ang selfie na kinunan nila gamit ang telepono nila at ang larawan ng mukhang nakikita sa screen sa Zoom. Hindi puwedeng mamanipula ang orihinal na larawang kinunan ng Orb sa oras ng beripikasyon. Kailangang magkakatugma ang lahat ng tatlong larawan para magtagumpay ang beripikasyon.

Kaya naman kailangang magpaberipika ng mga user sa Orb, mag-download ng World ID app at mag-install ng Zoom. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung papaano gumagana ang app, tingnan ang support article na ito.

Tumutulong ang World para matiyak na mailulunsad ito nang mabilis at maayos sa buong kumpanya mo.

Ipadadala ang Orb sa opisina mo bago pa man ito gamitin sa kumpanya mo. Isang miyembro mula sa team namin ang bibisita sa opisina mo, mag-iinstall ng Orb at iiwan itong ganap nang gumagana. Kadalasan, tatagal lang ang setup nang wala pang 60 minuto at darating nang maaga ang team namin para ayusin at subukan ito bago pa man dumating ang unang gagamit nito.

Walang kahit anong datos ang ibabahagi sa Zoom. Tumatakbo ang Face Auth sa mismong telepono ng user. Hindi lalabas sa telepono nila ang Orb biometric data nila. Ang ipadadala lang sa World ID for Zoom application ay isang kumpirmasyon, kung oo o hindi, at hindi ito makararating sa Zoom.

Ang World ID for Zoom ay hindi nagbabahagi ng kahit anong datos sa Zoom. Ang makikita lang ng app ay ang username ng user sa World ID app at kung sila ay Bukod-Tanging Tao. Wala nang iba pa.