World for You

Ang World ay ang bagong mukha ng tiwala para sa mas ligtas na internet

Ipaberipika ang World ID mo

Sa World ID, prayoridad ang kapakanan nating mga tao sa internet, mapa-dating man o mga live event, gaming, social media at marami pang iba. Patunayang isa kang bukod-tanging tao nang hindi inilalantad ang iba pang impormasyon tungkol sa'yo.

Patunayan mong tao ka

Ligtas na mag-log in sa paborito mong mga app

Mapa-Tinder man o Zoom, ang beripikado mong World ID ang siyang magpapatunay na tao ka sa anumang ka-partner naming app. Higit 18M na ang beripikadong tao. Higit 150M beses nang ginamit bilang ID.

Paano magsimula

Hakbang 1/3

orb

I-download ang World ID App at tapusin ang set up.

Hakbang 2/3

magpaberipika

Buksan ang World ID App at pindutin ang magpaberipika gamit ang Orb. Tatagal lang ito ng 2 minuto.

Hakbang 3/3

Tanggapin ang World ID mo

Tanggapin ang World ID mo at patunayang isa kang bukod-tanging tao online.

Mga Madalas Itanong

Kapag nagpapaberipika ka ng World ID sa Orb, paminsan-minsan ay may lalabas na
error message sa World ID App mo. Kapag nangyari ito, pakisundan lang ang mga hakbang na nakalagay sa artikulong ito.

Tulong sa beripikasyon

Ikaw ang may buong kontrol sa datos mo. Pagkatapos mong mapatunayang tao ka, ang datos mo ay i-eencrypt, ipadadala sa telepono mo at tuluyan nang buburahin mula sa Orb.

Tanging ang telepono mo lang ang may hawak ng datos at ng World ID mo. Puwede mong burahin ang datos kahit kailan sa World ID App sa ilalim ng profile mo kapag pinindot mo ang Pribasiya at Seguridad.

Makikita ang karagdagang impormasyon sa world.org/privacy.

[18+] Hindi pinapayagan ang mga menor de edad na gumamit ng anumang serbisyo ng World kabilang na ang pagpapaberipika ng World ID sa Orb. Habang nagpapaberipika, ipalalagay sa'yo ang petsa ng kapanganakan mo. Pagkatapos, kaagad na susuriin ng Orb ang edad mo. Ginagamit lang ang petsa ng kapanganakan mo para maberipika kung pasok ka sa kinakailangang edad at hindi namin ito itatabi.

Kung ang inilagay mong petsa ng kapanganakan ay nagpapakita na wala ka pang 18 taong gulang, o kaya naman ay natukoy ng Orb na menor de edad ka pa lang, hindi mo magagamit ang World ID App at hindi ka makakapagpaberipika sa Orb. Kung sa tingin mo ay nagkamali lang kami sa pag-block sa'yo, kailangan mong magbigay ng dagdag na patunay ng edad (hal., valid ID) o kontakin ang Support. Kung kailangan mo pa ng tulong, pakitingnan lang ang artikulong ito.

Tulong sa beripikasyon ng edad

Sa World ID App, pindutin ang Profile icon mo, tapos ang Support. Mula roon, pindutin ang headphones icon para makipag-chat sa mismong agent namin, o mag-browse ng mga kapaki-pakinabang na artikulo. Ang Support Chat ay ang opisyal na channel para sa tulong kaugnay ng World.

Alamin pa ang tungkol sa World

Basahin ang Mga Madalas Itanong.

Pribasiya sa World

Ikaw ang may-ari at may kontrol sa datos mo.

Mga Update sa World