World, Inilunsad na sa Wakas sa Estados Unidos

Apr 30, 2025 5 Minute Read

Ang Estados Unidos ay nangunguna sa inobasyon ng artificial intelligence. Ngayon, oras na para yakapin ng AI hub ng buong mundo ang mahalagang katuwang nito: ang patunay ng pagkatao.

Ang World – ang pinakamalaking network ng pananalapit at pagkakakilanlang nakasentro sa mga tao – ay available na sa Estados Unidos, dala ang bisyon nito sa sentro ng digital na rebolusyon.

Isang Estratehikong Paglulunsad sa Amerika

Maaaring nang maipaberipika ng mga Amerikano ang World ID nila simula sa anim na pangunahing hub ng inobasyon (Atlanta, Austin, Los Angeles, Miami, Nashville at San Francisco), magamit nang buo ang World App, at makakuha ng Worldcoin (WLD) airdrop. Ang namumukod-tanging NVIDIA-powered Orbs ng World ay magiging available sa buong USA sa pamamagitan ng standalone World Spaces at mga partner na lokasyon tulad ng mga tindahan ng Razer.

Ang World Experience

Ang pakikilahok ay napakasimple: i-download ang World App, patunayan na ikaw ay natatangi at tao sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya ng Orb, at tuklasin ang isang hanay ng mga kakayahan:

  • Hindi matutukoy na beripikasyon ng tao online, para maprotektahan ang pribasiya mo habang kinukumpirma ang natatangi mong pagkatao
  • Access sa WLD tokens sa ligtas mong World App wallet
  • Isang lumalawak na ecosystem ng mga Mini App na sumasaklaw sa edukasyon, pananalapi, at koneksyon sa lipunan

Idinisenyo Para Maging Pribado 

Binibigyan ng World architecture ang mga Amerikano, at ang iba pa sa buong mundo, ng buong kontrol sa digital nilang pagkakakilanlan. Salamat sa Personal Custody ng World, ang personal na datos ay mananatiling eksklusibo sa device mo – hindi ito kailanman mapapasakamay ng World o anumang third party. Tinitiyak ng mga advanced cryptographic system – kabilang ang Anonymized Multi-Party Computation at mga zero knowledge proof – na ang datos at mga hakbang mo ay mananatiling pribado habang ibiniberipika ang pagkatao mo.

Alamin pa

Para manatiling may alam tungkol sa World, bisitahin ang website ng World o mag-subscribe sa blog sa ibaba.

Maaari ka ring sumali sa pang-araw-araw na usapan sa lahat ng mga social media channel ng World, o makakuha ng karagdagang mahalagang impormasyon tungkol sa network sa pamamagitan ng pagbabasa ng World protocol whitepaper.

Paunawa

Ang kwalipikasyon para sa mga Worldcoin (WLD) token ay pinaghihigpitan batay sa heograpiya, edad, at iba pang mga salik. Ang WLD ay hindi magagamit para sa pamamahagi sa pamamagitan ng World App sa mga tao, kumpanya o organisasyong nakatira o matatagpuan o inkorporada sa Estado ng New York o iba pang pinaghihigpitang mga teritoryo. Ang World Assets, Ltd. at World Foundation ay hindi mananagot para sa pagkakaroon ng WLD sa mga third party platform, tulad ng sentralisado o desentralisadong mga palitan. Para sa mga detalye, pumunta sa: https://world.org/legal/user-terms-and-conditions. Ang mga produktong crypto ay maaaring maging napakamapanganib gamitin. Ang Mahalagang Impormasyon ng User ay makikita sa https://world.org/risks.


Ang nilalaman sa itaas ay patungkol lamang sa petsang nakasaad. Maliban pa rito, napapailalim ito sa mga panganib, kawalan ng katiyakan at mga pagpapalagay, kaya't maaaring maging mali ito at maaaring magbago nang walang abiso. Ang isang buong disclaimer ay matatagpuan sa aming Mga Tuntunin ng Paggamit at ang Mahahalagang Impormasyon ng Gumagamit ay matatagpuan sa aming Mga Panganib na pahina.