Tatlong pinakamadalas gamiting paraan para magamit ang bago mong beripikadong World ID

Jun 20, 2025 4 Minute Read

Binabati kita! Mayroon ka nang beripikadong World ID, ano'ng susunod? Maligayang pagdating sa network ng [INSERT TICKER] beripikadong tao.

Una sa lahat, balikan natin kung ano ang World ID. Para itong mas sopistikado pero hindi gaanong nakakainis na captcha na magagamit mo sa panahon ng AI. Ang beripikado mong World ID ay isang pribadong digital na kredensyal na magagamit mo para mapatunayan nang hindi nagpapakilalang isa kang tao sa internet. Ang mahalaga, ang lahat ng impormasyong ginamit sa paglikha ng World ID mo ay naka-encrypt at ligtas na itinatago sa telepono mo. 

Ngayon, talakayin natin kung ano ang magagawa mo sa beripikado mong World ID.

Tuklasin ang Mga Mini App

Ang Mini App ay nilikha ng mga third-party developer para magamit sa loob ng World App. Alam mo ba kung paano ka makakapag-download ng mga Apple o Android app para sa telepono mo? Ang Mga Mini App ay parang ganoon, pero nasa mismong World App ang mga ito at iniakma para sa pribasiya. (Salamat sa isang integration sa World ID, hindi sinusubaybayan ng Mga Mini App ang aktibidad mo sa iba pang mga application, tulad ng ginagawa ng maraming app.)

Ang lahat ay makikita mo sa Mga Mini App, mula sa Polls para sa pagboto ng beripikadong mga tao, hanggang sa microlending para sa beripikadong mga tao, hanggang sa mga app na gumagamit ng World ID para mapatunayang tao ka sa mga social media network. Sa pamamagitan ng Mga Mini App, pwede mo ring ma-access ang mga desentralisadong lending network at mga Telegram group na para lamang sa mga tao. Bukod pa rito, maaari mong gamitin ang WLD sa Mga Mini Apps para bumili ng mga regalo o mga eSIM para sa telepono mo.

Patunayang tao ka sa pamamagitan ng mga online integration

Ang World ID ay nagbibigay-daan sa mga taong mapatunayang tao sila online nang hindi isinasakripisyo ang pribasiya nila. Ang World ay patuloy na nagdaragdag ng mga bagong integrasyon at mga pilot. Halimbawa: 

  • Maaaring maiwasan ng mga gamer na matalo ng mga bot kapag sumali sila sa mga multiplayer game gamit ang Razer ID nila.
  • Ang Tinder ay Ini-integrate na ang World ID kaya't tunay na mga tao at hindi mga robot ang makakasalamuha ng mga single na tao. 
  • Sa pamamagitan ng World ID integration, ang mga admin ng Discord ay pwedeng mag-host ng mga “para sa mga tao lang” na channel sa isang server para maiwasan ang aktibidad ng bot, o magtalaga ng iba't ibang mga server role sa mga user na magpapaberipika gamit ang World ID
  • Ang mga mangangalakal sa Shopify ay maaaring magbigay ng isang beses na diskwento sa mga customer na magpapaberipika gamit ang World ID para maiwasan ang pandaraya o coupon-stacking

At marami pang iba ang posible. Pinaplano ng World na magkaroon ng mga integration sa mga ticketing providers para maiwasan ang pagho-hoard, mga online marketplace para maiwasan ang pandaraya, at mga social media site para mapigilan ang pagkalat ng mga fake account.

Kunin ang WLD airdrop mo

Ang bawat tao na may beripikadong World ID ay kwalipikadong makakuha ng bahagi ng Worldcoin (WLD)*, isang digital token na namamahagi ng pagmamay-ari ng network sa bawat kalahok. Ang tanging kinakailangan para sa pagmamay-ari ay natatanging pagkatao. Maaari mong kunin ang bahagi mo sa Worldcoin Mini App, at pagkatapos, ang WLD ay mapupunta na sa mismong World App wallet mo.

Ano ang magagawa mo sa WLD? Maaari mo itong ipunin o, kung available, ilagay ito sa isang Vault. Sa maraming bansa, maaari mo rin itong ipapalit para sa mga fiat currency sa pamamagitan ng mga integration sa mga pangunahing cryptocurrency exchange sa buong mundo kabilang ang Binance, Coinbase, Kraken, OKX, Bybit at marami pang iba. Parami nang parami ang mga taong gumagamit nito sa lumalaking network ng World, partikular para sa mga in-app na pagbabayad sa Mga Mini App.

Alamin pa

Sa mahigit 28 milyong user sa 160+ bansa, patuloy na bumubuo ang World ng imprastraktura para sa beripikasyon ng mga tao sa isang panahong lalong pinangungunahan ng artificial intelligence. Para manatiling may alam tungkol sa World, bisitahin ang website ng World o mag-subscribe sa blog sa ibaba. Maaari ka ring sumali sa pang-araw-araw na usapan sa lahat ng World social media channel, o makakuha ng karagdagang mahahalagang impormasyon tungkol sa network sa pamamagitan ng pagbabasa ng World protocol whitepaper.

Paunawa

* Ang kwalipikasyon para sa mga token ng Worldcoin (WLD) ay nililimitahan batay sa heograpiya, edad, at iba pang mga kadahilanan. Ang WLD ay hindi magagamit para sa pamamahagi sa pamamagitan ng World App sa mga tao, kumpanya o organisasyong nakatira o matatagpuan o inkorporada sa Estado ng New York o iba pang pinaghihigpitang mga teritoryo. Ang World Assets, Ltd. at World Foundation ay hindi mananagot para sa pagkakaroon ng WLD sa mga third party platform, tulad ng sentralisado o desentralisadong mga palitan. Para sa mga detalye, pumunta sa: https://world.org/legal/user-terms-and-conditions. Ang mga produktong crypto ay maaaring maging napakamapanganib gamitin. Ang Mahalagang Impormasyon ng User ay makikita sa https://world.org/risks.