Ano ang Worldcoin (WLD) at paano ito gamitin

Aug 14, 2025 7 Minute Read

Kahit bago ka pa lang sa World, ang network ng tunay na mga tao, o isa ka sa mga unang sumali rito, mahalagang maintindihan kung ano ang Worldcoin (WLD*) at kung paano kunin ang mga WLD token, maglipat ng mga digital asset, at palaguin ang network mo.

Ang Worldcoin ay ang token na pwedeng kunin ng lahat ng beripikado at kwalipikadong indibidwal para maihanay ang mga insentibo nila sa paglago ng network. Narito ang gabay kung paano gamitin ang WLD sa World App at sa mas malawak na World network.

Pagsisimula: Paano kunin ang Worldcoin

Ang paraan ng World Network sa pamamahagi ay simple lang. Pwedeng mag-opt in para sa Worldcoin ang mga beripikadong tao. May dalawang paraan para makakuha ng WLD.

Dalawang Paraan para Magpaberipika, Dalawang Paraan para Makakuha

Sa pamamagitan ng beripikasyon ng Orb, magkakaroon ka ng patunay ng pagkatao na magbibigay-daan sa'yo para makuha mo ang pinakamataas na halaga ng WLD token. Kapag naglagay ka naman ng World ID na Kredensyal gamit ang NFC-enabled mong pasaporte o government ID, magkakaroon ka ng iba pang paraang mas mabilis at madali, kung saan hindi mo na kailangan pang magpaberipika sa Orb.

Ang Proseso ng Pagkuha

Madali lang ang pagkuha ng Worldcoin at hiwalay ito sa beripikasyon ng patunay ng pagkatao. Una, kailangan mong i-download ang Worldcoin Mini App sa homescreen ng World App. Pagkatapos ma-download, pwede mo nang pindutin ang "Kumuha na" para makuha ang unang bahagi ng Worldcoin mo. Sa susunod na 11 buwan, pwede ka pang makakuha ng natitirang mga bahagi. Pagkatapos mong kunin ang mga ito, ikaw ang pipili kung saan mapupunta ang mga token mo: Sa Spending (pwede nang gamitin agad) o, kung available, sa Vault (kumikita ng reward na 10% APY).

image

Mahalagang paalala tungkol sa tamang tiyempo: Nag-e-expire ang mga claim, kaya't magtakda ng buwanang paalala o mag-opt in para makatanggap ng mga push notification. Kung makaligtaan mo ang isang cycle, mawawala na ang pagkakataon mong makuha ang mga token na iyon habambuhay. Tanging ang mga taong naberipika ng Orb at mga indibidwal na naglagay ng World ID na kredensyal lang ang pwedeng makakuha ng WLD sa World App.

Gamitin ang Worldcoin sa Mga Mini App 

Ang mga Mini App ay mga app na nilikha ng mga third-party developer para gamitin sa loob ng World App. Alam mo 'yong pwede kang mag-download ng mga app sa app store ng mga Apple at Android device? Ganoon din ang Mga Mini App, pero nasa loob ang mga ito ng World App at naka-optimize para sa pribasiya. Dahil sa integration sa World ID, hindi itina-track ng Mga Mini App ang mga ginagawa mo sa ibang application.

Mayroon ang Mga Mini App ng lahat, mula sa Polls para sa pagboto ng mga beripikadong tao, hanggang sa microlending para sa mga beripikadong tao, pati na rin ang mga app na gumagamit ng World ID para mapatunayang tao ka sa mga social media network. Pwede mong gamitin ang WLD sa Mga Mini App sa iba’t ibang paraan, tulad ng pagbili ng mga regalo o mga eSIM para sa telepono mo.

image

Maglipat ng Mga Digital Asset: Mas Pinadaling Ramps at Swaps

Kapag nakalikom ka na ng WLD, pwede mo itong ipapalit para sa tradisyonal na pera. Dito papasok ang "ramps," mga third-party na serbisyo na pinag-uugnay ang mga digital assets at tradisyonal na pananalapi sa World App.

Pwede mo ring ipapalit ang WLD mo para sa ibang token (kung saan “swap” ang tawag sa pagpapapalit ng isang uri ng token para sa iba pa). Ang mga swap ay pinagagana at tinatapos nang on-chain gamit ang mga third party platform tulad ng mga liquidity pool o iba pang crypto application.

image

Bumili ng Mas Maraming Token

Ang pagbili ng mga token ay halos pareho lang pero baligtad ang proseso. Kahit gumamit ka ng Digital Dollars na nasa wallet mo na o iba pang paraan ng pagbabayad tulad ng bank transfer o Apple Pay, pareho lang ang magiging daloy: Wallet → Bumili → piliin ang token at paraan ng pagbabayad → tapusin gamit ang third-party provider.

Payo: Laging tandaan kung aling provider ang gamit mo kapag bumibili o nagwi-withdraw ka. Magiging napakahalaga ang impormasyong ito kung kakailanganin mo ng support sa susunod.

Palawakin ang Network Mo: Ang Kapangyarihan ng Referral

Sa pamamagitan ng referral system ng World Network, makatatangap ka ng mga reward kapag nag-invite ka ng iba sa network. Simple lang ang konsepto: i-iinvite mo ang mga kaibigan mo, beberipikahin nila ang pagkatao nila, at makikinabang ang lahat.

Magpadala ng Mga Invite na Talagang Gumagana

Ang pagpapadala ng mga invite ay ginagawa sa pamamagitan ng hiwalay na Mga Invite Mini App. Pwede mong ibahagi ang natatangi mong code nang direkta o i-sync ang mga contact para mag-invite ng partikular na mga kaibigan. Awtomatikong bumubuo ng mga invite link ang app, kaya't sobrang dali lang magbahagi ng mga ito.

Ang Kahalagahan ng Tamang Tiyempo

Kailangang i-redeem ang mga Invite code bago magpa-appointment sa Orb o magpaberipika. Para sa mga bagong user, pipindutin lang nila ang "Tanggapin ang Invite" mula sa link mo. Para sa dati nang mga user, kailangan nilang pumunta sa Mga Setting → I-redeem ang Invite at ilagay ang code nang mano-mano.

Kapag napalampas mo ito, mawawala na ang referral reward—walang eksepsyon.

Pagsubaybay sa Paglago ng Network Mo

Mas nakaeengganyo ang pagsubaybay sa mga invite mo gamit ang Mga Invite Mini App, kung saan makikita mo kung sino ang mga i-ninvite mo at ang status ng beripikasyon nila. Masayang panoorin kapag ang status ng mga kaibigan mo ay naging "beripikado" na mula sa "na-invite."

Tandaan: Nag-iiba ang mga invite reward depende sa lokasyon at hindi ito available sa lahat ng lugar. Kung available ang mga ito, kadalasan ay lilitaw ang mga reward sa tab ng Mga Reward ng Mini App pagkatapos makumpleto ng kaibigan mo ang beripikasyon ng Orb.

Ang Hinaharap Mo

Pinapaboran ng World ecosystem ang aktibong partisipasyon at paghihintay sa tamang tiyempo. Simulan sa beripikasyon para ma-unlock ang pag-claim, intindihin ang ramps para sa flexibility, at gamitin ang mga invite para mapalago ang network. Ang bawat bahagi ay magkakaugnay, para magkaroon ng ang mga user ng tunay na human experience.

Ang susi ay pagiging consistent—mag-claim buwan-buwan, subaybayan ang mga transaksyon, at hintayin ang tamang tiyempo para sa mga invite. Kapag nakabisa mo na ang mga pangunahing kaalaman na ito, masusulit mo ang iniaalok ng World Network habang tumutulong kang bumuo ng mas inklusibo at pandaigdigang network ng pananalapi para sa tunay na mga tao.

Matuto pa

Para manatiling may alam tungkol sa World, bisitahin ang website ng World o mag-subscribe sa blog sa ibaba.

Pwede ka ring sumali sa araw-araw na usapan sa lahat ng social media channel ng World, o alamin pa ang mahahalagang impormasyon tungkol sa network sa pamamagitan ng pagbabasa ng World protocol whitepaper.

Paunawa

* Ang kwalipikasyon para sa mga Worldcoin (WLD) token nililimitahan batay sa heograpiya, edad at iba pang salik. Hindi available ang WLD para sa distribusyon sa pamamagitan ng World App sa mga tao na residente ng, mga kumpanya o organisasyong matatagpuan o nakarehistro sa Estado ng New York o iba pang pinaghihigpitan teritoryo. Ang World Assets, Ltd. at World Foundation ay hindi responsable para sa availability ng WLD sa mga third party platform, tulad ng sentralisado o desentralisadong palitan. Para sa karagdagang detalye, pumunta sa: https://world.org/legal/user-terms-and-conditions. Ang mga crypto product ay maaaring maging mapanganib gamitin. Ang Mahalagang Impormasyon para sa User ay matatagpuan sa https://world.org/risks.