Paano kunin ang buwanan mong mga WLD token

Sep 15, 2025 3 Minute Read

Sa mga bansa kung saan ito available, pwedeng mag-opt in ang mga mayroong beripikadong World ID para makakuha ng mga buwanang WLD token.

Ang Proseso ng Pagkuha

Madali lang kunin ang WLD mo, pero hiwalay ito sa proseso ng beripikasyon ng patunay ng pagkatao. Una, kailangan mong buksan ang Worldcoin Mini App sa World App homescreen. Kung wala pa ito roon, i-download ito mula sa Mini Apps store. Pagpasok mo, pindutin ang "Kunin na" para makuha ang unang installment ng Worldcoin (WLD). Sa susunod na 11 buwan, pwede mo pang makuha ang natitirang mga installment (12 installment sa kabuuan). Pagkatapos mong kunin ang WLD mo, ikaw ang pipili kung saan mapupunta ang mga token mo: sa Spending (handa nang gamitin agad), o kung available, sa Vault (makakuha ng mga reward sa rate na 10% APY).

Narito ang paisa-isang gabay kung paano ito gumagana.

Pagkuha ng mga WLD token

Hakbang 1: Mag-download ng wallet

Ang una mong kailangang gawin para makuha ang buwanang WLD token ay mag-download ng isang World ID-compatible na wallet tulad ng World App na binuo at pinatatakbo ng project contributor na Tools for Humanity. 

Hakbang 2: Patunayang kwalipikado ka

Beripikahin ang bukod-tangi mong pagkatao sa pamamagitan ng pagbisita sa isang Orb, o magdagdag ng valid NFC-enabled na pasaporte o government ID, sa mga bansa kung saan available ito – pwede mo ring pagsamahin ang dalawang paraan. Ang lahat ng impormasyon ay ligtas na itatago sa device mo, at tanging sa device mo lang – walang ibang makaka-access nito, kaya't protektado ang pribasiya at anonymity mo.

Hanapin ang mga lokasyon para sa beripikasyon ng Orb sa World App o sa World website

Hakbang 3: Buksan ang Worldcoin Mini App

Kapag may wallet ka na at may naka-link nang tinatanggap na kredensyal sa World ID mo, buksan ang Worldcoin Mini App. Maaaring kailanganin mong i-download ang Worldcoin Mini App mula sa Mini App store. Kapag nagawa mo na ito, makikita mo na ang kabuuang halaga ng WLD token na pwede mong makuha sa loob ng 12 buwan.

Kahit wala ka pang World ID na naberipika ng Orb o hindi ka pa naglalagay ng available na government ID, makikita mo pa rin ang halaga ng WLD token na pwede mong kunin. Pareho lang ang numerong ito para sa lahat ng tao sa buong mundo sa kahit anong oras*, at ina-update ito nang real-time bawat segundo hanggang maiberipika mo ang World ID mo.

Hindi bumibili o nakikipagpalitan ang World ng mga token kapalit ng personal na datos, kabilang na ang datos ng iris. Walang mangyayaring kahit anong palitan ng pera o token kapag nagpaberipika ka ng World ID. Ang pagkuha ng mga WLD token ay hiwalay at lubos na boluntaryong proseso.

Hakbang 4: Kunin ang una mong token

24 oras matapos mong magpaberipika sa Orb o matapos mong magdagdag ng World ID na Kredensyal, makukuha mo na ang una mong token sa Worldcoin Mini App.

Hakbang 5: Kunin ang natitirang mga token buwan-buwan

Ang natitirang mga WLD token ay unti-unting maa-unlock sa loob ng isang taon. Bawat buwan, sa araw na pinili mong kunin ng WLD mo, may bagong bahagi ng token na maa-unlock. Ibig sabihin, pwede mo nang kunin ang mga ito at matanggap sa wallet mo.

Ang anumang na-unlock na token na hindi mo makukuha sa susunod na buwan ay mag-e-expire at babalik sa community pool.

Sa pamamagitan ng World App, palagi mong makikita ang kabuuang WLD na pwede mong makuha, masusubaybayan mo ang progress nito habang unti-unti itong naa-unlock, at malalaman mo kung kailan ulit maa-unlock ang mga token. Pwede mo ring i-on ang mga paalala para hindi mo makalimutang kunin ang mga ito kapag makukuha na ang mga ito.

Matuto pa

Para manatiling may alam tungkol sa World, bisitahin ang website ng World o mag-subscribe sa blog sa ibaba.

Pwede ka ring sumali sa araw-araw na usapan sa lahat ng social media channel ng World, o alamin pa ang mahahalagang impormasyon tungkol sa network sa pamamagitan ng pagbabasa ng World protocol whitepaper.

Paunawa

* Ang kwalipikasyon para sa mga Worldcoin (WLD) token nililimitahan batay sa heograpiya, edad at iba pang salik. Hindi maipamamahagi ang WLD sa mga taong residente ng, o mga kumpanya o organisasyong matatagpuan o nakatala bilang korporasyon sa Estado ng New York o iba pang pinaghihigpitang teritoryo sa pamamagitan ng World App. Ang World Assets, Ltd. at World Foundation ay hindi responsable para sa pagkakaroon ng WLD sa mga third party platform, tulad ng sentralisado o desentralisadong palitan. Para sa karagdagang detalye, pumunta sa: https://world.org/legal/user-terms-and-conditions. Ang paggamit ng mga produktong crypto ay maaari mong ikalugi. Ang Mahalagang Impormasyon Para sa User ay matatagpuan sa https://world.org/risks.