Pagsugpo Sa Mga Pekeng Account Sa Pamamagitan ng World

Abril 14, 2025 4 Minutong Pagbabasa

Pagsugpo Sa Mga Pekeng Account Sa Pamamagitan Ng World

Nawawalan na ng tiwala ang mga konsumer at palala na nang palala ang nagiging karanasan nila online habang sinasapawan na ng “AI slop” ang mga timeline natin. 

Sa social media, mga gaming platform at online marketplace, pahirap na nang pahirap malaman kung ano o sino ang kausap mo. Pwedeng tunay na mga tao ang nasa likod ng mga account… o mga bot… o isa sa maraming persona na kontrolado ng iisang tao. Mukha mang totoo ang mga post, reply at engagement nila, pero parami na nang parami ang nakikita nating artificial content araw-araw. 

Bakit? Dahil pumasok na sa eksena ang mga AI bot. 

Noon, madalas ituring ang mga bot na parang mga spam email: nakakainis pero pwedeng salain at balewalain. Dahil pumasok na sa eksena ang AI, ang laki na ng ipinagbago ng mga bot na kaya nang magmukha at magtunog-tao. Nakalilikha na ang mga ito ng makatotohanang content, kaya nang makipag-usap at kayang linlangin ang mga tao na tanggapin ang friend request ng mga ito. 

Inililihis man ng mga ito ang atensyon mo sa mga mababang kalidad na website na puno ng ads, sinusubukan kang linlangin para ibahagi ang pribado mong impormasyon, o ibenta sa’yo ang pinakabagong “must-have” na gadget, ipinapakita ng datos na parami na nang parami ang mga taong  nalilinlang ng mga bot na ito na para bang mga tao ang mga itong mapagkakatiwalaan nila. 

Ayon sa isang survey kamakailan na iniatas ng World sa 2,000 Amerikanong nasa hustong gulang: 

  • Mahigit tatlong-kapat ng mga sumagot ang nagsabing “wala nang kasing-lala” ang internet ngayon pagdating sa kakayahan nitong matukoy ang pagkakaiba ng tunay sa artificial content
  • Naniniwala ang mga sumagot na kalahati ng mga balita at artikulong nakikita nila online ay may elementong may kinalaman sa AI
  • 30% lang ng mga sumagot ang makapagsasabing alam nila ang kaibahan ng mga business review na isinulat ng mga tao mula sa isinulat ng AI

Bakit Hindi Na Epektibo Ang Mga Solusyon Ngayon

Pagdating sa pagsugpo sa mga pekeng account sa panahon ng AI, natatalo na ang mga platform sa laban. Dahil sa mga automated tool, madali nang makalikha ng mga email address nang maramihan at gamitin ang mga ito para gumawa ng walang hanggang mga spam account sa mga platform. Dahil nagiging mas advanced na ang AI, parami na nang parami sa mga bot na ito ang nagkikilos-tao, kaya't mas mahirap para sa mga platform na matukoy at masugpo ang mga ito.

Higit pa ito sa problema ng pagmo-moderate ng content o pagdedesisyon batay sa patakaran ng platform. Isa itong sistemikong isyung nakakaapekto sa pagtitiwala sa lipunan, diskursong sibiko, mga karapatan ng consumer, at pagsunod sa regulasyon. At ang kasalukuyang imprastruktura ay inihanda para sa kung ano ang paparating.

Kung walang mga bagong tool para maberipika ang awtentisidad online, mapipilitan ang mga gobyernong magpatupad ng mga mararahas na regulasyong kadalasang humahantong sa hindi inaasahang mga epekto nito, tulad ng sobrang pagkalap ng personal na datos (na maaaring lalong magpalala ng problema dahil mas magkakaroon ng datos ang mga AI bot na magagamit sa pag-train nito), pagbubukod sa mga taong hindi sapat ang serbisyong natatanggap, o pagbubukod-bukod ng mga bansa ng sarili ng mga ito sa internet.

Mas Epektibong Solusyon: World ID

Hindi na kailangan pang tingnan ng mga online platform ang government ID o mag-integrate ng KYC para mapigilan ang mga bot mula sa platform ng mga ito; ni hindi rin kailangan pang malaman ng mga ito kung sino ka. At dahil madaling malusutan ng AI ang mga CAPTCHA at pekeng ID, hindi rin gagana ang paraang iyon. Sa halip, pwedeng i-integrate ng mga platform ang World ID sa mga sign-in system ng mga ito, gaya ng ginawa ng Razer sa mga video game nito. 

Malaki ang pinagkaiba ng naibibigay ng World ID kaysa sa kasalukuyang mga solusyon. Nagbibigay-daan ito sa mga platform na maberipika kung ang isang indibidwal ay isang tunay at bukod-tanging tao. Ang pagkakaiba, hindi ito nangongolekta ng personal na datos, nagpapa-onboard na mala-KYC, o ipinasasailalim ang mga user sa nakaaabalang mga gawain tulad ng CAPTCHA.

Kapag ipinatupad ang paggmit ng World ID sa mga online platform, magbibigay-daan ito sa:

  • Ugnayan ng tao sa kapwa tao: Maaasahan ng mga konsumer na ang may-ari ng mga account na kausap nila ay kontrolado ng tunay na mga tao.
  • Mas magkaroon ng pagtitiwala sa mga platform: Mapagtutuunang muli ng mga online platform ang pagpapadali ng interaksiyong pantao na siya ring tumutulong maibalik ang pagtitiwala sa mga platform economy ng mga ito.
  • Binabawasan ang panganib sa personal na datos: Hindi kailangang magbahagi ng mga indibidwal ng personal nilang datos, kaya't hindi na kailangang mag-alala ang mga platform tungkol sa pagkawala nito.
  • Paglaban sa AI: Ang World ID ay nagbibigay-daan sa authentication na nakatuon sa mga tao sa pamamaraang hindi kayang gayahin ng AI.

Ngayon, nakikisalamuha ang mga tao sa mga online space kung saan parang hindi na gaanong ligtas, hindi na gaanong totoo at hindi na gaanong patas. Sa pamamagitan ng World ID,  magkakaroon ka ng mas mainam at mas makataong paraan para rito, para maipanumbalik ang pagtitiwala online at makatulong sa mga platform na manatiling bukas at ligtas sa isang mundong malaki na ang impluwensiya ng AI.