
Mula nang ilunsad ang World sa Pilipinas nitong Pebrero, milyon-milyong Pilipino na ang nakakuha ng pribado nilang patunay ng pagkatao o World ID. Ngayon, malalabanan na nila ang online na krimen at mga panlolokong may kinalaman sa mga deepfake, kung saan tumaas nang 4,500% ang mga kaso nito sa bansa mula 2022 hanggang 2023.
Bago ito ilunsad, sumunod ang team na nagpapatakbo sa World sa Pilipinas sa lahat ng nauukol na batas sa bansa, nakipagtulungan sa mga regulator, at opisyal na nagparehistro sa National Privacy Commission (NPC). Hindi namin ito ginawa para lang makumpleto ang isang checklist, kundi dahil lubos kaming naniniwala sa paglikha ng isang network ng tunay na mga tao na idisenyo para maging pribado, ligtas at bukas para sa lahat.
Gayunpaman, ang bagong teknolohiya ng World na nagbibigay-daan sa mga taong mapatunayang tao sila nang hindi nagpapakilala ay kumplikado. At habang patuloy na pinagaganda ng World ang teknolohiya nito, maaaring mahirapan kaming makasabay sa lagay ng network. Dahil dito, may ilan pa ring mga miskonsepsyon tungkol sa kung paano gumagana ang World, at karamihan sa mga ito ay may kinalaman sa datos at pribasiya.
Dito, sasagutin namin ang ilan sa pinakamahahalagang mga katanungan ng mga tao:
Ang World ID ay isang digital na pagkakakilanlan, 'di ba?
Hindi pagkakakilanlan kundi pagkatao. Ang World ID ay isang digital na patunay na ikaw ay isang tao, hindi isang partikular na tao. Hindi alam ng World ID ang pangalan mo, address, edad, taas, bigat o ang kulay ng mata mo. Sa madaling salita, ang digital identity ay tungkol sa kung sino ka, samantalang ang World ID ay tungkol sa kung ano ka — isang bukod-tanging tao.
Tina-track ba ng World ID ang pagkakakilanlan ng mga tao?
Hindi. Pagkatapos mong pumunta sa Orb, mabeberipika mo ang World ID mo para ganap kang makasali sa network nang hindi nagpapakilala. Hindi alam ng World at hindi ito ginawa para malaman ang pagkakakilanlan ng mga miyembro nito.
Pero medyo maling tawagin itong World ID, dahil isa talaga itong digital na patunay na tao ka, hindi patunay na ikaw ang isang partikular na tao o anumang detalye tungkol sa’yo. Karaniwan, naglalaman ng pangalan, address, petsa ng kapanganakan at litrato ang isang pisikal na ID. Pero ang layunin ng World ID ay patunayan lang na ikaw ay a) tao at b) bukod-tangi. Kaya naman, hindi humihingi ang mga Orb operator ng anumang personal na detalye at hindi nagtatabi ang Orb ng mga larawan mo.
Nagtatabi ba ng datos ng biometrics ang Orb?
Hindi. Sa katunayan, ang network ay binuo para hindi magtabi ng datos ng biometrics.
Kukunan ng Orb ng larawan ang mga mata at mukha mo. Mapupunta ang mga larawang ito sa smartphone mo, at doon lang itatago ang mga ito (hindi sa mga server ng kahit anong kumpanya). Gumagamit ang network ng cryptography para suriin ang mga larawan at mapatunayang isa kang bukod-tanging tao at na hindi ka pa nakakapag-sign up sa network noon.
Basahin ang tungkol sa cryptography sa whitepaper ng network dito.
Makakukuha ba ang ibang tao ng access sa datos ng mga World user?
Tama lang na mag-alala ka tungkol sa mga data breach, lalo na’t madalas na itong mangyari. Pero hindi mate-trace ng mga hacker ang datos sa mga user kung hindi naman ito itinatabi ng network. Pagkatapos bumisita ng isang tao sa Orb, buburahin ang mga larawan nila mula sa Orb at hindi itatago ang mga larawan sa anumang database. Ang matitira lang ay isang cryptographic proof na sila ay bukod-tangi. Hinding-hindi ito maiuugnay sa personal na datos ng mga user.
Bumibili ba ng datos ang World?
Bagama't uso na ang pagbili at pagbebenta ng datos bilang uri ng negosyo, hindi gano'n ang sa'min. Ang layunin ng World ay ang maging network ng tunay na mga tao. Naniniwala kami na may malalim na halaga sa paglikha ng mga espasyo online kung saan makasisiguro ang mga tao na tunay na tao ang kausap nila, hindi mga bot. Hindi pagbebenta ng datos ang negosyo namin. Sa halip, tinutulungan namin ang mga kumpanyang tinamaan ng panlolokong ginamitan ng AI habang pinananatiling pribado ang lahat ng datos online.
Para mapalgo ang network, may referral program ang World na nagbibigay sa mga Pilipinong nagre-refer
ng iba ng pagkakataong makakuha ng mga WLD token. Pero wala pa ring magbabago; walang personal na datos ang ibabahagi kahit kanino kapag ipinapaberipika nila ang pagkatao nila sa isang Orb.
Kailangan bang pumunta ng mga tao sa isang Orb para magamit ang World?
Hindi. Pwedeng sumali ang mga tao sa World Network nang hindi ibiniberipika ang World ID nila.
Alamin Pa
Para manatiling may alam tungkol sa pinakabagong mga kaganapan sa World at iba pang kapana-panabik na balita at anunsyo, bisitahin ang website ng World o mag-subscribe sa blog sa ibaba.
Pwede ka ring sumali sa araw-araw na usapan sa lahat ng social media channel ng World, o makakuha ng karagdagang mahahalagang impormasyon tungkol sa network sa pamamagitan ng pagbabasa ng World protocol whitepaper.