Isang Mahalagang Sandali para sa Internet

May 02, 2025 5 Minute Read

Ang internet ay nasa kritikal na sitwasyon. 

Sa pag-angat ng artificial intelligence, lubhang dumadali na ang pagbuo ng teksto, mga larawan, at maging ang buong pagkatao online na mukhang walang pagkakaiba sa tunay na mga tao. Sa katunayan, nagbabala ang mga eksperto na sa loob lamang ng ilang taon magiging imposible nang malaman kung ang isang tao ay nakikipag-usap sa isa pang mortal o isang neural network. Ang mga scam na ginamitan ng AI, mga deepfake na video, at mga bot account ay lumaganap nitong nakaraang taon ang nag-udyok ng pagbabagong ito. Ang mga pagbabagong ito ay nagbibigay-diin sa isang matinding hamon – paano natin matitiyak ang tunay na presensya ng tao at pagtitiwala sa internet?

Ang kahalagahan ng mga beripikadong tao

Sa paglaganap ng AI content, ang pagkakaroon ng mga beripikadong tao sa mga digital na espasyo ay nagiging mas mahalaga. Kapag nakikisalamuha ka sa social media, nagbabasa ng online review, o tumatanggap ng email, gusto mong magkaroon ng kumpiyansang may tunay na tao sa kabilang banda – hindi isang sopistikadong naka-program na impostor. Ang pangangailangan para sa awtentisidad ay hindi lamang teoretikal. Ayon sa isang survery ng mga konsumer kamakailan, higit sa tatlong-kapat ng mga tao (77%) ay naloko ng mga content na ginamitan ng AI sa internet[1].  Ang pagkakaroon ng beripikadong pagkakakilanlan ng tao ay nagiging pundasyon na ng pagtitiwala sa modernong internet ecosystem.

Beripikasyon ng pagkataong inuuna ang pribasiya

Sa pagtugon sa hamong ito, kailangang magkaroon ng mga solusyong makapagpapatunay kung tunay na tao ang isang indibidwal nang hindi isinasakripisyo ang pribasiya o gawin itong kumplikado. Ang World ay bumubuo ng mga tool para gawin iyon mismo. Simple lang ang ideya: magbigay ng mabilis at madaling paraan para sa sinuman na mapatunayang tunay at natatangi silang tao – lahat habang iginagalang ang pribasiya at awtonomiya ng indibidwal. 

Kapag gumamit ang isang tao ng beripikadong World ID, makukumpirma nitong “Oo, isa itong tunay at natatanging tao” nang hindi ibinubunyag ang anumang personal na detalye tungkol sa kanila. Walang sensitibong data ang kailangang ibahagi; sa halip, magaganap ang beripikasyon sa pamamagitan ng mga protektadong protocol (gaya ng mga zero-knowledge proof na kaunting kumpirmasyon lamang ang ibinabahagi). Dahil idinisenyo ito para unahin ang pribasiya, makapagpapaberipika ka nang hindi isinasakripisyo ang anonymity o datos mo. Sa pamamagitan ng pagpapasimple, pagprotekta, at pangangalaga sa pribasiya sa beripikasyon ng pagkatao, layunin ng World na maging accessible ito sa lahat – mag-login ka man sa isang website, sasali sa isang online gaming tournament, o mapatunayan lamang na hindi ka isang bot. Ang layunin namin ay gawing madaling matukoy ang mga tunay na tao habang pinipigilan ang mga bad actor (o masasamang loob.)

Isang mapagkakatiwalaang Internet na nakatuon sa mga tao

Ang pagkakaroon ng maasahang beripikasyon ng mga tao ay hindi lamang etiketa – ito ang pundasyon ng isang maayos na internet. Isipin mo ang internet ng hinahanarap kung saan ang mga pangunahing interaksyon at content ay mapatutunayang kagagawan ng tao. Mas magiging awtentiko at walang pagmamanipula ng mga bot ang mga social network. Ang online commerce at banking ay maaaring maging mas ligtas mula sa mga manloloko. Mas madaling masusuri ang maling impormasyon, dahil malalaman mo kung ang content ay galing sa mga beripikadong pinagmulan (o maifa-flag ito kung ito ay mula sa hindi kilala at hindi beripikadong pinagmulan). Samakatuwid , ang mga tool para sa beripikasyong ito ay naglalatag ng pundasyon para sa isang internet na napipigilan ang sa pandaraya, at inuuna ang tunay na mga tao at tunay na pakikisalamuha. Ang trabaho ng World ay isang mahalagang bahagi ng pagbuo ng pundasyong iyon. Sa pamamagitan ng pagtuon sa teknolohiya ng patunay ng pagkatao, ang World ay tumutulong lumikha ng imprastraktura kung saan nakikita ng maraming tech leader at mambabatas ang kahalagahan nito sa panahon ng AI.

Isang Bagong Pamantayan para sa Pagtitiwala sa Internet

Ang paglaganap ng sopistikadong AI ay lumikha ng maraming oportunidad at pagbabago. Nag-udyok din ito ng mga katanungan tungkol sa kung ano – at sino – ang mga nakakasalamuha natin sa internet. Bilang tugon, ang konsepto ng pagkataong maibeberipika ay nagiging mahalaga na sa internet. Ang lumalaking demand para sa mga solusyon tulad ng World ID ay hindi tungkol sa pagbitaw sa nakaraan o pagsugpo sa inobasyon; ito ay tungkol sa pangangalaga sa pagtitiwala at awtentisidad sa harap ng mabilis na pagbabago sa teknolohiya. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng madaling paraan para mapatunayan ang pagkakakilanlan isang tao nang may respeto sa pribasiya, maaari nating mabigyan ng kapangyarihan ang mga indibidwal, mabigyan ng katiyakan ang mga komunidad, at disarmahan ang mga nais magmanipula ng AI para makagawa ng masama. Isa itong malaking hamon, pero isa rin itong pagkakataong baguhin ang pagtitiwala sa internet para sa mas ikabubuti ng lahat. Ang hinaharap ng internet ay maaaring maging isa kung saan ginagarantiyahan ang awtentisidad at hindi kailanman pagdududahan ang elementong pantao, kahit gaano pa ka-advance ang ating mga algorithm.

Alamin Pa

Para manatiling may alam tungkol sa World, bisitahin ang website ng World o mag-subscribe sa blog sa ibaba.

Maaari ka ring sumali sa pang-araw-araw na usapan sa lahat ng mga social media channel ng World, o makakuha ng karagdagang mahalagang impormasyon tungkol sa network sa pamamagitan ng pagbabasa ng World protocol whitepaper.

References

  1. 1.
    Metodolohiya ng Survey. Ang Talker Research ay nagsagawa ng survey sa 2,000 pangkalahatang populasyon ng mga Amerikano. Ang survey ay iniutos ng World at pinamahalaan at isinagawa online ng Talker Research sa pagitan ng Marso 28 at Marso 31, 2025.