
Nagbibigay ang World ng kagamitang makatutulong sa mga tao para mapatunayan nilang sila'y tunay na bukod-tanging tao online. Simple lamang ang pangunahing ideya: habang umuunlad ang AI, mas lalong kailangan ng internet ng maaasahang paraan para makilala ang tunay na tao mula sa mga bot, algorithm, at synthetic na pagkakakilanlan. Sa panahon ngayon, ang pagpapatunay na ikaw ay tao ay nagiging mas mahalaga at mas mahirap dahil kaya nang gayahin ng artificial intelligence ang mga teksto, larawan, boses, at maging ang buong digital na pagkatao.
Ang mga tradisyonal na kagamitan tulad ng CAPTCHA, password at mga KYC check ay idinisenyo para sa mas naunang panahon ng internet. Sa panahon ngayon, mas madalas pang makapasa ang mga bot sa CAPTCHA kaysa sa mga tao, at ang mga dokumentong ginawa ng AI o synthetic ay kayang dayain ang mga sistema ng beripikasyon na ginamit dekada na ang nakaraan. Habang lumalago ang awtomasyon, mas lumalaganap ang panlilinlang online, spam, pagpapanggap, at fake news. Kailangan ng internet ng bagong mapagkakatiwalaang pundasyon – isang nagbeberipika ng pagkatao nang may pribasiya. Tinutulungan ng World na paunlarin ang sangkatauhan sa pamamagitan ng pagbuo ng pundasyong ito para sa mundong puno na ng teknolohiya.
Gamit ang Orb, isang makabagong kamera, tumatanggap ang mga indibidwal ng beripikadong World ID. Ang World ID ay isang digital na credential na nakaimbak sa telepono ng tao na nagbibigay-daan para mapatunayang sila ay bukod-tanging tao nang hindi kinakailangan magpakilala. Sa pamamagitan ng zero-knowledge proof, walang nahahayag na anumang impormasyon tungkol sa personal na pagkakakilanlan ng user sa proseso ng beripikasyon. Ang resulta ay isang patunay ng pagkatao, hindi patunay ng pagkakakilanlan, na gumagana sa iba’t ibang mga network, platform at hangganan.
Binuo ang World para makinabang ang bawat tao sa panahon ng AI. Ang aming misyon ay paunlarin ang bawat tao sa pamamagitan ng paglikha ng pinakamalaking network ng tunay na mga tao sa mundo. Sa ngayon,[insert verified human ticker] tao na ang nagberipika ng kanilang World ID sa isang Orb.
Ang World ay binubuo ng apat na bahagi: ang Orb (hardware na nagbeberipika ng pagkakaiba at pagkatao), World ID (pribadong digital na patunay ng pagkatao), World Chain (blockchain infrastructure na nagpapatakbo ng network) at Worldcoin (isang digital na token).
Alamin pa ang tungkol sa kung paano gumagana ang World ID at maghanap ng Orb na malapit sa'yo.
1. Bakit mahalaga ang World o patunay ng pagkatao sa panahon ngayon?
Ang tanong na "ano ang tunay?" ay naging mas mahalaga. Binabago ng AI-generated na nilalaman, synthetic na account at mga automated agent ang bawat bahagi ng internet, mula sa social media hanggang sa mga serbisyo sa pananalapi at digital advertising. Sinusukat na ng mga malalaking advertiser ang lawak ng problema: natuklasan nila na malaking bahagi ng mga digital impression ay gawa ng mga bot. Ibinalita ng mga bangko na mas magaling na ngayong gumawa ang mga bot ng mga kapani-paniwalang pekeng dokumento kumpara sa mga tao. Problema ng mga dating platform ang mga user na lumilikha ng maraming account gamit ang iba't ibang alyas na pangalan. Nakikipagkumpitensya ang mga gamer laban sa mga bot na sumisira sa mga leaderboard at tournament.
Binuo ang World para sa panahon na ito. Nilinaw na ng aming mga tagapagtatag, taon na ang nakalipas, na magiging mahalagang digital infrastructure ang patunay ng pagkatao na kakailanganin ng lahat. Ang network ng tunay na mga tao ay umabot na sa milyun-milyong beripikadong tao sa buong mundo, at nagiging mas mahalaga pa sa iba’t ibang larangan tulad ng pananalapi, social platform, gaming, advertising at pamahalaan.
2. Paano pinoprotektahan ng World ang pribasiya ko?
Sa simula pa lang, idinisenyo na ang World para mapatunayang ikaw ay tao nang hindi na kinakailangan pang malaman kung sino ka.
Ang proseso ng beripikasyon ng patunay ng pagkatao ay lumilikha ng naka-encrypt na code, na tanging makikita lamang sa telepono mo. Dahil dito, walang sentralisadong database ang World para sa personal na data.
Ang pangalan, lokasyon, kasarian at iba pang detalye ng may-ari ng beripikadong World ID ay nananatiling hindi alam ng World. Kapag dumadaan sa isang makabagong paliparan, mas marami pang personal na impormasyon ang kusa nating naibibigay kaysa sa sinumang nagbeberipika at gumagamit ng kanilang World ID.
3. Ang World ba ay isang crypto na kompanya?
Ang World ay isang network ng patunay na pagkatao. May mahalagang papel ang blockchain technology sa proyektong ito: pinagagana nito ang World bilang isang desentralisadong protokol na walang sinumang kumokontrol na kumpanya o bansa dito. Mahalaga ito dahil ang imprastraktura ng patunay ng pagkatao sa buong mundo ay dapat na bukasang puwede para sa lahat. Ang Worldcoin (WLD) ang pangunahing cryptocurrency ng World. Pinamahalaan ng World Foundation ang nakalaang pamamahagi ng mga token para sa komunidad ng mga indibidwal na nagpaberipika bilang bukod-tanging tao.
4. Saan available ang World, at saan ito patungo?
Available ang World sa mahigit 20 bansa at nadaragdagan pa. Sa buong mundo, halos 40 milyong tao na ang sumali sa network, at tinatayang kalahati rito ay mga beripikadong tao.
Sa mga bansang matagal nang available ang teknolohiya ng patunay ng pagkatao, kapansin-pansin ang pagdami ng bilang ng mga gumagamit: higit sa sangkatlo ng populasyong nasa hustong edad na sa Lisbon ay may patunay ng pagkatao, at higit sa sangkapat ng mga hustong edad na sa Buenos Aires ay mayroon din.
Sa United States, inilunsad na ang World sa mga pangunahing innovation hub kabilang na ang San Francisco at Miami. Ang pagkakaroon ng Orb sa US ay mabilis na lumalawak sa pamamagitan ng new-generation device na ginagawa at inilalagay sa mga partner location tulad ng Razer stores at iba pang retail na lugar.
Ang Mga World ID Credential, na nagbibigay-daan sa mga indibidwal na magberipika gamit ang NFC-enabled na pasaporte o dokumento ng gobyerno, ay nag-aalok ng alternatibong high-signal path para sa mga walang agarang access sa Orb.
Ang hinaharap ay patungkol sa paggawa ng patunay ng pagkatao, na nakatuon lamang sa tao – na kasintatag ng HTTPS. Ginagawang mas maliwanag ng pakikipagsosyo at integrasyon ang kahalagahan ng pagpapatunay sa pagiging bukod-tanging pagkatao mo pagdating sa dating, gaming, pananalapi at retail.
Narito na ang network ng tunay na mga tao.
Para sa karagdagang Mga Madalas Itanong, mangyaring bisitahin ang https://world.org/faqs
Mga kaugnay na artikulo

Understanding World ·
Policy ·
Ang mga benepisyo sa ekonomiya ng patunay ng pagkatao

Understanding World ·
Mga Madalas Itanong tungkol sa World ID

Understanding World ·
The Age Verification Privacy Paradox: Why Document Uploads Hurt Everyone—and How World Solves It

Understanding World ·