
Nag-aalok ang mga grocery ng package pickup. Nagpapatikim ang mga tindahan ng alak. May mga ATM sa mga convenience store. Laging naghahanap ang mga retailer ng paraan para dumami ang pumapasok na customer na bagay sa negosyo nila. Ngayon, may bago silang oportunidad: Ang beripikasyon ng Patunay ng Pagkatao, gamit ang Orb.
Pinalalawak ng World ang Partner Markets program nito sa malalaking mga negosyo sa buong mundo. Kung may matagal ka nang pisikal na tindahan at inuuna mo ang mga tao, gusto ka naming makatrabaho.
Sa pamamagitan ng teknolohiya ng World para sa patunay ng pagkatao, matutukoy ng mga kumpanya ang mga tao mula sa AI online, para matiyak na ang tunay na mga tao ang makikinabang sa panahon ng AI. Para sumali sa network ng tunay na mga tao at makakuha ng beripikadong World ID, pumupunta ang mga tao sa isang Orb. Kukuha ito ng mga larawan ng mukha at mga mata nila para maberipika kung bukod-tangi silang tao. Pagkatapos, buburahin ang mga larawang iyon para ang mga tao, at hindi mga machine, ang may-ari ng datos nila. Sa pamamagitan ng World ID, magkakaroon ang mga beripikadong tao ng kakayahang maberipika ang pagkatao nila sa mga application at serbisyo nang hindi nagpapakilala.
Ngayon, mayroong 1,300 Orb na naka-set up sa iba't ibang parte ng mundo. Mga tindahan ng video game sa Tokyo. Mga cafe sa London. Mga restaurant sa Buenos Aires. Pwede ring makinabang ang tindahan mo, kahit nasa isa ka sa 20+ bansa kung saan mayroong teknolohiya ng World para sa patunay ng pagkatao, o kung gusto mong dalhin ang teknolohiya ng World sa bansa mo. Matuto pa at mag-apply dito.

Ang mga benepisyo
May tatlong pangunahing benepisyo kapag naglagay ka Orb:
Una, ang mga lokasyon ng Orb ay nagdadala ng mas maraming tao sa tindahan mo. Noong Setyembre 2025, mahigit 16 milyong tao na ang nakapagpaberipika at sumali sa network ng tunay na mga tao. Ang mga indibidwal na magpapaberipika ay pwede ring mag-opt in para sa Worldcoin, isang digital token, na pwede nilang gastusin sa mga produkto at serbisyo sa tindahan mo (sa pamamagitan ng isang simpleng payment integration), at mapapalago nito ang customer base mo.
Pangalawa, binabayaran ng World Foundation ang mga negosyo para sa bawat bukod-tanging taong magpapaberipika sa mga tindahan nila.
Pangatlo, tinutulungan ng World ang kumpanya mong mapakinabangan ang World ID sa negosyo mo, para matiyak na mas malaki ang makukuha mong bahagi ng tunay na mga kliyente at mas kakaunti ang bot o manloloko. Magsasagawa kami ng isang pilot program kasama ang Tinder para mabawasan ang catfishing, i-nintegrate ang World ID sa Razer para maalis ang mga bot sa mga multiplayer game, at nakipag-partner sa isa sa pinakamalalaking mga marketing agency sa Japan para masugpo ang mga click farm.
Kwalipikasyon
Dapat may malawak na presensya sa retail (o kakayahang makipag-partner sa may ganoon) ang mga kwalipikadong partner at umaayon sa misyon ng World na magkaroon ng patunay ng pagkatao, pananalapi at koneksyong abot ng sangkatauhan.
Naghahanap kami ng mga partner na may sapat na kakayahan sa operasyon para tukuyin ang mga posibleng lokasyon, mag-deploy ng hardware at bumuo ng isang strategic launch plan para mapakinabang nila nang husto ang partnership. Ang mga Orb ay self-serve; hinihling lang naming madaling makita ang mga ito at accessible sa regular na oras ng operasyon.
Para masuportahan ka, ang manufacturer ng Orb na Tools for Humanity ay magsasagawa ng mga promosyon para dumami ang mga customer sa mga lokasyon mo, magbibigay ng mga sukatan para makatulong sa pagdedesiyon mo tungkol sa mga operasyon mo, at mag-aasikaso sa anumang kinakailangang pagkukumpuni ng Orb o pag-update ng software.
Sumali na
Kung handa ka nang makipag-partner sa World para palaguin ang network ng tunay na mga tao, pindutin ito para makapagsimula.
Alamin pa ang tungkol sa World
Para manatiling may alam sa pinakabagong impormasyon mula sa World at iba pang kapana-panabik na balita at anunsyo, pumunta sa website ng World o mag-subscribe sa blog sa ibaba.
Pwede ka ring sumali sa pang-araw-araw na usapan sa lahat ng social media channel ng World, o alamin pa ang mahahalagang impormasyon tungkol sa network sa pamamagitan ng pagbabasa ng World protocol whitepaper.