
Ano ang Orb?
Ang Orb ay isang custom at makabagong hardware device na ginawa para sa World Network para maberipika ang pagkatao at pagkabukod-tangi ng isang tao sa paraang ligtas at pinoprotektahan ang pribasiya. Binuo ito ng tagapag-ambag sa World na Tools for Humanity (TFH).
Ano ang ginagawa ng Orb?
Ginagamit ang Orb para maberipika ang World ID ng isang tao. Isa itong pribado at protektadong digital na pasaporte na nagbibigay-kakayahan sa milyun-milyong taong mapatunayang tao sila online.
Ginagawa nito ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga specialized sensor para matiyak na ang taong nakatayo sa harap nito ay isang tao. Pagkatapos, kukuha at ipoproseso nito ang isang serye ng mga larawan ng iris para lumikha ng isang Iris Code, isang digital na representasyon ng tekstura ng iris. Ginagamit ang Iris Code para maberipika kung ang isang tao ay bukod-tangi at hindi pa nakapagpapaberipika ng isang World ID dati.
Ang lahat ng impormasyon ay palaging buburahin mula sa Orb, kabilang ang mga larawan kapag ito ay naipadala na sa device ng nasabing tao.
- Alamin pa ang tungkol sa kung papaano napoprotektahan ang mga Iris Code sa pamamagitan ng isang SMPC system.
May mga proteksyon ba ang Orb para sa pribasiya at seguridad?
Oo. Naka-built in sa Orb hardware ang iba’t ibang feature para sa pribasiya at seguridad na idinisenyo para matiyak na walang datos ang maa-access ng sinumang walang awtorisasyon.
Kabilang dito ang dalawang natatanging cryptographic key na parehong permanenteng naka-burn in sa hardware ng Orb: ang isa ay inilalagay sa pangunahing CPU bago ang pagmamanupaktura nito at ang isa naman ay nasa isang secure element na hindi pwedeng ma-export. Hindi gagana ang Orb hangga't hindi parehong valid ang mga key at hindi maayos ang environment ng mga ito. Wala ring code ang gagana rito nang walang cryptographic signature.
Kabilang sa karagdagang mga proteksyon para sa Orb hardware at backend data security ang:
- Asymmetric data encryption sa Orb
- Pagproseso ng RAM-only data
- Solid-state drive (SSD) encryption "at rest"
- Pag-encrypt ng datos habang inililipat ito mula sa Orb patungo sa protektadong mga server
- Paggamit ng protektadong mga server ng AWS at MongoDB na nakabase sa EU para sa pagtatago ng mga iris code
Hindi kumpleto ang listahang ito. Layunin lang nitong maipakita kung gaano kami kaseryoso sa pangangasiwa sa pribasiya at seguridad ng datos sa Orb. Patuloy na sinusuri at pinaiigting ng TFH ang mga feature para sa seguridad para matiyak ang integridad ng World.
- Magbasa pa tungkol dito sa Teknikal na Implementasyong bahagi ng World whitepaper.
- Alamin pa ang tungkol sa Pribasiya ng World.
- Alamin pa ang tungkol sa World data security.
Inaawdit ba ang Orb para mapatunayan ang mga pahayag nito tungkol sa pribasiya at seguridad?
Oo. Regular na isinasagawa ang mga awdit ng pinagkakatiwalaang mga third-party na awditor para makumpirma ang mga pahayag ng Orb tungkol sa pribasiya at seguridad.
Kamakailan, ang TFH, kasama ang World Foundation, ay nakipag-ugnayan sa respetadong mga eksperto sa seguridad mula sa Trail of Bits para magsagawa ng espesyal na awdit sa software ng Orb.
- Basahin ang independiyenteng awdit sa pribasiya at seguridad ng Orb.
Open source ba ang hardware at software ng Orb?
Oo. Marami sa mga pangunahing bahagi ng hardware at software ng Orb ay naka-open source na at makikita ng lahat sa GitHub. Mas marami pa ang magiging open source sa hinaharap.
- Tingnan ang open source software repository ng Orb.
- Tingnan ang open source software repository ng Orb.
Paunawa
Ang nilalaman sa itaas ay patungkol lamang sa petsang nakasaad. Bukod pa rito, napapailalim ito sa mga panganib, kawalan ng katiyakan at mga pagpapalagay, kung kaya't maaaring maging mali ito at maaaring magbago nang walang abiso. Matatagpuan ang buong pagtatanggi sa aming Mga Tuntunin sa Paggamit at ang Mahahalagang Impormasyon Para sa User ay matatagpuan sa aming Mga Panganib na pahina.