Mga Madalas Itanong Tungkol sa World App

Abril 24, 2024 3 Minutong Pagbabasa

Ano ang World App?

World App ang unang wallet na nilikha para sa World Network. Binibigyan nito ang mga tao ng access sa isang pribado at desentralisadong digital na pagkakakilanlan sa pamamagitan ng World ID at desentralisadong pinansya sa pamamagitan ng mga cryptocurrency at mga digital stablecoin gaya ng digital dollars. 

Ang World App ay binuo at pinatatakbo ng Tools for Humanity, isang tagapag-ambag sa World. 

Ano'ng magagawa ko sa World App?

World App ang unang app na tinatanggap ang World ID, isang protektado at permissionless na protocol ng pagkakakilanlan na nagbibigay-daan sa milyon-milyong katao na mapatunayang tao sila online nang pribado. 

Sa pamamagitan ng World App, pwede mong maipaberipika ang World ID mo sa isang Orb. Pagkatapos, magagamit mo na ito para makapag-sign in sa mga website, mga app at mga crypto dapp nang walang kahirap-hirap. Pwede mo ring gamitin ang World App para tingnan ang mga World ID app intergration tulad ng Telegram, Discord at Shopify. 

Sa pamamagitan ng World Wallet, mas madali mo nang maa-access ang pandaigdigang digital na ekonomiya. Pwede mo itong gamitin para magtabi at magpadala ng digital dollars sa buong mundo nang libre, kumonekta sa isang serbisyo para tingnan at makipagpalitan ng mga crypto token at (sa maraming bansa) makakuha ng Worldcoin Grant.*

Noong Abril 2024, umabot na sa 10 milyon ang kabuuang bilang ng mga World App user at 70 milyong kabuuang transaksyon sa wallet.

Bakit naiiba ang World App sa iba pang digital wallet?

Ang World App ay isang kakaibang uri ng self custodial wallet. Idinisenyo ito para magamit ng lahat.

Ang mga may World ID ay pwedeng makakuha ng allowance para sa libreng gas sa World App. Sadya rin itong idisenyo ng team sa TFH na maging simple, pamilyar at madaling gamitin. Ipinapakita ng World App sa mga user ang mga bahagi lang ng Worldcoin at Ethereum na pinakamakatutulong sa pang-araw-araw nilang buhay.

Pagdating sa kinakailangang data storage, higit na mas maliliit ang mga native iOS at Android app kumpara sa karaniwan sa industriya. Para ganap na maging inklusibo, isinalin ang ito sa iba't ibang wika at tinatanggap ang karamihan ng mga aktibong smartphone sa buong mundo (mahigit 98% ng mga Android phone at 94% ng mga iPhone), kabilang na ang ilang higit 10 taon na. 

Anong mga protocol at API ang naka-integrate sa World App?

Ginagamit ng World App ang composability ng Ethereum para pagsama-samahin ang ilan sa pinakamaiinam at pinagkakatiwalaang mga open protocolsat API sa iisang app na madaling gamitin.

  • Gumagamit ang mga World Wallet ng account abstraction sa pamamagitan ng mga SAFE contract para mapaigting ang seguridad at bigyang-daan ang mga transaksyong walang gas. 
  • Binibigyang-daan ng mga ENS username madaling peer-to-peer payment. 
  • Ang token trading ay available sa pamamagitan ng desentralisadong Uniswap protocol.
  • Ang USDC ng Circle na tinatanggap sa World App ay nagbibigay-daan sa mga user sa buong mundong magkaroon palagi ng access sa isang fully-backed digital dollar. 
  • Ang frictionless fiat-to-crypto at crypto-to-fiat exchange ay ibinibigay ng lisensyado o rehistrado naming mga partner sa iba't ibang panig ng mundo, kabilang ang Ramp.

Noong Hulyo 2023, ang World App, kasama ang World ID, ay inilipat sa OP Mainnet kung saan ito ay naging pinakamalaking app batay sa kabuuang paggamit na may higit 36% ng ETH fees. Inanunsyo ng Worldcoin, kabilang ang World App at World ID, na lilipat ito sa World Chain sa kalagitnaan ng 2024.

Self-custodial ba ang World App?

Ang World ID at World App ay ganap na self custodial pagdating sa mga World ID Key at sa non-custodial wallet.

Bukod pa rito, walang impormasyong gaya ng pangalan, email address, numero ng telepono, atbp. ang kailangan para ma-download at magamit mo ang World App o para maipaberipika at magamit mo ang World ID.

Alamin pa ang tungkol sa Pribasiya ng World

Saan ko mada-download ang World App?

Mada-download ang World App sa App Store at Google Play Store. Available ito ngayon sa karamihan ng mga bansa sa buong mundo.

Paunawa

Ang nilalaman sa itaas sa patungkol lamang hanggang sa petsang nakasaad. Higit pa rito, napapailalim ito sa mga panganib, kawalan ng katiyakan at mga pagpapalagay, kung kaya't maaari itong maging mali at magbago nang walang paunang abiso. Matatagpuan ang buong pagtatanggi sa aming Mga Tuntunin sa Paggamit at ang Mahahalagang Impormasyon Para sa User ay matatagpuan sa aming Mga Panganib na pahina.

*Ang pagiging kuwalipikado para sa mga token ng Worldcoin (WLD) ay nililimitahan batay sa heograpiya, edad at iba pang salik. Ang WLD ay hindi magagamit, o inilaan, para sa mga taong residente ng, o mga kumpanyang matatagpuan o nakarehistro bilang korporasyon o may rehistradong ahente, sa Estados Unidos o ilang iba pang pinaghihigpitang teritoryo. Gayunpaman, ang World ID at ang World App ng TFH ay magagamit pa rin sa Estados Unidos. Para sa mga detalye, pumunta sa: www.worldcoin.org/tos. Malaki ang nakataya sa paggamit mo ng mga produktong crypto. Ang Mahahalagang Impormasyon Para sa User ay matatagpuan sa www.worldcoin.org/risks.

Ang impormasyon sa artikulong ito ay lampas na sa 12 buwan at maaaring kalabisan na. Mangyaring bisitahin ang world.org/blog para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa proyekto.